Chapter Twenty-Five: Help

184 10 0
                                    

Eksaktong ala una y medya nang ginising ko mula sa pagtulog si Aeolus. Marahan kong tinapik ang kaniyang balikat.

"Hey, wake up... It's 1:30 already. Papalitan mo pa si Ash sa pagbabantay diba?" I muttered.

Gumalaw siya at bahagyang humigpit ang yakap niya sa akin. He groaned as he shove his face into my neck even more.

"Gising na... Ash probably wants to rest now." I said in a sweet tone.

Gusto ko man na hayaan pa siyang matulog kahit sandali ay paniguradong naghihintay na si Ash sa kaniya. Magd-drive pa 'to patungong ospital baka anong oras na siya makarating doon kung hindi pa siya gigising ngayon.

"Can I just stay like this for a while?" he mumbled, his voice is hoarse from waking up.

I heavily sighed. "Alright. I'll give you five."

I softly combed his hair again for the next five minutes. Nang maramdaman ko ang kaniyang mumunting halik sa aking leeg ay pilit ko na siyang hinarap.

"Your time's up. Baka kung anong oras ka ng makarating doon kung hindi ka pa aalis ngayon."

"Hmm. Just a little bit more." he said as he tightened our hug.

Bahagya akong napangiti at napairap. Hanggang anong oras ba 'yang 'a little bit more' na 'yan?

"But I'm already sleepy, Aeolus..." may pagsusumamo kong sabi sa kaniya. "At isa pa, nangangalay na 'ko 'no!" I actually don't care how sleepy I am at kahit pa mangalay ako ng sobra ay ayos lang naman sa akin. I just really have to think of something that could make him finally let go of me. His brother is also probably tired right now at paniguradong gusto na rin ni Ash na makatulog kahit sandali.

Dahil sa sinabi ko ay kaagad na siyang kumalas sa akin at umayos ng upo. Dinungaw niya ako at hindi ko maiwasan ang makaramdam ng awa sa kaniya. His eyes are still tired and sleepy. If only I could make him stay for the night...

Umupo na rin ako ng maayos at binuksan ang pinto ng kaniyang sasakyan.

"You could've slept while I'm sleeping, too." paos ang kaniyang boses nang sinabi 'yon.

"Kung natulog ako, sinong gigising sa'yo?" nangingiti kong sabi sa kaniya.

Nagbuntong hininga siya at hinanap ang kaniyang cellphone at tinignan ang oras doon.

"We could've just set an alarm."

"Tss. It's fine. Hindi naman ako inaantok kanina. Nakatulog ako kaninang hapon." I smiled at him for assurance.

Kinuha niya ang jacket ko at tinulungan ako para maisuot 'yon sa akin.

"Are you recharged now?" I asked in a playful tone.

He stared at me intently and slowly, a weak smile rose from his lips.

Binalot niya akong muli para sa isang mainit na yakap. "Very much. Thank you, baby." he whispered as he kissed the side of my forehead.

Nang lumabas kami sa sasakyan ay tinignan ko siyang mabuti. Halata pa rin talaga ang antok sa kaniyang mga mata. I'm worried to let him go already especially because he'll drive... Kaya naman...

"You want to drink coffee first?"

Sandali lang naman siguro 'to diba? Mapagbibigyan naman siguro ni Ash ang kapatid kung hindi eksaktong alas dos makarating si Aki roon...

Nagtaas siya ng kilay. "Please?"

Banayad akong ngumiti at tumango. Sinama ko muna siya pabalik sa bahay at pinagtimpla ng kape. Hinintay ko siyang matapos bago hinatid muli palabas. Nasa driver's seat na siya habang ako ay nasa labas at nakadungaw sa bukas na bintana ng kaniyang sasakyan.

Still You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon