ChapterThree

19 0 0
                                    

Pagka dating namin sa room sakto nandoon na rin pala si Kent "Hi Faye! Balita ko hinahanap-hanap mo raw ako kanina?" sabay grin neto "Huh? Sira ulo ata nag sabi sayo nun. Bat kita mamimiss? E ang saya nga kasi walang nang aasar sakin e" nag grin din ako para asarin din siya.

"Uy Kent alam mo ba ipinagpalit kana ni Faye! Hahaha" biglang sabi ni Rochelle kay Kent "Totoo ba yon Faye?" biglang nanlambot ang ekspresyon ng mukha niya asus for sure trip nanaman niya ako "E ano naman ngayon? Atska di kita pinagpapalit baket? Di naman kita boyfriend diba? Hahaha" asar ko sakanya pero nagtaka nalang ako bigla ng hindi siya sumagot sa asar ko kasi kadalasan ako nalang yung sumusuko kapag nagaasaran kami. Pero hinayaan ko nalang.

Rrrrriiiiiiiiinnnnngggggg! Nagring na ang bell it means papasok na ang next teacher namin at tapos na ang recess namin. Umupo nako sa pwesto ko pero nagtaka ako ng si Mikaela ang katabi ko. "Oh buti ikaw katabi ko?" tanong ko sakanya "Ah si Kent kasi nakipag palit" nagtaka tuloy ako di naman niya kasi hilig ang makipagpalit kasi mas gusto daw niya dito sa pwesto niya kasi naaasar niya ako.

"Nag LQ ba kayo? Haha" biglang tanong ni Mikaela sa akin "Baliw LQ ka diyan!" sabi ko sakanya"E diba di naman nakikipag palit ng pwesto si Kent? Depende nalang kung absent ka" saad niya "Ay ewan ko sakanya. Sakanya mo nalang itanong yon. Bala siya kung ayaw na niya akong katabi" sagot ko "Baka nagselos?" muli niyang tanong "Selos? Bat naman siya magseselos? Atska kanino naman?" balik tanong ko sakanya

"Dun sa sinabi ni Rochelle kanina. Tapos dun sa huli mong sinabi sakanya" sagot niya sa akin "Huh? Err ewan ko bala na siya" sabi ko. Pero sa totoo lang naiinis ako sa inaasal niya, bakit di nalang niya sabihin kung ano talagang problema niya sa akin di yung ganyan.

Natapos na ang klase namin pauwi na kami pero hindi parin ako pinapansin ni Kent -.-. Ano ba yan! "Uy girl bat di ata kayo nagpapansinan ni Kent?" tanong sakin ni Rochelle "dunno" matipid na sagot ko "Ay? Di lang kayo nagpapansinan naging dry kana hahaha" asar niya sa akin

"Ewan ko sayo! Sige na uuwi nako. Mauna nako sainyo, pass muna ako sa paglilibot natin ngayon" sabi ko sakanila "Ay? Osge kitakits nalang bukas. Ingat ka" huli nilang sabi sa akin at umalis nako. "Faye!" napalingon ako akala ko si Kent "Oh Karlos bakit?" tanong ko sakanya "San ka uuwi?" hindi ba nangangawit pisngi nito kaka ngiti? Pero dyahe kyoot naman haha "Ah diyan lang. Walking distance lang naman bahay namin" sagot ko

"Talaga? Tara hatid na kita" mungkahi niya "Ah w-wag na m-malapit lang n-naman e" syet eto nanaman ako nabubulol e kasi nakakahiya ngayon ko lang siya nakilala tapos ganto pa "No I insist. Tara na" hindi pa man ako nakakasagot hinila na niya ang kamay ko. Wow ah di naman siya FC hahaha

"Ahm Karlos?" tawag ko sakanya "Yes?" ay ano ba yan pati pag yes niya kailangan mag smile? "Ahm pwede mo nang bitawan kamay ko. Baka ano pa isipin ng mga makakakita hehe" sabi ko "Ah sige sorry sorry" paghingi niya ng sorry. Err pout pa gusto yan tuloy ang kyoot kyoooot niya

"Ahm sige Karlos dito nalang. Ayun na yung bahay ko oh" sabay turo sa bahay namin "Ah sige. Hintayin na kita makapasok sa inyo" saad niya "Sige ahm by the way san ka pala uuwi niyan?" tanong ko "Ah malapit lang din sa school pero dun pa banda" sagot niya

"Ah sigesige mauna na ako. Ingat ka sa pag uwi" sabi ko bago ako tuluyang naglakad papunta sa amin. For sure naglalakad na siya pauwi niyan.

-------------------------------------------------
~tobecontinued~

Pleeeeeaaaasssee Vote Comment and Share :*

Faith Can RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon