Amy's POV
"Di ba nangangalay bibig mo kakangiti diyan?"
"Hoy Amy!!"
"Hoy babae! Yung kape mo!"
Napabalikwas ako at nahagis ang cellphone ko nang makaramdam ako ng sobrang init sa may hita ko.
"AAAA!! MAMA ANG INIT!!"
"Oh yan kasi tatanga-tanga ka, di mo hinahawakan ng maayos yang tasa mo kaya ayan... ratatatat boom boom" ,Sunod-sunod na sermon na ang narinig ko galing kay mama at may kasama pang mahinang batok.
"Ano ba kasi 'yang tinitingnan mo sa cellphone mo ha?", Tanong ni mama sakin.
"Si Lucas hehe."
"Sino yon?"
"Future Jo--"
"Crush niya, tita. Yung crush niyang wala naman siyang pag-asa."
Hindi ko alam kung paano ako iilag sa sinabi ni insan. Si Lucas ang longtime crush ko simula pa lang ng first year high school. Kakaiba ang charms niya, yung tipong iuuncrush mo palang siya pero crush mo na siya uli. Galing diba?
Sino ba naman kasi 'di magkakagusto sa bebe Lucas ko? Unang-una sa lahat, isa siya sa mga taong pinalad na bagyuhin ng angking kagwapuhan. Kahit anong angle, walang mintis! Pangalawa, matalino. At, siya'y ubod ng bango!
boom, rhyming. Basta para sa Lucas bebe ko, ready ako magpakamakata.
'Yon nga lang, 4 na taon ko na siyang nakakasalamuha sa school. Apat na taon na rin naming nalalanghap ang mapanakit baga na simoy ng aircon doon pero hanggang ngayon ni isang pagkakataon ay hindi nagkukrus ang landas namin ng matagal. 'Yon lang naman ang gusto ko bago grumaduate kahit alam kkng mababa ang tsansa dahil
"Oh, tingnan mo tita. Nagdedaydream na naman 'yan!"
"Ha? Ano, Insan?"
"Wala! Ang sabi ko aalis na ako. Ang bagal mo."
"Sandali!!"
Tumayo na siya at pumunta na sa pintuan. Kumaripas ako ng takbo sumunod sa kanya. Mabilis akong nagsuot ng sapatos at hinabol palabas ng subdivision si Neyalle.
"Hoooy Neyaaalleee!! Hintay...in...mo...ko!!", Hindi naman mahaba legs ng pinsan ng pinsan ko pero sobrang bilis maglakad na akala mo laging may hinahabol na appointment.
Si Neyalle ang pinsan kong ubod ng ganda *coughs* (ehem, Neyalle baka naman may pabalato ka sakin diyan) pero saksakan ng kawalan ng filter ang bunganga at taray. Minsan mabait siya tipong mga once in blue moon pero dahil umagang-umaga ngayon ay di na ako umaasang hindi halimaw ang pinsan ko.
Kapag siya talaga naabutan ko, nako!
Nale's POV
Mas binilisan ko pa ang lakad ko nang mapansin kong nagmamadali akong sinusundan ni Amy. Marami pa ang oras at sigurado akong di kami malelate pero dahil masaya asarin ang babaitang 'yon ay inuunahan ko na siya. Walking distance lang ang school sa bahay kaya wala pang sampung minuto ay nasa may gate na ako at maya-maya ay dumating na rin si Amy.
"Ang... sabi ko... wait mo...ko!!", hingal na hingal niyang sabi habang nakapameywang at tumatagaktak ang pawis sa noo.
"Weh? Nagsabi ka ba? Di kita narinig, ang layo mo eh.", nang-aasar na sagot ko sakanya. Sinamaan niya ako ng tingin pero di ko gaano binigyan na ng pansin at tumuloy na sa pagpasok. Pinakita ko sa guard ang I.D. ko at pumasok na matapos niya ako tanguan.

YOU ARE READING
Crush-itis
HumorI have a disease and it's a rare one. It's called crush-itis. -Nireescha Amelia Olivares