Chapter Thirty

1.5K 69 7
                                    

Por Dios, Por Santo! Alas tres ng madaling araw. Ano to napagtripan lang basta ni Zaint na mag road trip? Monique bit her lower lip. Hindi sya mapakali habang nakaupo sila sa waiting area sa may lobby ng condo. They were waiting for the company driver and car na maghahatid sa kanila sa Laguna. At Sta. Rosa techno park to be exact.

So, this is Zaint's way of saying he miss her too?

Dahil nga busy ito doon, isasama nalang sya nito. She could be happy. Pero jusko naman hindi ba pwedeng matulog muna?

Hindi pa din sya pinapansin ni Zaint after sya nito iwan sa cr. Pwes hindi din nya ito papansinin. Hump.

Hikab.

In her sleepy-driven state, she called Leanne. "Hello?"

"Lyndsai Andrea Asuncion!"

"Monique? Utang na loob naman! Kung chismis lang yan ipagpabukas mo na. Natutulog pa ako."

Grabe. Nakakatouch talaga tong si Leanne kausap kahit kailan.

"Lee papunta kami ni Zaint ngayon sa Techno park!"

"So?" Ugh. Why is everybody being insensitive nowadays? "Monique naman, hindi ako si darna. Anong gusto mong gawin ko? Harangin ko yung sasakyan nyo?"

"Anong gagawin ko? Hindi ako kinakausap ni Zaint. Nalaman nya yatang hinatid ako ni Nico kanina. Baka mamaya may balak tong ipasalvage ako."

Zaint frowned at her. Narinig ata nito ang sinabi nya. Lumayo sya lalo.

"Inhale, exhale. Wag ka mag alala hindi ka naman siguro agad mamatay. Bakla ka ng taon. Malandi ka kaya for sure mahirap ka mamatay." Diba masamang damo yung mahirap mamatay? At ipinarinig pa talaga nito sa kanya ang malakas na paghikab.

Hindi naman sya manhid. Nahiya pa itong magsabi sa kanya na 'hang up' na.

"Kasalanan mo to e! Kung hindi umiral yang kakatihan mo, at di ka nag initiate na ihatid tayo ni Nico kanina edi sana di ako nito pinaparusahan ng ganito kaaga nitong si Zaint."

"Relax okay. Take a deep breath. Punta ka sa tabi ni sir."

"Tapos?"

"Yakapin mo at saka mo i-kiss. Torrid."

"Lee!" She then gaped at Zaint. And he was also staring at her! Feeling nya nagkulay kamatis na hinog ang pisngi nya sa pula. Kung narinig lang nito ang sinabi ni Leanne...

"Oh? Kailangan tumili? Ikaw na binibigyan ng suggestion e."

"Kung ano-ano kasi pinagsasasabi mo dyan."

"Sige wag na torrid. French kiss na lang."

"Sinasabi ko na nga e. Ikaw talaga ang B.I. sa akin." Hindi napigilan ni Monique ang matawa.

"Matagal na Monique. Sus if i know... na tetemp ka din halikan yang si sir Zaint."

Hmmm. Parang nga. She swallowed the imbisible limp on her throat. Zaint was sitting handsomely in his white polo shirt and faded maong jeans. Damn sexy men. Terno sila nito ng suot.

Kahit paano, gumaan naman ang pakiramdam nya sa pagtawag nya kay Leanne. Alam nya puro ito kalokohan minsan, but she just wanted to make the ordeal light for her.

She hang up then.

Lumapit sya kay Zaint at umupo sya sa tabi nito. He looked bored. He wore that devil-may-care expressions on him. As if he owned the world. Gawin nya kaya dito yung sinudggest ni Leanne? Ano kaya magiging reaksyon nito? Tapos ay unti unti itong tumingin sa kanya. Nakataas ang kilay. She tried to smile. Pero parang ayaw makisama ng mga muscles nya sa mukha. She bit her lower lip.

Daring to Date the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon