True love is always waiting-012_GF?AKO?+BLUSH

71 26 2
                                    

Matapos ang Asaran,tawanan,at kulitan namin sa canteen ay bumalik na kami sa aming mga classrooms dahil tapos na din ang break time.

Kasabay namin si Red ngayon dahil nga magkaklase kami. Bawat classroom na nadadaanan namin ay tumitingin yung mga studyante plus bulungan pa. Tch!

Nasa 3rd year classroom palang kami ay may humarang sa aming tatlong studyante,mali sa harapan pala ni Red. Nasa likuran kasi ako ni Red,katabi ko naman sina Ave at Lada. Nagkatinginan kaming Tatlo ni Ave at Lada.

"A-ano Kuya Red, pwede po bang papicture?"tanong nung may bangs sabay ngiti.

"Kahit isa lang po"sunod na sabi nung may malaking headband sa ulo.

"Idol na idol ka po kasi namin kuya"sabi naman nung simple lang.

Tiningnan ko si Red na kasalukuyang walang expression. Tiningnan nya ako tapos ngumisi na parang may nakakatakot na binabalak.

"Tanungin nyo muna ang Gf ko kung papayag ba sya o hindi baka kasi magselos sya e"sabi ni Red. Nakita kung nagulat yung tatlo, pati nga ako e.

"Talaga kuya? Sino po ba yung Gf nyo para matanong namin sya kung papayag ba sya?"tanong nung may bangs. Halos na lahat ng mga studyanteng nasa classroom na hinintuan namin ay nakikichismiss. Gusto ata nilang malaman kung sino ang Gf ni Red. Pati nga ako e gusto ko ding malaman.

Next thing I know ay hinila nya ako tapos inakbayan.

"Siya."nakangiting sabi nya. Whaaaat? "Girlfie gusto daw nilang magpapicture sa akin"nakapout na baling nya sa akin. Waaah ang cute! Pero teka? Did he say girlfie? 0_0 Gf?ako? Kelan? Papaanu nangyari yun na naging kami? Di nga kami close e! Isa syang malaking epal!

Tiningnan ko sina Ave na kasalukuyang nakanganga. I gave them a help-me-please-look pero ang dalawa ngumiti lang tapos nag thumbs up. Mukhang wala akong mapapala ra dalawang to.

"Ilang monts na kayong dalawa kuya Red?"tanong nung estudyanteng nakichismiss.

"1 yr"simpleng sagot nya.

O_O anu bang pinagsasabi ng epal na to?

"Kaya pala sila magkahawak kamay nung nakaraang araw"nakita pala nila yun?

"Sabi ko sa inyo e,sila talaga"

"Ano Ate pwde ba kaming magpapapicture kay kuya?"napatingin ako dun sa tatlong nasa harap ko. Ngumiti ako.

"Of course"nakangiting sabi ko at tumingin kay Red sabay bulong "Patay ka ngayon"nakasmirk na sabi ko. Sabay tanggal ng pagkakaakbay nya sa akin at pumunta sa direksyon kung nasan sina Ave.

"Ang gwapo pala ng boyfie mo Aly inggit tuloy ako 1 yr na kayo e"pang-aasar ni Ave,inirapan ko nga.

"Shut up Ave tahiin ko yang bibig mo e"sabi ko at tinawanan lang ako ng dalawa.

Nakatingin kaming tatlo sa dinudumog na si Red. Natatawa ng ako sa mukha ni Red di maipinta hahaha buti nga sa kanya. :P

"Di ka ba naaawa sa boyfie mo Aly? Tignan mo oh! Hinuhubaran na sya"Lada. "Baka pagkatapos nyan hubo't hubad na syang papasok sa classroom di ka ba naaawa sa boyfie mo?"pangongonsensya niya. Umiling lang ako. Hmp! Bahala sya sa buhay nya!.

"Ah excuse me, kukunin ko na ang boyfie ko hinuhubaran nyo na sya e"sabi ko sabay botones ng polo nya "Di ko pa nga nahuhubaran ang boyfie ko. Gf muna bago kayo ok? Sige alis na kami huhubaran-este papasok na kami sa classroom namin"dagdag ko sabay hila kay Red palayo sa kanila.

Binitawan ko na sya nung nasa garden na kami.

"Dito mo na ba ako huhubaran girlfie?"sabi nya na may pagseseduce *gulp* na tono.

"H-hindi ah! Asa ka naman. Sinabi ko lang yung para makaalis ka na"nauutal na sabi ko.

Inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko as in inch nalang.

"Para masolo mo na ako?"sabi nya sabay ngiti ng nakakaloko.

"D-di ah!"sabi ko sabay iwas ng tingin. Tinulak ko sya ng mahina para makalayo sya sa akin. "A-ano punta na tayong classroom baka mapagalitan tayo"sabi ko at tinalikuran sya. Lalakad na sana sya ng magsalita sya.

"Ang cute mo palang..."napaharap ako sa sinabi nya,tiningnan nya ako sabay smirk "mag blush"dagdag nya na kinagulat ko. Ako? Nagblush? Di kaya!

"Di kaya"sabi ko.

"Nasasabi mo lang yan dahil di mo naman nakikita"sya "Sasabay na ako sayo"dagdag nya at nauna ng maglakad.

Sumunod naman ako.

Kung nagblush ako dapat ramdam ko yun,dapat nag-iinit ang magkabila kung pisngi pero hindi e.

Nang makarating kami sa classroom ay nakatingin sa amin lahat ng classmates namin except kina Ave at Lada na nakangiti ng nakakaloko. ANO NA NAMAN BA ANG PROBLEMA NILA?!!

Mabuti nalang at wala ang teacher namin ngayon dahil may meeting daw sila. Haist!

True Love is Always WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon