ChapterFour

15 0 0
                                    

~Kinabukasan
Kent's P.O.V

Maaga akong nagising pero di parin ako kumikilos para maghanda sa pagpasok ko sa school. Iniisip ko parin kasi ang sinabi sa akin ni Faye. "E ano naman ngayon? Atska di kita pinagpapalit baket? Di naman kita boyfriend diba? Hahaha"



Tama siya ano nga ba ako sa buhay niya? Hindi nga naman niya ako boyfriend. Hays! Kung alam lang niya matagal ko na siyang gusto. Pero bat ganon manhid ba siya? Ang tagal ko ng pinaparamdam sakany pero bakit di man lang ata niya nararamdaman.



Tss by the way Im Kent Steven Tolentino as usual kaklase ng matagal ko ng gusto si Faye Im 16 yrs. old. Ilang months lang naman ang agwat ng edad ko kay Faye. Dipako matanda no! Haha



Ok back to reality kahapon nga nakita ko siya na kasama si Karlos yup! Kilala ko siya paano lagi yang pumupunta sa room at lagi niyang tinatanong ang about kay Faye halatang may gusto siya. And siguro ngayon niya naisipang pormahan si Faye pero di ako papayag. Kung may balak siya ngayon palang uunahan ko na siya bwahahaha (evil smile)



"Kenken!! Bumangon kana diyan nakahain na ang almusal maligo kana rin!" tawag ng tita ko "Oo tita pababa nako!" sagot ko. Si tita ko kapatid ko at iba ko pang pinsan lang ang kasama ko rito. Si mama ko nagtatrabaho pero dito lang sa pinas. Naligo na muna ako bago bumaba, tiningnan ko muna kung anong oras na 6:30 palang pala 7:15 pa naman ang klase ko pero ngayon maaga na muna siguro akong papasok.


~After15minutes.


Tapos nakong kumain at nagpaalam nako kay tita. Sumakay na ako ng jeep at syempre pumara ako ng nasa tapat nako ng school namin. Naglakad nako sa hallway kakaunti palang ang mga tao malamang maaga pa masyado. Nang nakarating nako sa room andito na ang iba ko pang kaklase.



"Oh Kent ok na ba kayo ni Faye?" bungad agad sa akin ni Rochelle "Bakit? Di naman kami nag away ah? Nagpamiss lang ako" palusot ko pero ang totoo nagtampo talaga ako hehe "Asus akala naman namin nagaway talaga kayo" diko na siya sinagot at umupo na ko sa pwesto ko. Mga ilang minuto pa ay may naramdaman na akong umupo sa tabi ko panigurado si Faye na ito.



Faye's P.O.V

Pagkapasok ko sa room nakita ko na andito na pala si Kent. Umupo na ako sa pwesto ko. "Buti naisipan mo nang umupo dito?" tanong ko sakanya habang siya nakayuko alam ko namang narinig niya ako, at bigla niyang inangat ang ulo niya "Haha oo e. Bakit namiss moko? Ako kasi namiss kita e" sagot niya at ngumiti ng nakakaloko



"Asus kaya ka naman pala bumalik dito para asarin ako" saad ko at nagpout "Tss wag ka ngang magpout diyan baka mahalikan kita e" bigla niyang sabi. Feeling ko pulang pula ako sa sinabi niya nababaliw ba siya? Hindi na nga ako magpapout



"O? Natahimik ka? Joke lang yun asa naman akong mahahalikan kita baka majombag mo pako hahaha" pahabol niyang sabi sabay yuko at matutulog siguro. Tss ang yabang talaga. Ilang sandali lang dumating na ang Math teacher namin. As usual inaantok halos mga kaklase ko isama mo pa ako haha. Maya maya may inabot si Kent na papel.


K: Hi Faye
F: Trip mo?
K: Wala namiss lang kita
F: Naku Kent tigilan moko.
K: Aw totoo naman e.
F: Ok.
K: So ganyan dry ka na saken
F: Tss ano bang gusto mo?
K: Simple lang IKAW ;)
F: Tama na nga Kent. Mahuli pa tayo ni Maam niyan e!



At totoo nga nahuli kami ng teacher namin. "Ano to Mr. Tolentino and Ms. Ibañez? Eto ba ang lecture na pinapasulat ko? O may sarili na talaga kayong lecture para sa subject ko?" mataray na tanong samin ni Maam. Were doomed nakakahiya my ghaad Eto pa namang teacher namin ngayon daig pa ang may period. Tapos para pang nagmemenopose.




"Ahm maam sorry" tanging nasagot lang namin "Get out of this room! NOW!" pasigaw niyang sabi "Psh di naman kami bingi makasigaw pa" bulong ni Kent "May sinasabi ka Mr?" sumagot pa kasi e "Ah wala PO. Ang sabi ko lang PO eto na palabas na PO kami :)" halatang plastic yung ngiti tapos talagang diniinan niya pa yung mga word na PO haysh!



-------------------------------------

~tobecontinued~

Pleeeeeaaasssseee Vote Comment and Share :*

Faith Can RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon