KAMANYAKAN PART 11

1.4K 43 1
                                    



CLEIN'S POV


Habang nagbabasa ng lectures, biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko, magulat ako kung sa bintana may kumatok, huu creepy.

"Sino yan?" Tanong ko sabay buklat ng another page sa notebook ko "si manang toh" pagsasagot ng kumatok sa pintuan. Tumayo ako at pumunta sa harap ng pinto at dahan dahan itong binuksan, slow motion ang peg nyo.

"Kumain na tayo" sabi nya sabay ngiting tagumpay, ang saya nya ah? "Ah sige po, susunod na lang ako" sabi ko sabay sarado na ng pintuan, dumiretsyo ako sa salamin at inayos ang sarili.

Now perfect!

Lumabas na ako sa kwarto at dumiretso sa kusina, nakita ko si manang na nauna ng kumakain, umupo na ako sa isa sa mga upuan at inumpisahan ng kumain.

~•~•~•~

Natapos na kaming kumain ni manang at ako na ang nag ayos ng  pinagkainan namin, nahihiya na ako dahil mula kanina pang umaga kumikilos si manang, may hiya din ako noh HAHAHA

Pagkatapos ko maghugas ay umakyat na ako sa kwarto ko, at nag isip muli kung bakit ang ganda ko, charot lang syempre, iniisip ko pa rin hanggang ngayon yung lalaking kumidnapped sa akin at si amanda, ini- stress nila beauty ko tch

Ang hirap kaya magdesisyon duh, papatayin ko ang apat na boss ko? At kung di ko papatayin sila mismo papatay sa akin? At sa mama ko? Mas pipiliin ko pang ako ang mapahamak kesa ang mga mahal ko sa buhay, kaso alam kong madadamay at madadamay ang mama ko, ayoko maging selfish kase di naman ako fish charot korni mo selp.

Pero siguro sa ngayon di ko muna masyadong iisipin ang bagay na yan, kahit di sya mawala sa isipan ko. Ang dapat kong isipin ay ang pagpapagamot ko kay mama. Yun naman talaga ang pinunta ko dito pero bakit may patayang magaganap? Tf.

Humiga ako saglit para ipahinga ang sarili, nakakapagod din mag isip ng mag isip, kailangan ko ng makaka-usap ngayon, at alam kong si mama lang ang makakausap ko sa ganitong sitwasyon.

Dali dali kong kinuha yung cellphone ko at nag dial ng number ni mama. Naka tatlong ring bago ito sagutin.

"Hello ma" panimula ko

[ h-hello din anak *cough* kamusta k-ka? ]

" ikaw ang kamusta ma? May sakit ka? Asan sila leigh at Jea? Uminom ka na ba ng gamot mo?"

Narinig kong mahinang tumawa si mama

"Ma? Walang nakakatawa sa sinabi ko"

[ alam ko anak *cough* natutuwa lang ako dahil ang swerte ko na may anak akong katulad mo, mas inaalala pa ang kalagayan ng iba kesa sa sarili nya, ayos lang ako anak wag ka mag alala, simpleng ubo lang ito at naka inom na din ako ng gamot, nasa school kapatid mo, ayos lang kami dito anak, ikaw ang mag ingat dyan ah? ]

Ramdam ko na nakangiti si mama habang sinasabi ang mga salitang iyon, napa buntong hininga na lang ako dahil thanks god safe sila

"Mabuti naman po kung ganon ma, nga pala po, tumawag ako dahil gusto ko ng kausap"

[ tungkol saan ba anak? Makikinig ako]

" may tanong po ako ma, n-nagkaroon po ba ako ng amnesia?"

Biglang natahimik ng ilang segundo kaya tinignan ko ang screen, di pa naman end call, kaya muli akong nagsalita

"Ma?"

[ a-ay sorry anak, bat mo naman  natanong? ]

"Uh wala lang po, feeling ko po kasi may part ng mga alala ko ang di ko matandaan"

[ a-ah anak, kailangan ko muna ito ibaba ah? M-may gagawin pa kasi ako e ] pag katapos sabihin iyon ni mama ay agad na itong nag end call, bat parang iniiwasan ni mama ang tanong ko na iyon? Aish bahala na, baka nag o- over think lang ako.

Tumayo na ako at inayos ang mga nagulo kong gamit.

~•~•~•~

Dahil nga wala nanaman akong magawa, sumagi nanaman sa isip ko ang lalaki at si Amanda, nakakainis lang, bat lagi silang nasa isip ko? Gayong stress lang naman ang dala nito sa akin? Potek na yan.

Napag isipan ko din na tatanungin ko mamaya ang mga boss ko kung may kilala ba silang amanda, at kung anong nangyari sa kaniya, kaso parang magmumukha akong chismosa, ay ewan.

Kinuha ko ang bathrobe ko at lumabas na ng kwarto, maliligo muna ako para mahimasmasan ako.

Nagbabad muna ako ng ilang oras sa shower, oo oras talaga HAHAHA ang sarap ng tubig ei tinikman ko charot warm water lang kasi kaya ang sarap sa katawan.

Pagka tapos maligo ay nag bihis na ako ng gown na pang kasal dahil hinihintay na ako ng BTS sa simbahan, ngayon kasi ang kasal namin.

Charot lang syempre, malabong ikasal kami ng bts, kaya kay sir colt nalang ako magpapakasal, another charot, dahil una sa lahat wala akong gown at pangalawa may girlfriend si sir colt, oo nga pala di ko pa nasasabi kay sir colt  na pumunta dito yung impakta I mean yung girlfriend nya.

Nag suot na lang ako ng simpleng short at simpleng tshirt tsaka muling humiga sa kama, naks naman naturingang maid pero pahilata hilata lang oha.

Habang nakahiga may kumatok sa pintuan, alam kong si manang yun dahil kaming dalawa lang naman ang tao dito sa bahay

"Pasok po" sagot ko habang nakahiga pa rin, sarap humiga ei, pero mas masarap talaga ako charot "ah clein, gusto mo sumama sa palengke?" tanong ni manang, mabilis akong tumayo at umiling iling, aba ayoko na noh! Na trauma na ako sa mga lalaking kumidnap sa akin, ayoko na maulit yun, at malamang kapag nakita nila ako muli tatanungin nila ako about sa pagpatay sa apat, e wala naman akong balak patayin ang apat noh tch, napatango na lang si manang sabay sarado na ng pintuan, siguro alam na nya ang dahilan ko.

Muli akong umupo sa kama dahil sumasakit ang ulo ko.

~•~•~•~•~
SOMEONE'S POV

Nandito ako ngayon sa harap ng bahay nila colt at ng tatlo nyang kaibigan, hinihintay ko kung lalabas ba si clein.

Napatigil ako ng biglang bumukas ang gate nila akala ko si clein na, yung matanda pala nilang maid.

Napa hampas na lang ako sa manibela dahil sa frustrate fuck.

Binuksan ko ang makina at pinaharurot ito papunta sa sementeryo kung saan nakalibing ang pinaka mamahal kong girlfriend

Yes patay na ang girlfriend ko, well ang may gawa lang naman nito ay si colt at ng tatlo nya pang kaibigan.

Maghihiganti ako

Nang makarating ako sa sementeryo agad akong may Naramdaman mainit na likido ang tumulo mula sa mata ko, umiiyak nanaman ako fuck. Agad ko itong pinunasan at kinausap ang lapida ng girlfriend ko na parang maririnig nya ang mga sasabihin ko

"Love, sorry ah? Umiiyak nanaman ako, gusto ko mag higanti, gustong gusto ko, miss na miss na kita" pagkasabi ko non, biglang humangin ng malakas na mas lalong nag paiyak sa akin.

"Amanda, ipag hihiganti kita"

~•~•~•~•~

A/N: PLEASE VOTE, COMMENT AND FOLLOW ME (ALSO MIKAZUKI OKINAWA) SORRY SA WRONG GRAMMARS AND ALWAYS ENJOY READING, KEEP SAFE.

I AM A MAID OF FOUR MANYAKS?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon