KBM: #17

185 10 3
                                    

KBM: #17

+++

ALEGNA'S POV

"Naku, naku, naku! Mali mali ka naman Alegna eh! Matutumba ka dapat kapag tinutulak ka!" haggard na sigaw ni ma'am. 'Kala nya ang ganda ganda nya kapag sumisigaw, eew. Lumalaki laki ang butas ng ilong. =____=

Nagpa-practice na kami ngayon ng play, at kanina pa 'ko pinapagalitan ng ponyetang teacher na 'yan, kesyo mali, dapat ganto, dapat ganyan, mali ang ganto, mali yan, mali ka, ito ang tama! =___= 

"Eh sa ayaw 'ko ma'am magpatumba eh! Ako na lang manunulak, pwede?!" sagot 'ko pabalik

Simpleng instructions daw hindi 'ko masunod, daaah?! Andito kami sa scene na itutulak ako ng kerengkeng na si Drizella tas dapat daw matutumba ako sa sahig. Aba! Hindi naman ako tanga para magpatumba basta basta! Ako ata si Alegna The Great! Wuhahahaha!

"Alegna. CINDERELLA ang role mo. Napanood mo na ba ang movie 'non? Nabasa mo na ba ang libro non?" inis na tanong ni ma'am habang nagpapaypay

"Ma'am. Alam kong CINDERELLA ang role 'ko. And yes napanood at nabasa 'ko na po ang libro ni Cinderella." -

"Oh eh 'yon naman pala. Gampanan mo ang role mo." - ma'am

tumango na lang ako kahit ayaw 'ko. Neknek mo ma'am! 

Nagsimula na ulit kaming mag-practice.

"Cinderella!" sigaw ni Drizella mula sa stage

Umenter ako sa scene. "Yes Drizella?" tanong 'ko. Uyy wag ka, 'yan talaga ang nasa script. Nilagyan 'ko lang ng kunting arte ang boses 'ko.

"Here! Wash my clothes! Make it quick, after washing my clothes, cook me some foods!" mataray na sabi ng hipokritang Drizella na 'to

Tinatarayan ba 'ko nitong si Bea?! Si Bea kasi ang gumaganap bilang Drizella.

"Eh kung isalpak 'ko kaya sa pagmumukha mo yang mga labahan mo?! Cook me some foods ka pa jan! Magluto ka mag-isa mo!" singhal 'ko kay Drizella bruha.

Kamusta BIAS mo? (Eto, boyfriend ko na! hihihi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon