KBM: #20
+++
ALEGNA'S POV
"Hatid na kita."
Napalingon ako sa nagsalita.
Nakita 'ko si Gago na nakasakay sa gwapo nyang kotse, nakababa lang ang bintana nito at nakadungaw sa akin.
"Sure." tugon 'ko
Sumakay ako sa Passenger seat, nagsuot ako ng seatbelt.
"Wew, di man lang nagpakipot?" matawa tawa nyang tanong
Inirapan 'ko sya. "Hindi 'yon uso sa'ken. Masyado akong maganda para tumanggi sa grasya." lintanya 'ko
Humagalpak sya ng tawa. Wow. Happy ka Koya? -__-
Pinaandar nya na ang gwapo nyang kotse. Habang nasa byahe, ang daldal daldal nya.
"Bakit mo pinatanggal sa trabaho ang adviser 'ko?" bigla 'kong tanong
Saglit syang tumingin sa akin at ibinalik rin ang tingin sa daan.
"Wala. Epal eh" sagot nya at nagkibit balikat
Wow. EPAL? Kahit naman kasi nakakainis yung hukluban 'kong adviser, nakakaawa pa rin. Oh diba? Ang bait 'ko lang.
NAKARATING kami ng bahay.
"Sige. Bye. Salamat sa paghatid." bababa na sana ako nang bigla nya 'kong hawakan sa braso 'ko.
Nilingon 'ko sya. "Any problem?" tanong 'ko
"A-ano... Pwede.. Pwede papasok sa bahay nyo? U-usap tayo." utal utal nyang sabi
Agad 'ko namang itinaas ang dalawa 'kong braso at pinag-cross 'yon. "No. No no no no no. No! No!" todo piing 'kong sabi
Napangiwi naman sya. "Bakit? Hindi ka ba natatakot mag-isa jan sa bahay nyo? Ang alam 'ko kasi wala sila Tita Angela." lintanya nya
"Hindi ako natatakot. I'm fearless." matapang 'kong saad
Binigyan nya 'ko ng nakakalokang tingin. "Bakit?" kunot noo 'kong tanong
"Weeh? Eh 'nong pinanuod nga natin yung pagpag, todo tili ka 'tas kulang na lang kumalong ka sa'ken sa sobrang takot. Tapos sasabihin mo Fearless ka? Utot mo" lintanya nya
Nag-cross arms ako at napairap. "Daah? Hindi naman talaga ako 'non natakot. Sadyang gusto 'ko lang maka-chansing sa'yo kaya ganun ako 'non." saad 'ko
Nasilayan 'ko ang nakakasilaw na ngisi ng kanyang labi. "Pero sorry ka.. DATI lang 'yun bhe. Masaya na'ko ngayon sa boyrfriend 'ko." nakangiti 'kong sabi
Napawi naman ang ngisi nya. "Oh sya. Adios!" huli 'kong sabi bago lumabas ng kotse
Hindi 'ko na ulit sya nilingon, dire-diretso na 'kong pumasok sa bahay.
PAGPASOK 'ko.
Wala si Kookie sa sala.
Ah, baka nasa kusina, nagluluto ng cup noodles. xD
Pumunta ako ng kusina, pero wala sya 'don.
Sinilip 'ko ang banyo sa may kusina, wala din.
Umakyat ako ng second floor, una 'kong tinignan ang kwarto 'ko.
Wala rin sya...
Doon na 'ko nakaramdam ng kaba. Sheet. Where are you Jungkookie?
Patakbo akong pumunta ng banyo.
BINABASA MO ANG
Kamusta BIAS mo? (Eto, boyfriend ko na! hihihi)
HumorHindi ko alam na ang ISANG PANGARAP, ay pwedeng matupad sa isang kislap. Ang akala ko, hanggang sa panaginip ko lang sya makakasama. Hindi ko alam na ang pagbibiro ko na - "Boyfriend ko kaya si Jungkook!" - ay magkakatotoo. hihihi. Fan lang nya ko n...