Amy's POV
Nararamdaman ko ang haplos ni Lucas sa mukha ko. Bakit ganun? Parang kada haplos niya masakit?
"Bebe Lucas, bakit ganyan mga haplos mo? Bakit masakit?"
"Hoy! Anong bebe Lucas ka diyan? Gising na, tanghali na!"
Hala! Nag-iba boses ni Lucas! Bat parang pangbabae?
"Bebe Lucas ikaw nam--", nilapit ni Lucas ang mukha niya sakin at para bang hahalikan niya ako kaya ipinikit ko ang mga mata ko at hinanda ang sarili ko sa isang matamis na halik.
"AMY GISING NA SABI!!", Dinilat ko ang mga mata ko at sumalubong saking ang isang unan na humampas sa mukha ko.
Aray ko po mama huhu.
"Aish. Nale! Ano ba 'yan! Ayun na eh! Andun na eh malapit naaa!", Ganda-ganda na ng panaginip ko tas sisirain lang ng pinsan ko? Ibang klase! Ayun na eh! Ayun na yung kiss ni Lucas my loves eh!
"Nanaginip ka na naman. Bumangon ka na diyan! Tanghali na.", Saad niya habang nakapamaywang. Mas mukha pa siyang nanay ko kesa sa nanay ko eh pfft.
Tiningnan ko ang orasan sa gilid ng kama ko. Nag-aalarm ako ng alas nuebe pero dahil sa napakagaling ko na pinsan ay para bang wala na rin kwenta 'tong alarm ko dahil siya pa lang ay alarm clock ko na.
"Alam mo, Insan? Di ko alam kung maling orasan nabasa mo pero alas otso pa lang. ALAS OTSO!! Mukha bang tanghali yan sayo?", Naiirita saad ko habang bumabangon sa kama. Wala na nasira na nga beauty sleep ko pati ba naman panaginip ko. Kahit kailan ka talaga, Nale.
"Tch. Bahala ka diyan. Bumangon ka na tas punasan mo na 'yang laway mo tas tanggalin mo yang muta mo. Mukha kang bakulaw.", Saad niya at naglakad na palabas ng kwarto ko. Binato ko siya ng unan pero naisara na niya ang pintuan bago pa siya tamaan nung unan.
Aish. Ang expert talaga non manira ng araw!
Tumayo na ako at dumiretso na sa banyo. Tiningnan ko ang sarili ko sa repleksyon ko sa salamin. Sinungaling talaga yon si Nale. Ako? Bakulaw? Sus! Inggit lang siya na kahit woke up like this ako ay maganda pa rin ako. Kahit nga makita ako ni bebe Lucas ng nakaganito ay maiinlove sakin 'yon! Pero siyempre joki joki lang 'yon. Sa school nga na nakaayos ako di siya mainlove-inlove sakin, ganito pa kaya? Hmm pero malay mo ang mga tipo niya ganito pala? Hihi.
Nagposing-posing muna ako sa salamin bago ko naisipan simulan ang morning routine.
"Ano na balak mo?", Nagulat ako nang makita ko sa pintuan ng banyo si insan. Di ba tatantanan nito?
"Saglit lang, maghihilamos lang! Bat ba parang nagmamadali ka?", naiiritang sabi ko sakanya habang sinisimulan ko nang basain ang mukha ko.
"Hilamos daw pero posing pa ng posing. Tss. Bilisan mo na diyan, maggrogrocery ka pa.", Saad niya at di pa rin umaalis sa pwesto na 'yon.
Oo nga pala, ako ang nakaschedule maggrocery ngayon. Hmm, mukhang magandang chance 'to para makapagliwaliw rin ako sa mall. Yayain ko kaya si insan?
Mabilis kong tinapos ang paghihilamos at bumaba na. Nadatnan ko sa Nale na nasa kusina at may mga nakahanda nang almusal sa lamesa na sigurado akong siya nagluto. Isa 'to sa mga good points kaya gusto-gustong ko kasama pinsan ko kahit ayaw niya ako kasama. Magaling siya magluto at bongga ang kain ko kapag siya ang nagluto. Di naman sa di ako marunong pero pili lang kaya ko lutuin at madalas sunog o di kaya'y ikamamatay mo ang lasa.
Paano 'pag naging asawa ko na si bebe Lucas?! Aish. Kailangan ko na rin magpaturo kay Nale para handa ako 'pag niyaya ako ni Lucas makipagdate ahihi.
YOU ARE READING
Crush-itis
HumorI have a disease and it's a rare one. It's called crush-itis. -Nireescha Amelia Olivares