Chapter 3

1.5K 74 10
                                    


"Bakit kaba nakasunod sa akin? ha?" pagtataray ko.

"Dadalhin kita sa clinic!"

Napailing ako at napahawak sa sintido.

Sumasakit ang ulo 'ko! Nakalabas nakami sa klase, pero sumunod pa sa akin! Ang malala talagang sumasabay pa sa paglalakad!

Kung pwede lang manakit talaga!

"Bakit ba? Wala akong panahon sayo. At pwede ba, hindi naman tayo magkakilala!"

Tinuro 'ko ang iilang hakbang namin na pagitan. "Kaya distansya!"

Iniwan 'ko na siya dun. Binilisan 'ko ang paglalakad at hindi nililingon ang likuran. Grabe din ang confidence niya, saan ba siya humuhugot? Kung makipag-usap, akala mo, matagal ng kakilala.

Nilabas 'ko ang cellphone, at kailangan 'ko i-text si Elisse. Maaga ako lalabas ngayon. Uuwi na muna siguro ako at magpapalit, pero babalik ulit.

May tatapusin akong plates, bago maglinis sa library. Hmm... Siguro mas uunahin 'ko nalang muna, i-update si Magnus. Tanungin siya kung nasaan siya.

Me:
      Hi! Pauwi na ako, balik ako mamaya sa school ulit! Gus

"Ahhh!" lumabas sa may eskenita sa magkakadikit na building si Vincent.

Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat. Napalingon ang mga tao na kasabay 'kong naglalakad kanina. Habang si Vincent, naka-ngiti habang pinagmamasdan akong hindi makagalaw sa gulat.

"Sumosobra kana! Bakit ba sinusundan mo ako? Muntik pa tumilapon ang cellphone 'ko! Kaya 'ko naman na pumunta mag-isa sa clinic eh! Bakit ba kailangan makielam?" sigaw 'ko.

Tila nagulat naman siya sa mga nasabi 'ko. Hindi siya gumalaw at hindi 'rin nakaimik.

Iniwan 'ko siya dun. Ang lala niya! Wala nabang privacy ang mga tao ngayon?

Kahit inis ay nag-send ako ng message kay Magnus.

Me:
      Hi! Pauwi na ako, balik ako mamaya sa school ulit! Gusto mo ng merienda?

sent.

Umuwi ako sa bahay, hindi naman din kalayuan. Nagpalit ako ng uniform, nilagyan 'ko din ng band aid yung mga parte na may galos. Lalo na dito sa may bandang braso. Ang katapat ng sugat ay betadine, bukas magaling 'to sigurado.

Habang naglalagay ako ng betadine, sinilip 'ko pa ang telepono kung may reply naba si Magnus.

Wala pa.

Siguro ay busy, wala pa akong kopya ng schedule nya e. Sinuklay 'ko ang buhok, tsaka na umalis ng bahay. Wala akong nadatnan na tao sa bahay, wala pa sila.

Pagbalik 'ko ng school, dala dala ang mga gamit na pangguhit. Dumiretso ako sa paggawa ng plate, kapag natapos 'ko to, maglilinis na. At sana, hopefully, makasabay umuwi si Magnus.

Nagsuot ako ng earphone habang gumuguhit. Next school year, more on digital na kami. May plano na kaya si Magnus para next school year?

Mabuti nalang mabilis 'kong natapos ang ginagawa 'ko. Sobrang satisfied ako, sa gawa ko. Ni-rolyo 'ko ang ginawa at nagpunta sa may front desk ng library. Magliligpit na ako ng mga libro at aayusin ang mga lamesa na iniwan ng mga gumamit na estudyante.

Bago mag-ayos, nilingo 'ko muna yung telepono 'ko.

May text pero si Elisse lang. Hindi 'ko binuksan muna ang mensahe, at diretso na agad ako sa pag-aayos.

Dalawa nanaman ang nakalimot sa tumbler nila. Iniwan 'ko sa lost and found.

Nag-log out na ako sa library.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon