KBM: #2
***
ALEGNA'S POV
"Mmmhh.." ungol ko. Hotangena. Ang sakit ng katawan ko. Arggr!
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. "A-aray." daing ko
Ang silaw.. Puro liwanag lang ang nakikita ko. Pakshet. Ang sakit sa mata!
Dahan dahan akong umupo mula sa pagkakahiga.
Nasa kwarto ko ako. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid-- Teka-- Diba dapat nasa ospital ako? D-diba.. naaksidente ako? Niligtas ko kasi yung bata.
Napatingin ako sa pinto nang bigla yun magbukas at pumasok si Aicir. "Hoy ate! Buti naman gising ka na! Aba! Anong oras na oh?! Alas-syete na ng gabi! Kagabi ka pa tulog!"
Naningkit ang mga mata ko sa inis. Wala man lang kooperasyon! Di ba nya alam na galing lang ako sa aksidente?! "Ulol. Ang sakit pa rin ng katawan ko noh. Kamusta pala yung bata?" tanong ko
Gusto ko lang makasigurado na safe yung bata.. "Huh? Sinong bata?" lito nyang tanong
Inis kong kinamot ang ulo ko. "Yung bata! Duh? Yung niligtas ko kaya ako naaksidente!" sigaw ko
"Huh? Nababaliw ka na ba? Ano na namang tinira mo ngayon? Anong bata? Tsaka anong aksidente?"
Saglit akong napanganga sa reaksyon nya. Yung totoo, pinaglololoko ba ko neto? "Y-yung bata, yung niligtas ko. Tinulak ko yung bata kasi muntik na syang mabanggaan nung 18 wheeler truck, pero ako naman yung nabangga. Yung totoo Aicir, ako naman ang magtatanong sayo, anong hinithit mo? Amnesia lang ang peg bhe?"
Kumunot ang noo ni Aicir. "Napapano ka ba ate? Anong sinasabi mo? Natulog ka lang, feeling mo hero ka na ganun? Gising 'te!" Tinapik tapik nya ang pisngi ko
Tinabig ko ang kamay nya. Pota. Anong nangyayari?
"Asan na nga kasi yung bata?" pangungulit ko
"Ate naman eh! Ang creepy mo na! Wala ngang bata! Baka sa panaginip mo lang 'yun! Walang bata! Walang aksidente! Panaginip mo lang 'yun, tapos! Okey na?" kita kong medyo naiinis na natatakot na si Aicir.
"P-pero.." angal ko
"Heh! Shut up, ate! Bumaba ka na! Tawag ka na ni tita Angela. Kakain na daw!" tapos lumabas na sya ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Kamusta BIAS mo? (Eto, boyfriend ko na! hihihi)
HumorHindi ko alam na ang ISANG PANGARAP, ay pwedeng matupad sa isang kislap. Ang akala ko, hanggang sa panaginip ko lang sya makakasama. Hindi ko alam na ang pagbibiro ko na - "Boyfriend ko kaya si Jungkook!" - ay magkakatotoo. hihihi. Fan lang nya ko n...