James’ POV
After two weeks of preparation para sa business namin naumpisahan na namin ito kaagad.Three months pa lang nabawi na namin ang puhunan namin. Pano ang gaganda ng designs ni Ann. Lalo pang maeengganyong bumili ang mga tao kasi sobrang ganda nya habang suot nya yung mga damit.
Grabe six months kaming madalas magkasama at unti-unting nahulog ang loob ko sa kanya. Sana nga isang taon na lang yung project eh.
Narrator
“Class after monitoring your businesses for six months and analyzing your financial records nalaman ko na kung sino ang may pinakamalaking kinita. That pair will be receiving a grade of 100. And that pair is James and Ann! Napatalon si Ann sa sobrang tuwa at biglang niyakap si James. “Ang galling natin James! Highest tayo!” sabi nya habang nakayakap pa rin ay James. Ngumiti si James. “Syempre ang gaganda ng mga designs mo eh” sabi ni James. *At ang ganda mo*
Ann’s POV
Ang saya-saya ko! Hindi ko inaasahan na kami ang magiging highest! Buti na lang si James ang partner ko. Dapat mag-celebrate kami. Nakita ko si James na binabalik yung mga libro nya sa locker nya.
“Oh James uuwi ka na?” tanong ko.
“Oo, bakit?” sabi nya.
“Mamaya ka na umuwi. Labas tayo. Let’s celebrate for our success” sabi ko.
“Oo nga pala. Sige saan mo gusto?” tanong nya.
“Sa Crepes and Crème tayo!” sagot ko.
=Crepes and Crème=
“Grabe ang saya –saya ko. Hindi ko inexpect na tayo ang magiging highest” sabi ko habang kumakain.
*Bakit kaya parang balisa si James? *
“Ako din masaya. Sigurado ako kung hindi ikaw ang partner ko hindi ako magiging highest” sabi nya na halatang balisa at parang kinakabahan.
“Lalo naman ako. Kung si Joe ang kapartner ko ako lang ang gagawa ng lahat for sure” sabi ko.
“Ann may ice cream ka dito oh” sabi nya sabay turo sa gilid ng labi nya.
Pinunasan ko yung gilid nga labi ko pero wala naman akong nakita sa tissue.
“Hindi dyan dito oh” sabi nya sabay punas nung ice cream sa gilid ng labi ko.
*Bakit para akong nakuryente nung hawakan nya ko? May sa engkanto ba ‘to?*
“Salamat” sabi ko sabay ngiti.
“Tignan mo James oh, yung pangalan ko nasa crepe mo ayun oh sa sprinkles” tuwang-tuwang sabi ko.
“You must be special” sabi nya.
*Sa puso mo?*
“Ang sweet mo naman!” sabi ko.
“Ann ahh..may sasabihin sana ako sayo. Pero sana kahit anong mangyari friends parin tayo” sabi nya.
*Anu kaya yun? Yun ba ang dahilan kung bakit parang kinakabahan sya?*
“Oo naman!” sabi ko sabay ngiti.
James’ POV
“Oh James uuwi ka na?” tanong ni Ann sakin.
“Oo, bakit?” tanong ko.
“Mamaya ka na umuwi. Labas tayo. Let’s celebrate for our success” sabi nya.
“Oo nga pala. Sige saan mo gusto?” tanong ko.
“Sa Crepes and Crème tayo!” sagot nya.
=Crepes and Crème=
“Grabe ang saya –saya ko. Hindi ko inexpect na tayo ang magiging highest” sabi ni Ann habang kinakain ang crepe nya.
“Ako din masaya. Sigurado ako kung hindi ikaw ang partner ko hindi ako magiging highest” sabi ko habang tinatago ang sobrang kabang nararamdaman ko.
“Lalo naman ako. Kung si Joe ang kapartner ko ako lang ang gagawa ng lahat for sure” sabi nya.
Sarap na sarap siguro sya sa pagkain kaya hindi nya napansin na may lumagpas na ice cream sa labi nya.
“Ann may ice cream ka dito oh” sabi ko sabay turo sa gilid ng labi ko.
Pinunasan nya yung gilid nga labi nya pero sa kabilang side.
“Hindi dyan dito oh” sabi ko sabay punas nung ice cream sa gilid ng labi nya.
“Salamat” sabi nya sabay ngiti.
“Tignan mo James oh, yung pangalan ko nasa crepe mo ayun oh sa sprinkles” tuwang-tuwang sabi nya.
“You must be special” sabi ko with a smile.
“Ang sweet mo naman!” sabi nya.
*Sasabihin ko na kaya? Pero baka masira lang ang pagkakaibigan namin. Pero baka naman hindi ko rin kayanin kapag hindi ko ito nasabi sa kanya. Bahala na nga!*
“Ann ahh..may sasabihin sana ako sayo. Pero sana kahit anong mangyari friends parin tayo” sabi ko.
“Oo naman!” sabi nya sabay ngiti.
“Ann I LIKE YOU!” sabi ko sabay yuko.
After that Ann was speechless.
“Ann you don’t have to say you like me too. Gusto ko lang malaman mo. Sige aalis na ako” sabi ko sabay tayo sa kinauupuan ko.
Lalakad na sana ako palabas pero hinawakan nya ang kamay ko.
“Wait” sabi nya sabay tayo at yakap sakin.
*Nakokonsensya siguro siya*
“I don’t like you” sabi nya.
*I knew it, sino ba ang magkakagusto sakin kung ganito ang porma ko? Pero ang sakit pa rin.*
BINABASA MO ANG
♥"Love at First Kiss"♥
Teen FictionThis is a love story between a conservative girl turned into a liberated one and a guy with the perfect look turned into a weird looking nerd. Their sudden change of their personalities is because both of them are victims of what we call “LOVE AT FI...
