Chapter 1

3.5K 111 30
                                    

"Totoo nga ang sinasabi ko sa 'yo Angelica, nakita ko si Magnus may kasama s'yang babae sa may bilyaran sa harap ng sakayan ng jeep...," sabi ng kaibigan 'kong si Elissa.

Sinamangutan 'ko naman siya ng tingin at yumuko para mag-isip. Malabo naman 'yon...tingin 'ko.

"Hindi naman siguro... tagal akong niligawan ni Magnus bago ko siya sinagot, paanong may iba sya?"

Sinamaan niya ako ng tingin at pinitik sa kaliwang kamay, "Angelica, okay kalang ba talaga?"

Ginalaw-galaw ko ang daliri kung saan niya ako pinitik at sinabing, "Two weeks palang ang nakakaraan ng sinagot ko sya. Five months pa nga s'yang nanligaw sa akin, diba? Baka namali kalang"

"Malikmata?! Haler? Ako mamamalikmata?" Tinuro ni Elissa ang sarili niya. "20/20 kaya ang vision ko, alangan naman may dopple ganger si Magnus. Nakakaloka naman kapag ganun!"

Baka nga...

Subukan 'kong i-kwento mamaya kay Magnus.

Nakaupo kami dito sa may park sa school namin, dito madalas naka tambay ang mga students lalo na malilim rito.

Napag-isip 'ko na, liligawan nya ba ako ng matagal kung magloloko rin s'ya sa akin? Nagpapa alam naman sya sakin kung ano ang gagawin nya at kahapon ay sinabi nya na maglalaro sila ng basketball, kasama ang mga barkada n'ya.

Overthinker pa naman ako! Sasakit pa yata ang ulo 'ko.

"Masama ang kutob ko sa Magnus nayan? baka naman pinagpustahan kalang nila? O nakakakuha sya ng benefits sayo? knowing na president lister ka!"

Nilapit ni Elisse ang mukha niya sa akin na parang hinuhuli ang ekspresyon 'ko kung magugulat ako,"Akala mo hindi ko nababalitaan? Lagi daw syang may pinapagawa sayo ah?"

Tinikom 'ko ng mabuti ang bibig.

Lately kase may pinapagawa s'ya sa 'kin na assignment, hindi nya daw magagawa eh kase may practice s'ya ng basketball. Ano bang klase akong girlfriend kung hindi ko s'ya matulungan sa ganon?

"Syempre, girlfriend n'ya ako. Trabaho ko na tulungan s'ya, atyaka maliit lang naman yun na bagay," sabi ko.

Sinamaan naman ako ulit ng tingin ni Elisse.

"Alam mo, teh. Sasambahin 'ka sa ginagawa mong 'yan..." Kunwari pinupunasan ang katawan 'ko ng panyo niya. "Tinapos mo ang research n'ya, teh. Ikaw, late nagpasa."

Totoo yon hindi ko agad natapos ang sa 'kin dahil sa research n'ya, pero sulit naman sa tingin 'ko dahil nag-kiss kami! Kahit mabilis at dampi lang!

Kinilig naman ako bigla...

Ang lambot sobra ng mga labi niya, parang never nakaranas ng dry lips... Nangungusap din ang mga mata ni Magnus, masasabi mo na... Perfection...

Alam mo 'yon...

Sino ba naman ang ayaw maulit 'yon? tao lang din naman ako.

"Teh, bat ka kinikilig d'yan. Parang tanga... may patakip-takip pa ng mukha."

Napansin 'ko naman ang ginagawa at tumuwid ng upo. Napapa-grabe na yata ang day-dream 'ko...

"Nandyan naman si Vincent, ang tagal 'na niyang ninanakawan ka ng tingin ah! Baka naman, Angelica..."

Vincent? Yung palagi 'kong nakikitang nasa library...
Naka-salamin at palaging tutok sa laptop. At kung hindi laptop sa mga ginagawang activities.

Kahit naman na malaman ko na may gusto s'ya sakin hindi ko parin sya papatulan.

Iba kasi talaga ang pakiramdam kapag si Magnus, yung puso ko lumalabas sa katawan ko pag nakikita ko s'ya. Iba sa pakiramdam, tumatalon talaga yung puso 'ko.

"Okay kami ni Magnus, at wala akong interes sa sinasabi mong pangalan."

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo Angelica, bahala ka na dyan!" sabi ni Elisse at tumayo.

"Una na ako, meron akong ipapacheck sa politics tsk. Byee kita mamaya!" bumeso sa 'kin.

"Sige po, Mommy!" biro 'ko sa kaniya dahil daig pa si mama sa daming sinasabi.

Nag aaral kami dito sa Honorio University, nag take s'ya ng Law. Ako naman ay Architecture, full time scholar ako dito.

Pero kahit full time scholar, daming duties dito sa school. Kumbaga, kapalit ng scholar ang buhay mo...

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone 'ko sa aking bulsa.

Si Magnus! Buti nalang tumawag na s'ya.

"Hello? Magnus?" sagot ko sa phone.

Kumunot ang noo 'ko. Meron akong naririnig na tumatawang babae sa background n'ya. Sino 'yun?

"Where are you?" tanong n'ya. Nanlambot bigla yung mga tuhod 'ko sa boses n'ya at inayos 'ko ang upo.

Boses palang...

"Andito sa may Student ground," sagot ko naman sa tanong n'ya.

Ano to? Susunduin n'ya ako? Pupuntahan n'ya kaya ako? Sinuot 'ko ang backpack 'ko dahil aamba na akong mag-ayos para agad niyang masundo.

"Oh okay... Ahm, did you already finish the plate?"

"Ah Oo! Dala ko ngayon!" Masigla kong sabi. Proud ako, syempre!

Girlfriend duty, success.

"Good, dalhin mo dito sa room ko."

Kumunot ang noo 'ko.

Huh? Ang layo ng building nila ah?! Dala 'ko pa naman T-square at backpack 'ko.

"Ahmm, pwedeng mamaya nalang? Kase baka ma-late ako, ang layo pa naman ng room n'yo," sabi ko na may kaba sa dibdib.

Ayaw 'ko siyang ma-disappoint sa'kin. Maihahatid 'ko
naman 'yon mamaya, ang mahalaga natapos 'ko.

"Kailangan 'ko pa naman, now. Masakit pa naman paa 'ko dahil sa basketball..." biglang lumambing ang boses.

Nanlambot ako bigla sa boses niya, grabe...

"Sige, da-dalhin 'ko na dyan a-gad," utal 'kong sabi. "Ahm, Lov-..."

Pagkatapos ay pinatayan ako ng tawag.

Ay sayang... Napindot n'ya agad, hindi ako nakapag-paalam.

Nilagay 'ko sa bulsa ang telepono at tumingin sa bahagi kung saan ang papunta ng building nila.

Kapag dumaan ako sa mga hallway ng mga rooms tatagal pa dahil ang dami kopang lilikuan. Dumaan kaya ako sa may gilid ng school? Sa may talahiban? Mas malapit doon, kayalang baka masugatan ako.

______________________________________________________________________________________________________

Author Notes!

Let me read your comments!
Enjoy reading!
Be safe guys!

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon