ChapterTwo

38 0 0
                                    

Faye P.O.V

Dumating na nga ang aming first teacher ngayong umaga actually siya rin ang advicer namin si Sir Ezi.

"So class. Good Morning!" pagbati niya sa amin "Good Morning po Sir Ezi" pagbati rin namin sakanya.

Masiyahing teacher ang advicer namin kaya tuwing siya ang pumapasok sa room namin laging masaya, happy happy lang kumbaga.

Pero napansin ko itong katabi ko nakayuko sa desk niya at mukhang natutulog. "Tss. Uy gising kauumpisa palang ng first subj. natin tutulugan mona agad" at tinapik tapik ko ang braso niya "hmm. Ano ba faye" murmur niya tss

"Uy Kent si Sir papunta ata sa pwesto natin gising kana!" saad ko "Gasgas na yan faye. Wag ka nalang mang istorbo" aha ganon? So akala niya nagsisinungaling ako. At ayan nga si sir nakita niya si Kent na nakayuko at di nakikinig "So Mr.Tolentino masyado bang nakaka antok ang subject ko at tinutulugan mo ito?" may pagka autoridad na sabi ni sir kay Kent.

Boom ayon na napa angat na siya ng ulo at medyo namula, halatang nahihiya na siya ganyan kasi yang si Kent mahahalata mong nahihiya siya kapag namumula ng konti yung mukha niya. "Ahm sir sorry medyo kulang po kasi ang tulog ko kagabi e" sabay kamot niya sa batok

"That is not a valid reason Mr.Tolentino.  Come with me in my office mag uusap tayo. Lagi ka nalang ganyan." sabi ni sir. Lumakad na siya sa pintuan at sumunod naman si Kent

"Class makinig! So ayon muna ang ating lecture for today. Good day class!" habol saamin ni sir dina namin siya nabati pabalik dahil tuluyan na silang lumabas ni Kent. Kawawang Kent ano kayang gagawin ni Sir sakanya?

Natapos na ang second subject namin so it means recess na namin. Pero di parin bumabalik sa room si Kent. "Ano na kayang nangyari kay Kent no guys?" tanong ko sa mga kaibigan ko "Asus Faye ilang oras palang siyang nawawala namimiss mo na agad!" sabi sa akin ni Mikaela siya ay bestfriend ko rin bali Apat kaming mag bebestfriend Ako si Rochelle si Shane at si Mikaela.

"Duh! Nagtatanong lang naman ako. Neknek niya di ko siya mamimiss no" sagot ko sakanya "Hahaha asar ka naman agad Faye" sabat sa amin ni Rochelle "Yay! Tama na nga yan tara na baba na tayo gutom nako e" pagiiba ko ng usapan para naman tumigil na sila sa pangaasar sakin kay Kent.

Actually si Shane lang ang may alam sa sikreto ko na may gusto ako kay Kent e pero alam ko namang safe ang secret ko sakanya. Nasa canteen na kami at nakabili nako ng recess ko habang hinihintay ko yung tatlo ko pang kaibigan. Ang babagal bumili gutom nako e. Sa room kasi kami nagrerecess kaya no choice hihintayin ko nalang sila.

Habang nakaupo ako sa bench biglang may tumabi sa akin "Paupo ako ah" pagpapaalam nito sakin. Tumango nalang ako bilang sagot di nako lumingon sakanya bahala na siya kung gusto niya umupo, sandali lang naman ako dito kaya pumayag nalang ako "Ahm may kasabay kabang mag rerecess?" tanong nito napatingin nako sakanya O.O Ang gwapo pala niya tas lalo pa siyang gumwapo nung nakangiti siya tss erase! erase! May Kent nako wag kanang humarot pa Faye! Pangangaral ko sa isip ko hahaha

"Ahm miss?" tanong ulit nito "A-ah oo m-meron akong k-kasabay" damn! Bat bako nauutal. E kasi yung ngiti niya dipa rin umaalis sa kanyang mga labi nakakapan lambot "Ah ganun ba? Sayang sasabay sana ako sayo e" O.O lalo akong na starstrack sakanya e kasi kasi kasi nag pout siya gossshh! Bat ganto tong lalaking to ang gwapo na tas marunong pang magpacute

"Ahm miss may dumi ba sa mukha ko? Haha" pati pagtawa niya ang gwapo. Errr ano bato! "Ah wala wala sorry kinikilala ko lang mukha mo hehe" palusot ko "Ah ganun ba" my ghaaad ngumiti nanaman siya. "FAYE!!!!" sigaw nila sa akin "Ay tukneneng!" muntik pakong mahulog dito sa bench buti nalang nahablot ni kuyang gwapo yung braso ko.

"I think sila yung mga kasabay mo. Tara alalayan na kita sa baba" di pa man ako nakakasagot agad na niyang hinawakan ang kamay ko at tinulungan bumababa "Oy babae! Kanina ka pa namin hinahanap! Andito ka lang pala!" pagalit na sabi sa akin ni Shane "Ahm sorry guys" sabi ko naman "Uy faye. Sino yang kasama mo? Lalake mo?" pangaasar sakin ni Rochelle. Shit nakakahiya sa guy baka kung ano isipin niya

"Girls ako pala si Karlos" ay naman yung killer smile niya "Hi karlos ako pala si Rochelle. Eto si Mikaela, Shane at si Faye" tapos talagang tinuro niya pa ako nung binanggit niya ang name ko ano ba! "Ah so Faye pala ang name mo. Pero sige aalis nako ah? Bye girls! Bye Faye!" sabay wink niya sa akin "Bye karlos" diko alam kung narinig niya kasi mahina lang ang pagbanggit ko dito at nakapaglakad na siya ng sabihin ko yun.

Habang nasa hallway "Wag ka ngang gaganyan. May Kent kana may Karlos kapa?!" pagpapaalala bigla sakin ni Shane pero pabulong lang dahil siya lang ang may alam na crush ko si Kent. "Baliw ano ka ba. Parang nakikipag kaibigan lang yung tao" sagot ko sakanya "Asus! Tara na nga sa room ng makakain na tayo". at nagmadali na nga kaming umakyat dahil gutom na talaga kami hahaha.

---------------------------------------------------
~tobecontinued~

Pleaaaase! Comment Vote Share :*

Faith Can RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon