"FILE this Em," inilapag ni Liam sa harapan niya ang ilang folder files sa kanyang office table. "I need that 201 files later."
Tumango siya at inayos ng kuha sa kanyang table ang mga folder. Dalawang buwan ang matuling lumipas at siya pa rin ang secretary ng isang William Fontalejo.
May mga ilang empleyado naman na kinakausap siya sa Wilifs Inc., ang ilan ay pansin niyang ilag at tumitingin sa kanya na nahihiwagaan sa tuwing kakausapin o kinakausap siya ni Liam—ng boss niya, patungkol lamang iyon sa trabaho pero iba ang tingin ng ilang ka-trabaho niya.
Nasa loob ng opisina ni Liam ang office table niya, ilang pagitan lang ang layo niya sa binata at halos natatanaw pa rin niya ito. Nang una ay alanganin siya dahil baka sungitan siya sa tuwing maiisipan niyang mag-break sandali.
Minsan siyang nagbaon ng pagkain at naisipan niyang sa loob ng opisina na lamang nito siya kakain. Isang beses kasi na may meeting ito kasama ang pinsan nitong si Louie, hindi na siya isinama ni Liam dahil sandali lamang daw iyon. Naabutan siya ng binata na kumakain ng ibinaon niya.
Akala niya'y pagagalitan siya ngunit hindi nangyari sa halip ay nagpakuha ito ng pagkain isa sa mga empleyado at sinabayan siyang kumain nito sa table niya. Simula 'non nagbabaon na siya ng pagkain dahil nagpaalam naman siya dito at pumayag ito, kung may pagkakataon ay sumasabay sa kanya ang binata at kahit naiilang siya sa ganong tagpo nila ay natutuwa siyang isipin na nakakasabay niya sa pagkain ang boss niya.
Tahimik niyang sinimulan ang trabaho ng biglang bumukas ang frosted glass door ng office nito. Pumasok mula doon ang isang lalaki, hindi iyon katulad ni Liam na mabulto ang katawan. May katawan ito na katamtaman at masasabi niyang may itsura rin ang binata, makapal ang kilay at suplado ang aura.
"Did, Louie came here?" bungad na tanong nito kay Liam.
Hindi nito napansin ang presensiya niya dahil dere-deretso itong naglakad papunta sa direksyon ni Liam, umupo ito sa isang single sofa na nasa harapan ng office table ng binata.
"Nope, why?"
"Nagwawala nanaman yung tatay niya. Accounting Department naman ang puntirya. Baka isunod ang departamento ko," wika nito.
Nailing siya sa narinig. Edwin Fontalejo is Louie's father. Ito ang presidente ng Wilifs Inc. Minsan na niyang narinig na may pinagalitan ang ginoo at halos lahat ng empleyado ay hindi alam ang gagawin sa taranta. Kahit ang pinsan nitong si Louie ay palaging seryoso pag dating sa trabaho at madalas din talagang magalit, buti na nga lang at hindi siya inuutusan ni Liam na magpunta sa opisina nito para magpasa ng report.
"HR Director ako at hindi CEO, wag mong hanapin si Louie saakin." si Liam na itinuon muli sa binabasang folder files ang atensyon.
Umiling ang kausap nito at napasulyap sa gawi niya, saglit siyang tinitigan nito at naglipat-lipat ang tingin sa kanila ni Liam. Nagtataka man ay mabilis na muli niyang ibinaling ang atensyon sa mga 201 files na kailangan na ni Liam mamaya.
"Kailan ka pa nagkaroon ng secretary?" narinig niyang tanong ng binata.
"James, umalis ka na lang at asikasuhin mo ang proble—"
"Hi, anong pangalan mo?" anang binata na nakalapit na sa kanya.
Nahihiyang nag-angat siya ng ulo, natanaw niya ng bahagya si Liam sa likuran nito nakatangin sa direksyon nila at naiiling na inalis ang tingin sa kanila. Itinuon muli nito ang atensyon sa tinatrabaho.
"E-Emily po Sir," sagot niya ng sulyapan ang nabanggit na si James.
Tumango-tumango ito, pinakatitigan siya. Kung hindi lang jolly ang pagsasalita nito ay iisipin niyang mas suplado ito kay Liam dahil sa features nito. Sa pag-obserba niya ay parang hindi ito gentleman mabigat ang aura nito para sa kanya kahit paano ay ngumingiti naman ang isang ito hindi katulad ni Liam na tahimik nga talaga at suplado kung minsan ayon sa kapatid nitong si Leila at base sa nakikita niyang kilos at pananalita ng binata ay tama ang kapatid nito.
BINABASA MO ANG
✔#1 Claimed by William Fontalejo
Romance"Would you dare fall in love with me, Emily?" -William Fontalejo ©_LOVEBITECOOKIE | DEE GARCIA Genre: Romance Status: Completed | Unedited Cover: Unofficial