Chapter Twenty-Three: Arrangement

208 11 5
                                    

"Susunduin ko sina mama sa airport, gusto mong sumama?"

"Kailan?"

"Sa susunod na araw. Napaaga ang uwi nila."

I bit my lip. May project kaming gagawin ni Lianna sa araw na 'yon.

"We're scheduled to do a final project that day..." malungkot kong sabi.

I heard his sigh from the other line. "It's alright. We'll just set a dinner, okay?"

"Okay." I breathily said.

Malapit na ang finals kaya naman mas lalo kaming nagiging busy.

"Ako na lang ang magpapaprint nito sa labas, Lianna. Ito lang ba?"

Busy kami ngayon sa mga written reports na meron kami. At dahil mas marami na akong nagawa at natapos na requirements kaysa kay Lianna, ako na ang nagpresinta na magpaprint ng mga ito sa labas ng campus.

"Oo 'yan lang, Sey. Thank you!" aniya at pinagpatuloy ang pagsusulat.

Napailing ako. Hindi kasi siya madalas naglelecture, ngayong biglang nagpapapass ng notes ang prof ay wala siyang sa sakaniya.

I took my wallet and umbrella para maiwan na muna siya rito. Kaagad akong nagtungo sa isang printing shop sa lipat daan, kung saan kami madalas na nagpapaprint kapag nasa eskwelahan.

There's this milktea place beside the printing shop at naisipan kong bumili muna at magpalamig.

"Kuya, balikan ko na lang po." sabi ko dahil may mga nauuna pa sa akin ngayon.

"Sige, miss."

Kaagad akong umalis doon para makabili na ng milktea. I sat on one of the waiting chairs habang hinihintay ang aking order at tinext si Lianna kung gusto niya rin ba ng inumin.

Dahil mabilasan lang naman natapos ang order ko ay nanatili muna ako roon at doon na naisipang inumin 'yon.

I texted Aeolus kung nasa airport na ba sila. Pareho silang nag-absent ni Ash sa mga afternoon classes nila para masundo ang mga magulang.

Aeolus:

Yes, we're just waiting for them outside the arrivals.

Gumagawa na kayo ng project?

Ako:

Mamaya pa. Kina Lianna kami gagawa.

Aeolus:

Okay. Sino mga kasama niyo?

Ako:

Lianna and my two other classmates. Baka sa kanila na lang din ako matutulog.

Aeolus:

Can I go visit you there later?

Kumunot ang noo ko. Paano ang mga magulang niya? Aalis kaagad siya at hindi muna ba sila magca-catch up man lang?

Titipa na sana ako ng mensahe nang may biglang kumalabit sa akin.

"Connelly?"

Napaangat ako ng tingin sa isang maputing lalaki na may ngiti sa labi ngayon.

I shifted on my seat when I realized who it was.

"Rence?" pinagmasdan ko siyang mabuti. It is him!

"Serene Connelly, it is you!" masaya niyang sambit at kaagad na yumakap sa akin.

Natawa rin ako at niyakap siya pabalik. Parang noong isang araw lang ay pinag-uusapan lang namin siya!

"It's been four or five years! Wow. You look even gorgeous now!"

Still You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon