Chapter Twelve: Talk

293 12 3
                                    

Natakpan ni Rosh si Krisa kaya naputol ang tingin ko sa kaniya. I wonder if... she notices what's happening between me and Aeolus?

At kung mapansin niya man, Serene, bakit ka ba nababahala?

It's not as if she's the girlfriend or whatsoever.

At wala rin naman masama kung magkakaroon nga ng something sa amin ni Aeolus, diba?

This isn't even cheating but why do I care about her opinion that much?

Medyo natulala ako ng panandalian at nabalik lang sa ulirat nang kinalabit ako ni Yves.

"Hey, I was asking kung hindi mo muna aalisin 'yang cover up mo before putting your life vest?"

"Huh?"

Pinasadahan ko siya ng tingin. She's already removed her romper. She's just on her bikini now at mukhang isusuot niya pa lang ang life vest niya.

Tinignan ko rin si Lianna na unti-unting nagtatanggal ng kaniyang maxi dress.

"Uhm..." nag-isip pa ako kung tatanggalin ko na nga ba ang pang cover up ko.

Isang beses pang pumasada ang aking tingin kay Krisa na ngayon ay na kay Aeolus ang tingin.

Kasama ni Aeolus ang dalawa kong pinsan ngayon, sina Sean at Rosh. Tinitignan nila kung paano umandar ang makina ng bangka.

Napansin kong naka rash guard at short shorts lang si Krisa. Napaisip tuloy ako na mukhang mas maganda nga sana kung ganoon na lang ang sinuot ko.

However, I don't remember putting any rash guards on my luggage. I brought a lot of bikinis and not even one is a rash guard!

Balak ko kasi talaga ay medyo maging tan man lang. My skin is too pale and I want to have a little bit of color too, you know!

"Alisin mo na!" napabaling ako kay Yves nang pilit niyang pinapaalis ang aking cover up.

She untangled the ribbon of my dress at pilit niya iyong binababa sa akin.

Natawa ako sa ginagawa niya at medyo pinigilan siya.

"Okay, fine! Wait!" I said as I slowly removed my dress.

Pati si Lianna ay pinagtatawanan ako.

Napalingon ulit ako kay Krisa at napansin kong nakatingin din siya sa amin.

When our gazes met, she immediately looked away.

Pagkaalis ng cover up ay kaagad kong isinuot ang life vest. Inayos 'yon para sa akin ni Yves pero sobrang nasikipan ako kaya in-adjust ko ulit 'yon.

Naguusap usap ang mga boys habang kami naman nina Lianna ay todo abala sa mga pictures.

Tirik na tirik na ang araw pero hindi mo masyadong mararamdaman ang init dahil sa presko ng hangin.

Kitang-kita ang marahas na pagkakahawi ng tubig sa mga katig ng bangka.

Panay rin ang kuha ko ng litrato sa aking cellphone. Panandalian pa akong kumuha ng video para may mai-post sa story ko sa social media.

Mom saw it immediately and messaged me to have fun and take care. Napangiti ako at napanguso. How I miss them so much!

I replied to her and we chatted for a little bit more. Mom said that she went out with Dad yesterday and they dated like they were still teenagers. Pinagtitinginan daw sila ng mga tao at sobrang hiya ang naramdaman niya while Dad obviously didn't care about other people and continued to be crazy.

Natatawa ako habang nirereplyan si Mommy. Mom said they would've brought me with them kung nandoon lang ako. And now, I'm kinda sad that I wasn't there anymore.

Still You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon