True love is always waiting-009

102 35 3
                                    

"Bwahahaha di talaga ako makaget over sa kwento mo Aly, akalain mo yun,magpapasama sya sa canteen e nasa harapan nya lang pala hahaha"tawang-tawang sabi ni Ave. Nahawa na din kami ni Lada sa tawa ni Ave. Kinuwento ko kasi lahat sa kanila yung nangyari sa amin ni Red,kaya ayan halos mamatay sa kakatawa. -_-

"Tama na yan Ave, pinagtitinginan na tayo ng mga estudyante dito sa canteen"saway ni Lada,inilibot naman namin ni Ave ang paningin sa paligid. Yung iba nagbubulungan,yung iba naman tumatawa na rin.

"Pabayaan mo sila, inggit lang yang mga yan"sabi ni Ave. Tumayo sya na kinagulat namin "Ano tinitingin-tingin nyo dyan! Ngayon lang ba kayo nakakakita ng taong tumatawa ha?!"dagdag nya.

Napakamot nalang ako sa noo ko, Malala ka na talaga Ave.

Inilapit ni Lada ang mukha nya sa tenga ko sabay bulong.

"Mukhang kelangan na nating dalhin si Ave sa mintal, mukhang may sayad na e"bulong nya, tumango-tango naman ako bilang pagsang-ayon.

Pagkaupo ni Ave ay inirapan kami. Umaandar na naman ang pagkabaliw nya. =__=

"Hi Ate Ladz,ate Aly at ate Lie"bati ni Josephine sa amin. Ngumiti naman kami ni Lada.

"Hello"Ave, sabay ngiti.

"Mga Ate pwde ba kaming makishare ng table sa inyo? Good for 10 person naman tong table nyo e. Pwde po ba?"sabi nya. Nagkatinginan kami ni Lada tapos itinuon namin ang paningin kay Ave na ngayo'y nagpipigil ng tawa dahil nakita nya si Red.

"Walang problema sa akin"nakangiting sabi ko.

"Sa akin din"Lada.

"Me too-pfft!"Ave na nagpipiil pa rin ng tawa. Si Ave kasi yung tipo ng babae na matagal makaget-over pagnatatawa sya o nasasaktan.

"Talaga? O guys rinig nyo yun? May pwesto na tayo"masayang sabi ni Josephine. At pumwesto na sila. Bale ito ang pwesto namin.

Ave|Ako|Lada|Josephine|Blue

sa harap namin ay sina.

Sky|Red|yung playboy na nakalimutan ko ang name|at yung isa na di ko din kilala basta kasali sya sa group ng TDM.

"Ave umayos ka"bulong ko sa kanya. Tingnan ako ni Ave.

"Sige tatry ko Aly. Pffft! Hahahaha"Ave. Nakakunot noo namang napatingin sila sa amin. "Di ko talaga mapigilan e kapag kasi makikita ko si-"

"Hehehe wag nyo ng pansinin tong si Ave di kasi to nakainom ng gamot nya kanina e"putol ko sa sinasabi ni Ave,mahirap na pag pinagpatuloy nya pa.

"A-Ano di pa ba kayo nagugutom?"pag-iiba ko ng topic. At swerte namang naiba ito.

"Actually kanina pa ako nagugutom"sabi nung playboy

"Me too"

"Tara order na tayo"sabi ni sky

"Sky kaw nalang umorder sa akin,alam mo naman kung anong gusto kung kainin e"sabi ng kambal nya. Tumango naman ito bilang sagot.

"Ate Ladz kaw nalang din mag-oorder sa akin pretty please?"Josephine.

"Okey Sige"Lada.

"Ako nalang din mag-oorder sayo si Ave mukhang wala ka pa sa katinuan e"sabi ko at tumango naman sya. Total alam ko naman kung ano kakainin nya e.

Grabe ang taas ng pila dito sa canteen >.<. Makakakain kaya kami nito? 2nd to the last pa naman ako. T_T.

*brrrr~* (tunog yan ng taong gutom. Sarreh di ko alam ang tamang tunog e >.<)

Tumingin ako sa likuran ko. Di naman akin yung tunog na yon.

O_O

"Nu tinitingin-tingin mo?"nagkasalubong kilay na tanong nya.

"Pffft!-Wahahaha"tawa ko sabay turo sa tyan nya "Tumutunog na nga yang tyan mo, nagsusungit ka pa hahaha"dagdag ko. Halos mangiyak-ngiyak na ako sa kakatawa.

Tumigil ako sa kakatawa nung napansin kung sa akin nakatingin lahat ng estudyante dito sa canteen. Waaah! Kakahiya! Asan na ba ang lupa dito at magpapalamon na ako. T_T

"Hihihi peace"sabi ko sabay balik sa harap. Kakahiya talaga yung ginawa ko. Nahawa na ako kay Ave.

"Ang kapal ng mukha nya para pagtawanan ang leader ng TDM"rinig kung sabi ng nasa tabi ko. Grabe lang teh ha! Di naman halatang andito ako, nakakarinig ng pinig-uusapan nyo nuh! Tahiim ko yang baba nyo.

"Tama"pag-sang-ayon pa ng kasama nya.

"Kung ako sa kanya magpapalamon na ako sa lupa sa sobrang kahihiyan. Tss!" waaah! Yun nga sana ang gagawin ko e! Pero panu yan walang lupa dito sa canteen. Sementado lahat. Napayuko nalang ako sa kahihiyang dinulot ko. Mas nakakahiya pa ito kesa sa ginawa ni Ave.

"Okey lang yan Ate, pabayaan mo sila inggit lang yang mga yan."sabi ni Sky sa akin. Nasa harapan ko kasi sya.

"Tama si Sky,Aly inggit lang yang mga yan"Lada. Hay! Mabuti nalang andyan sila atleast nawawalan ng konti ang pagkapahiya ko.

"Tss"rinig kung react nitong epal sa likuran ko. Kaya hinarap ko nga at inirapan pero ang loko inismirkan ako.

Nagulat ako nung nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. Tapos inilapit nya ang mukha nya sa tenga ko.

"You should know youre limit, Aly"bulong nya.

Nakikiliti ako,dahil ramdam ko ang mainit na hininga nya sa tenga ko.

Pagkalayo nya ng mukha nya sa tenga ko ay inismirkan na naman nya ako. Napanganga ako di dahil sa sinabi kundi, ang gwapo pala nya infairness,wait! Did i tell gwapo? Yak! Ew! Di ah.

"Oo na alam ko ng gwapo ako kaya wag mo na akong titigan,tumutulo laway mo oh"sabi nya. Napahawak naman ako sa baba ko. Wala naman e! Tsk!

"Tch! Asa!"sabi ko at ibinalik na ang paningin sa harap.

***

a/n:sorry kung late UD. Mianhe

True Love is Always WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon