A/N:
Sorry for typos and grammatical errors."Aray ko..." sabay silip sa siko.
Masyadong matatalim ang mga talahib doon, dagdag pa ang pagkasabit ko sa may bakod. Bakit parang walang budget ang school para sa pagbili man lang ng grass cutter?
"Argghhh." Napatingin naman ako sa may paaanan 'ko.
Nakarating naman ako sa oras, kayalang ganito ang nangyari sa 'kin. Pinagtitinginan ako ng mga kapwa ko estudyante habang naglalakad sa hallway ng building nina Magnus.
Naririnig 'ko pa sa sapatos 'ko ang paglagkit sa medyas 'ko. Mamasa-masa ang lupa sa dinaanan 'ko.
Isa-isa 'kong binabasa ang mga numero sa bawat pinto.
"Aray ko!" napasigaw ako sakit.
Masakit na ang nararamdaman 'ko, bigla pa akong nakaramdam ng pagtulak sa akin. Kaya dumagdag ang sakit ng balakang 'ko. Mabuti nalang at pants ang pinapasuot na uniform sa aming architecture students.
Kung hindi ay... Nasilipan na ako sa pagkakasalampak!
Tiningala ko naman ang bumunggo sa 'kin, Si Cindy nanaman. Sa kanyang mahabang buhok palang na may kulot sa dulo at pumapalatik na eyeliner.
Ang get-up nya ay sasali sa isang beauty pageant. Simula nung Freshman ako dito hanggang ngayong 3rd year college na ako, ito lang naman si Cindy Umali ang nagpahirap ng buhay estudyante ko.
"Ay sorry Angelica," sabi n'ya pero halata sa mukha ang pagiging sarkastiko. May pa-impit pang tawa.
"Okay lang Cindy... Sanay naman ako sa 'yo," sabi ko habang inaayos ang sarili.
Hindi ka ba masasanay sa ganito.
"Sumasagot kana ngayon Angelica ha!"
Hinawakan n'ya ang braso ko at pina-harap sa mga kapwa naming estudyante na nasa may harap ng building, "Tignan nyo! Ito pala si Angelica Flores, mula sa dating angkan ng mga flores na matagal nang lubog sa utang."
Biglang napunta ang lamig sa mga paa at kamay 'ko dahil sa mga narinig.
Ang ayaw 'ko sa lahat, ang pinag-uusapan ang pamilya 'ko. Wala na s'yang pake kung ano man ang nangyari sa amin!
Rinig 'ko ang bulungan, at alam 'kong masakit ang mga ibinubulong.
"Tandaan n'yo ang mukhang to! Ayaw kong nakikita kong kinakausap n'yo sya!"
Tumatawa siyang umalis, pero wala akong magawa.
Natuod ako sa kinakatayuan 'ko. Hindi maihakbang ang mga paa 'ko... nanatili akong nakayuko at hindi alam ang gagawin.
Anong gagawin 'ko? Hindi 'ko alam kung hahakbang ako habang nakayuko...
Biglang may kumalabit sa likod 'ko.
Biglaan ang mga paa 'ko na naglakad papalayo sa lugar na 'yon.
May kailangan pa naman akong ihatid.
Ipagsasawalang bahala 'ko ang lahat, hindi na kabawasan sa pagkatao 'ko ang mga sinabi niya.
Kase totoo naman...
Sa tapat ng kanilang room, agad kong narinig ang kan'yang halakhak. Inayos 'kong bahagya ang buhok at umubo ng kaunti.
Sumilip ako ng kaunti...
Kumunot ang noo 'ko sa nakita 'kong may kayakap siyang babae. Sino 'yun?
Kumunot ang noo 'ko sa nakita, nadadaanan pa naman ako ng mga kaklase niya, hindi man lang siya tinatawag.
BINABASA MO ANG
Chasing You
Roman pour AdolescentsMost Impressive ranking in Teen Fiction🎖️340 "Magnus, Huwag mo akong i-wan..." ang dalawang tuhod ko ay nakadikit sa lupa at pinipilit na hinahawakan ang kamay ng lalaking nasa harapan 'ko. Ramdam ko ang bigat ng bawat patak ng ulan, at sumasabay p...