"KAPAG huminto ako Ate magtatrabaho na din ba ako?" tanong ni Emanuel sa kanya.
Tipid niyang nginitian ito at ginagap ang palad ng kapatid at pinisil. Lalong namayat ito, hindi na marahil kaya ng bitamina ang katawan.
"H-hindi ka magtatrabaho. Sa bahay ka lang at magpapahinga," sagot niya.
Dalawang linggo na siyang nasa ospital at binabantayan ang kapatid. Halos hindi na ito makabangon sa hospital bed dahil may nabali itong buto sa likod.
Nang magpaalam siya kay Liam na mawawala ng dalawang araw para ipahinga ang isipan at katawan sa nangyari sa kanya sa trabaho ay siyang dating naman ng problema sa kanya ng araw din na iyon.
Nang makauwi siya sa apartment na inuupahan at nadatnan na wala ang kapatid niya ay nagalala na siya. Halos hindi niya alam kung saan hahanapin ang kapatid dahil magdidilim na ay hindi niya malaman kung nasaan na ito.
Nakatanggap siya ng tawag sa ospital na pinag-dalhan sa kapatid niya at doon niya nalaman na pauwi si Emanuel galing eskwelahan nang mabundol ito ng isang sasakyan at tumama ang likuran at balakang sanhi ng pagkabali ng buto nito.
Ang nakabundol ay tinakbuhan ang kapatid niya buti na lamang at may nakakita at tumulong kay Emanuel at mabilis na nadala ito sa ospital.
Nang araw na iyon ay matindi ang kaba na lumukob sa kanyang dibdib. Hindi niya makakayanan kung pati ang kapatid niya ay mawawala sa kanya. Ito na lamang ang dahilan kung bakit pa siya nabubuhay.
"Paano ang pagaaral ko Ate?" tanong nito, "Hihinto ako?"
Naiiyak na nagiwas siya ng tingin sa kapatid, tumayo siya ng pagkakaupo sa tabi nito at kunwa'y lumapit sa katabi nilang maliit na mesa. Kumuha siya doon ng isang ponkan at sinimulan iyon na balatan.
"Magaaral ka pa rin naman Eman, kung mapapabilis ang paggaling mo." aniya sa kapatid.
Hindi niya maiwan ito sa ospital dahil siya lang naman ang pwedeng magbantay sa kapatid. Ang cellphone niya ay ibinenta niya sa kapitbahay nila ng mag-isang linggo si Emanuel sa ospital.
Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng panggastos dahil ilang linggo na rin simula ng hindi na siya pumasok sa Wilifs Inc., kung babalik siya sa nasabing kompanya ay sigurado siyang hindi na siya tatanggapin pa ni Liam dahil hindi siya nakapag-paalam dito ng maayos.
Hindi man lamang niya natawagan ang binata para sabihin na madadagdagan ang dalawang araw na ipinaalam niya dito na pag-absent sa trabaho.
"May pambayad ba tayo dito Ate?" pukaw sa kanya ng kapatid.
Nang mabalatan ang ponkan ay inabot niya sa binatilyo at nginitian ito.
"M-meron may ipon naman ako," sagot niya hindi na ito nagsalita at sinimulan na kainin ang nabalatan niyang prutas.
Sa tuwing nagtatanong ang kapatid niya ng patungkol sa pera o sa panggastos yan ang lagi niyang sagot. May naitatabi siya, ngunit ngayon ay hindi na magiging sapat pa ang naipon niya. Hindi naman siya maluhong tao dahil halos ang nasa isip niya ay ang kalusugan at pagaaral ni Emanuel.
Bumuntong-hininga siya. Ngayon na gipit siya ay wala siyang ibang magagawa kundi maghanap ng tulong, sa dalawang linggo na naka-confine si Emanuel ay sigurado siyang malaki na ang bill nila sa ospital idagdag pa ang gamot na rekomenda ng doctor.
"Emanuel dito ka lang sandali, may tatawagan lang ako."
Tumango ito at patuloy sa pagkain. Siya naman ay lumabas sa ward ng ospital at dumiretso sa reception.
"Miss pwede ba akong maki-tawag?" tanong niya sa isang nurse na bantay doon.
Ngumiti ito at inabot sa kanya ang telepono. Kinuha niya iyon ng abot at may idinayal na numero.
BINABASA MO ANG
✔#1 Claimed by William Fontalejo
Romance"Would you dare fall in love with me, Emily?" -William Fontalejo ©_LOVEBITECOOKIE | DEE GARCIA Genre: Romance Status: Completed | Unedited Cover: Unofficial