KINABUKASAN habang nakatambay ako sa library nakita ko na naman ang lalakeng nerd na lampa habang nagbabasa ng isang sobrang kapal na libro. Hindi ako nandito sa library para mag-aral kung iyon ang ini-isip niyo. Gusto ko sanang matulog dito dahil mainit pa sa may narra. Umalis ako sa klase habang nag-didiscuss ang teacher at walang lingon-lingong pumunta rito sa library. Apat na library ang meron sa school na 'to. Isa sa junior high school department, isa sa senior high school department, isa sa college department at isa ang graduate school library. At dahil mas kaunti ang tao dito a Graduate school library kaya mas pinili kong matulog dito.
Uuklo na sana ako para matulog ng makarinig ako ng kalampag mula sa kalapit na mesa. Napatingin ako doon at nakita ang tatlong babae na nakasuot ng uniporme ng college students na napapalibutan ang lampang nerd. Pabalabag palang hinagis ng isang babae ang mga notebook at librong dala nito. Kahapon apat na lalake, ngayon naman ay mga babae. Ang takaw naman sa gulo ng lampang nerd na 'to. Nangunot ang noo ko ng tumawa ang isa sa tatlong babae habang ngiting-ngiti naman ang dalawang kasama nito.
"Gawin mo yang mga assignment namin ng magkasilbi ka naman sa mundo!" tumawa na naman ang babae. Tumingin lang sa kanila ang nerd at saka tumango.
"Kailangan ko ang mga 'yan mamayang 4 kaya may dalawang oras ka lang para gawin ang mga 'yan," pahabol ng babae. Tumingin ang lampang nerd sa suot nitong lumang relo at nagdadalawang isip na muling tumingin sa babae. Tumaas ang kilay ng babae saka kinuha ang makapal na librong hawak ng lampang nerd saka walang pasubaling ipinukpok sa ulo ng lampang nerd. Napaigik ang kaawa-awang nerd.
'Tss, nasaan ba kasi ang librarian at di man lang pinipigilan ang mga ito?'
"May reklamo ka ba? Hindi ba't ang school na 'to ang nagpapaaral sayong pulubi ka? Kaya dapat ay sumunod ka sa mga utos ko," muling litanya ng babae. Hindi na bago sa akin ang makakita ng ganito araw-araw. Normal na sa akin iyon, ngunit ngayon ay naiinis na ako. Anong ginagawa ng lampang nerd na 'to at hindi man lang lumalaban? Hmm... sabagay lampa nga pala ang nerd na 'to. Tss..
"Bakit ha pulubi? May reklamo ka ba?" mataray na tanong ng babae
"Wala naman Divine, s-sige gagawin ko ang mga ito agad," walang magawang pag-sang ayon ng lampang nerd.
"Good, 'yan ang gusto ko sa mga pulubing gaya mo eh!" humalakhak na naman ang babaeng singkapal ng harina ang make up sa pagmumukha. Espasol taena. Inimudmod pa ng babae ang mukha ng lampang nerd sa mesa.
Badtrip na badtrip na nga ako at mas lalo pa iyong nadagdagan ng tumawa rin ng malakas ang dalawang babaeng kasama nito. Sa inis ko ay inabot ko ang librong malapit sa akin at ibinalibag iyon papunta sa babaeng nasa gitna.
'BLAAGGG' sapol sa mukha ang babaeng leader. Napatimbuwang siya sa lakas ng pagbato ko. Agad na dumugo ang ilong niya at labi saka namula naman ang buong mukha. Tigagal silang lahat na tumingin sa akin kasama yung lampang nerd. Mangiyak-ngiyak na ang babae ng halos magkulay-ube na ang mukha nito.
"YOU BITCH!" sigaw niya sa akin. Blangko ko siyang tinitigan saka tinaasan ng kilay.
"Ang ingay ng bibig mo at walang magandang lumalabas mula diyan. Matutulog sana ako ngunit na istorbo mo dahil sa bibig mong sing ingay ng mga inahing manok." May diin kong sinabi.
"Makakarating ito sa parents ko at sisigurauhin kong makikick-out ka sa school na 'to at walang tatanggap sayo kahit public school!" malakas niyang sigaw saka padarag na tumayo at umalis. Shock pa rin na nakatitig sa akin ang dalawang babae at ang lampang nerd. I chuckled with what the girl said.
'Taena ako pa ang hinamon ng gaga,'
Parang robot na umalis ang dalawang babae. Well mukhang nasira na rin ang araw ko kaya naman ay tumayo na rin ako at isinukbit ang backpack ko. Napangiwi ako ng madaanan ko ang lampang nerd na nakanganga pa rin at halos tumulo na ang laway.
BINABASA MO ANG
WHEN THEIR WORLD COLLIDE (NERDY BOY X COOL GIRL)
Novela JuvenilShe's PILLOW KISSES MONTANILLA, known for a countless School detention, suspension, and violation but was never kicked out. She feared nothing even death. No one gets in her way. NO ONE while, he's ARFIEL PEREZ, a transferee student and known for hi...