True love is always waiting-011_ANYKA WILBORN

97 31 5
                                    

ALY'S P.O.V

Sabay kami ni Ave ngayon papunta sa school.

Habang papasok pa lang kami ng campus ay pinagtitinginan kami ng studyanteng nadadaanan sabay bulong ng kung ano-ano. Yung iba naririnig namin,yung iba naman hindi.

"I'm pretty sure na di na yan sila maaabutan ng bukas dahil nagbalik na ang Queen ng campus na to"rinig naming sabi ng iba.

"Yeah excited na akong makita ang mga mukha nila sa gagawin ni Anyka"pagkarinig namin sa pangalang Anyka ay nagkatinginan kaming dalawa ni Ave.

"Mukhang tayo ata ang sinasabi nilang aanuhin ni Anyka"nakapoker face na sabi ko.

"Halata nga e. Tsk! Di naman ata ako papayag nyan na gaganyanin tayo ng Anykang yun nuh"matapang na sabi nya.

Pagkapasok namin sa classroom namin ay bumulaga sa amin ang mga studyanteng nagkukumpulan.

Nagkatinginan kami ni Ave. Ok? Anyareh? Wala namang artista ah! Singer na may banda siguro,Oo,pero dah? Nasa sulok kaya ang Epal na yung nakaheadset pa. Tsk!

"Oh! The new students pala"maarteng sabi nya. Sya yung taong pinagkukumpulan. She's pretty kaya lang mukhang masama ang ugali tss! "Welcome to the Hell"dagdag nya sabay ngiti ng nakakaloko. Sino ba itong babaeng to? Nasisiraan na ata to ng ulo e =_=

"And Then"rinig kung sabi mula sa likuran namin. Napatingin naman kami ni Ave sa likuran namin.

"Lada"sabay naming sabi ni Ave. Seryoso ang mukha nya.

"Hi dear epal cousin Lada"nakasmirk na sabi nya, sabay tayo at lumapit sa amin. Nakitang kung nag grin si Lada.

"Kung epal ako Anyka anu ka naman? Masamang damo?"Lada. Ah, sya pala si Anyka.

"Say whatever you want, I dont care. Kung ano ang gusto kong mangyari, mangyayari talaga. You know me Lada"sabi nya.

"Go on, You think you will win? Nagkakamali ka ata ng mga taong binangga mo"Lada. Ibang klase pala sya pag seryoso, nakakatakot na ewan.

"Hmmm, will see. Di pa naman ako nagsisimula e, umiintrada palang,wag ka namang Kj,pasuspense ka naman ha?"sabi nya. Sabay labas ng classroom, sumunod naman yung mga alipores nya. Tsk! Ganyan ba talaga sa mga storya?drama sa t.v or what so ever, na pag may Bida,meron din Kontrabida? Tch!

"Wag nyo nalang pansinin yung mga sinasabi nya. I'll make sure na di nya kayo gagalawin"seryosong sabi nya. Tango lamang ang sagot namin at pumasok na kami sa loob.

Nung nagbell na for first period ay pumasok na ang adviser namin.

"Goodmorning you have a new classmates. I'm pretty sure na kilala nyo na sila dahil sa sikat sila dito sa school nato"sabi ni ma'am.

Pumasok naman yung bago daw naming classmates at nagpakilala na sila.

"Anyka Wilborn the daughter of the owner of this school"pagpapakilala nya. Di naman halatang pinalandakan nya yung pagiging anak sya ng may-ari ng school nuh =_=

"I'm Winslet Kate Morales ang pangalawang maganda sa campus na'to"pagpapakilala naman nung isa.

"Tss! San naman banda ang maganda dyan?"rinig kung murmor nitong epal na katabi ko. Tiningnan ko naman sya,wala na batong ibang gagawin kundi ang umepal? Tumingin sya sa akin na bored ang mukha. Umiwas naman ako ng tingin.

"Ma'am i want to sit beside of the that guy"sabi ni Anyka sabay turo kay Red.

"Me too ma'am i want also to sit beside of that cute guy"maarteng sabi nung Winslet.

"Ok yo-"di na natuloy ni ma'am ang sasabihin dahil may pumutol sa sasabihin nya.

"No, you two sit beside me"rinig kung sabi ni Lada.

"No way!"pagtutol naman ni Anyka.

"Yes way"seryosong sabi ni Lada sabay tingin sa kanila "Or else..."sabay smirk.

"Or else what? Di ako natatakot"mariing sabi ni Anyka.

"You know what i mean Anyka"sabi naman ni Lada sabay balik ang tingin sa harapan "Ayaw mo naman sigurong putulin ko yang pagreyna reynahan mo sa school na'to"dagdag ni Lada. Masasabi kung may similarity ang ugali nila Ave, pareho silang may topak ang ugali. =_=

"Arrgh!"sabi ni Anyka sabay irap sa amin ni Ave. At umupo na sa tabi ni Lada.

"Good, madali ka naman palang kausap e. Ma'am lets go back to our lessons"Lada. Wow Lada ha! Idol na kita, napasunod mo talaga si ma'am.

Mukhang maraming mangyayari ngayong year na ito para sa'akin. Haist! Iniisip ko palang ang magiging mangyari,sumasakit na ulo.

Discussion lang ang ginawa namin at ang resulta? Dah?! Boring nakakaantok.

FastForward.

Nung nagbell na for breaktime ay pumunta na kaming tatlo sa Canteen. Dun kami pumwesto sa dati naming pwesto.

"Dito ulit kami pupwesto mga ate ha"sabi ni Josephine kasama ang TDM (The Devil Monster)

"I heard classmate nyo raw si Anyka"sabi ni Josephine. "Wag kayong papayag na apihin ng babaeng yun"dagdag nya.

"Sino yang Anykang yan? Maganda ba yan? Chicks ba yan?"tanong ng mukhang playboy sa group nila.

"Maganda sya"napatingin naman kami sa nagsalitang si Red.

"Talaga Red?"

"Oo sa sobra nya ngang ganda halos magkapatid na sila ng Alien"dagdag nya. Sumimangot naman ang mukha nung mukha playboy. Kami naman ay humagalpak ng tawa.

So yun pala si Anyka Wilborn.

True Love is Always WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon