True love is always waiting-015_WHAAAAT?!

81 22 0
                                    

*yawn* Anong oras na ba at himalang di ako ginising ni mama?. Tiningnan ko ang alarm clock na nasa gilid ng kama ko. Its already 5:49 am. Aga ko palang nagising 7:30 pasukan namin e. Tumayo na ako at dumiretso sa cr para maligo and after that i do my daily routine.

Pagkatapos kung maligo ay bumaba na ako para kumain. Pagkababa ko ng hagdanan diretso agad ako sa kusina para kumain.

Nakita kung may sticky note sa ref.

Kinuha ko ito at binasa.

'April dun ka muna kila Ave. Bumalik ako ng states dahil nagkaproblema yung companya, mukhang matatagalan ako dun. Kumain ka na,pinagluto na kita ng ulam mo

~Mama~'

Pagkatapos kung basahin yun ay tiningnan ko kung anong niluto ni mama. Wag nyo ng alamin kung ano niluto nya. =_=

"Manong wag nyo na po ako sunduin mamayang dismissal dahil kay Ave ako matutulog mamaya"sabi ko sa driver namin, tumango naman sya bilang sagot at nagmaneho na sya papuntang school.

"Thank you manong"sabi ko at bumaba na sa kotse.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa classroom ng makita ko na naman sya, this time hindi na sya nag-iisa,may kasama sya, babae. Maganda sya,matangkad,maputi. Sya na siguro yung bago nya ngayon. Di ako makagalaw dahil sa nakikita ko. Kung kami pa kaya hanggang ngayon magiging masaya kaya sya gaya ng nakikita ko ngayon? Malamang hindi, iniwan nya nga ako ng walang dahilan e, sasaya pa kaya. Siguro naniniwala na ako sa mga sabi-sabing 'dun mo malalaman na nakapagmove on ka na pag kayong dalawa ay may tamang closure'. Inaamin kung hindi pa naman talaga ako totaly nakamove on e. Nasa puntong stage palang pero wala e. Mukhang di matutuloy yung puntong yan dahil parati ko na syang nakikita. Mahirap naman talagang magmove on lalo na pag marami kayong good memories. He's my first boyfriend, first love and first heart break.

Nanggigilid na yung mga luha sa mga mata ko.

"Aly?"agad kung pinusan yung luhang pumatak sa mata ko at hinarap si Ave. Mabuti nalang at andito sya para tulungan akong makaalis dito.

"Good morning Ave" tinry kung pasiglahin ang boses ko para di nya mahalata.

"May problema ba?"kunot noong sabi nya at tsaka titignan sana nya yung likuran ko kung nasan 'sya'

"Ah! Kasi ano, Ave sabi ni mama dun daw muna ako sa inyo hanggang sa dumating si mama"sabi ko sabay pigil sa kanyang tumingin sa likuran ko at napigilan ko naman ito. Di nya pa kasi nakikita yung ex ko. Marami syang alam tungkol sa kanya pero di ko kelan man pinakita ang pictures nya.

"I feel something different ha? Youre hiding for something"kunot noong sabi ni Ave.

"A-ah! Wala ah! Tara na nga sa classroom"sabi ko tumango naman sya. Bago kami makaalis ay ninakawan ko ng sulyap yung direksyon kung nasan sya. Mabuti nalang at wala na sya.

Fastforward.

"Goodmorning class, bukas na tayo magcocontinue ng discussion natin. I have an announcement. Lilipat sa section C si ms. Angelica Evangelista"diretsong sabi ni ma'am. Anu daw? Bakit ?

"Whaaat?! Why ma'am?"gulat at di makapaniwalang sabi ni Ave.

"I dont know what is the exact reason, but thats an order coming from our principal."ma'am. Tiningnan ko si Anyka. Im sure sya may pakana nito. Nakadevil smile pa ang gaga habang nakatingin sa amin. Arrgh! Sinasabi ko na nga ba e.

"Ok I think wala na kayong iba pang tanong, class dismiss. And ms. Envangelista you can go to your respective classroom"sabi ni ma'am at lumabas na ng classroom. Napatingin ako kay Ave na mangiyak-ngiyak na.

"Waaah! Aly di na tayo classmate"Ave.

"OA mo Ave para namang lilipat ka ng school, e classroom la naman"sabi ko. Lumapit sa ami si Lada.

"I'm sorry Ave, wala talaga akong alam dito. Nagulat pa nga ako e nung marinig ko yun. Pero bayaan mo kakausapin ko si tito about this"Lada.

"Ok lang yan Lada. Hayaan mo nalang yun. Magkikita parin naman tayo diba? Di naman school ang lilipat ko kundi classroom lang"Ave,sabay ngiti ng pilit.

"Talaga? Alam mo pwde ko naman-"

"Ok lang talaga."Ave.

"I told you already you should watch your word"sabi nung Winslet sabay smirk.

"Sinasabi na nga ba ikaw may gawa nito"Lada.

"The one and only"sagot naman ni Anyka. Kalbohin ko tong dalawang to e!

"Yan ang sinasabi kong insecure."sabi ni Ave.

"At kanino naman ako maiinsecure? Hahaha nagpapatawa ka ba?"Anyka.

"Sa tingin mo may nakakatawa ba sa sinabi ko?"Sarkastik na sabi ni Ave.

"Oo"sya.

"Edi congrats! Baliw ka na"Ave, sabay tayo sa upuan nya dala ang bag nya at binangga si Anyka.

"You Bitch!"sigaw nya.

"Nakaharang ka kasi sa dinadaanan ko e"nakasmirk na sabi ni Ave at lumabas na ng classroom, sumunod naman kami ni Lada para ihatid sya classroom nila total vacant time naman namin ngayon.

True Love is Always WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon