Chapter 4

1.3K 56 9
                                    

Noong gabing 'yon, maaga siguro nakatulog si Magnus dahil sa pagod. Hindi padin siya nakapag-reply sa akin.

Bigla 'kong naalala yung mga panahong nanliligaw siya sa akin. Hindi 'ko man siya madalas makita, pero palagi ang update niya sa akin. O dahil baka na-busy lang talaga dahil sa nalalapit na basketball tournament?

Dati, lagi siyang nagtatanong, kung anong oras ang uwi 'ko. Hindi 'ko man siya kasabay umuwi, pero parang kasabay kona din dahil lagi ang pag-te-text.

Basta, paglabas 'ko palang sa classroom. Agad ay may message na siya sa akin. Nagbibigay siya ng assurance at ikini-kwento ang nangyayari sa araw niya. Nakakaramdam tuloy ako ng hindi pamilyar na pakiramdam sa tyan 'ko.

Natapos 'ko ang plates na kailangan ni Magnus para sa kinabukasan. Naglalakad ako ngayon papasok ng campus, may papasukan nananamang mga klase.

Nasaan na kaya si Magnus?

Nakita 'ko si Cindy na naglalakad kasama ang mga kaklase niya. Umiwas ako ng daan. Masyadong malaki ang university para magkita pa ulit kami. At ang hirap din, ang laki ng school, pakalat-kalat siya.

At ayaw 'ko din naman siya makasalamuha, pagkatapos ang ginawa niya kahapon. Kung ibang tao lang 'yon, sigurado lalaban siya kay Cindy. Pero kung ako lang, kahit wag na.

Dalawang subject ang pinasukan 'ko ng umaga. Laking pasasalamat 'ko at walang binigay na plates. Madalas kasi, panay ang bigay ng format at plates, tapos pasahan agad bukas. Mabuti nalang at ngayon, wala. Medyo kabado, kase baka nagbigay lang ng free time, kase next week, puputulin na yung mga daliri namin kaka-drawing.

Habang naglalakad papuntang student grounds, para magtambay muna. Nag-message si Magnus sa akin. Tinatanong kung nasaan ba 'raw ako.

Mabuti at nakapag-reply na siya sa akin. Na-excite ako bigla.... pero late 'ko na-realize na baka kuhanin 'yung plates.

Nag-dadalawang isip 'din ako kung yayayain 'ko siya mag lunch. Hmmm, madalas din naman ata siya nagpupunta ng exit gate ng skwelahan para kumain sa mga stalls dun. Hindi 'ko siya masyadong nakakasama, ano kaya pakiramdam na kasabay siya kumain? o nakikita agad siya ng uwian?

Maya-maya, habang hinihintay 'ko ang reply niya, matapos 'kong sagutin 'yung tanong niya. Meron siyang sinend na picture.

Medyo matagal mag loading. Napa-isip naman ako 'kung ano 'yon. Baka picture ng ginagawa niya? Hmmm.... O baka memes, naalala 'ko yung mga sini-save 'ko na mga jokes na galing niya online.

Natatawa pa 'nun ako, kase kapag memes, lalo na about sa architecture... Bentang-benta sa akin...

Ginala 'ko muna ang tingin 'ko sa paligid habang hinihintay ang picture na mag-loading. Nasaan si Elisse? Last text niya kagabi sa akin, na bu-busy daw siya. Ang daming pinapagawa sa eskwelahan.

Binalik 'ko ang tingin sa telepono. Nag-send siya ng format pala ulit ng isang plates. Hmmm.... Dalawang palapag na building...

Mabuti nalang at walang pinagawa ang mga klase 'ko sa umaga, magagawa 'ko pa ito. Gustong-gusto 'ko siyang natutulungan, kase noon, siya lang din ang nakakatulong sa akin, kahit hindi niya alam na may dinadamdam ako.

Mabilis nagdaan ang linggo, grabe rin ang mga sunod-sunod na plates. Buong linggo, wala akong ibang nagawa 'kung hindi nag submit ng mga plates. Kahit ang library, naging tambayan 'ko siya ulit dahil sa sobrang daming ginagawa. Tama ang sinabi 'ko, binigyan lang ng sandaling panahon, tapos sunod-sunod nanaman ang bigayan.

Hindi na nagagawi si Vincent dito sa may library. Ay, ano bang pake 'ko sa kaniya? Bakit 'ko ba siya iniisip?

Nag-unat ako ng likod at kasalukuyang naglalakad. Pinalagutok 'ko ang mga daliri, pagkatapos ay winagayway 'ko. Mukhang lalagyan 'ko mamaya ng tape mga pagitan ng daliri 'ko. Halos bumakat ba naman kase yung mga ballpen at lapis na ginagamit 'ko, kaka-drawing.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon