Prologue

14 1 0
                                    

Crush-itis

Original story by Makokakolaisded. Please do not plagiarize!

The characters, places, events and businesses are used in a fictitious manner. Any resemblance to living or dead is purely coincidental.

All rights reserved © 2020.

***
BEWARE: HUWAG MARUPOK!

Sa tingin ko naman, halos lahat tayo ay nagkaroon na ng crush. Minsan nga hindi lang isa kundi mas marami pa dahil ika nga 'more chances of winning'.

Pero dahil isa akong dakilang marupok, nadevelop ang tinatawag nilang crush-itis. Pero ano nga ba 'yon?

Crush-itis

Ito ay ang sakit na nakukuha sa lubhang paghanga sa isang tao.

Sypmtoms:

Sobrang kilig na nagpapapula ng husto sa pisngi na para kang sinampal ng tsinelas ng nanay mo, pangingisay ng patago-tago, tila ba naiihi kapag nakikita ang hinahangaan at napapangiti sa kawalan ng madalas dahil sa taong iyon. 

Maari mo itong mapansin kapag nararamdaman mo ang mga flying ipis sa iyong kalamnan kapag nadara mo ang presensya ng taong hinahangaan mo. 

Maaring macontrol ang sakit na ito ngunit kung malala na at dumating na sa puntong masyado ka nang assumera, kailangan mo na maghanda dahil hindi magtatagal ay makikita mo na lang ang sarili mo na hindi na basta crush-itis ang sakit. 

Mataas ang risk ng sakit na ito na maging brokenhearted ang nakararanas ng sakit na ito at magkaroon ng binastednicrushphobia. 

Walang gamot para sa sakit na ito ngunit maaring maiwasan na makuha ito at maging malubha. Ito ay ang paglayo sa taong maaaring naging rason ng pagkakaroon mo ng sakit na ito. Malala rin ang nagiging kondisyon mo sapagkat kapag malubha na ito ay maaaring makapalo ka na ng kaibigan mo sa sobrang kilig o di kaya'y di makahinga.

Hindi ito nakakamatay ngunit malaki ang tsansa na patay na patay ka na sakanya. 

Ikaw lang ang makakapipigil sa sarili mo upang magkaroon ng sakit na ito ngunit huli na ang lahat bago mo marerealize na meron ka na pala nito.

Babala: Ang sakit na ito ay mapanganib. Hanggat maaari ay iwasan ito. Maawa ka naman sa kaibigan mong namamaga na ang braso kakahampas mo. 

Crush-itisWhere stories live. Discover now