Faye's P.O.V
Natapos na ang recess at balik nanaman sa studies. Etong teacher namin ngayon hindi naman masungit kaya ang daming nagdadaldalan isama mo pa tong katabi ko na dinadaldalan ako sino pa ba edi si Kent.
"Alam mo dapat dika nakikipagkaibigan dun sa Karlos na yun e" bigla niyang sabi "Huh? Bakit naman? He's being nice naman sakin atsaka di siya mapang asar tulad ng iba diyan" sagot ko na may halong pang aasar
"Asus Nice lang siya? Edi wala palang thrill kasama yon? -.-" saad niya "Eto naman ang bait bait nung tao ginaganyan mo! :3" pagtatanggol ko kay Karlos "Tss! Pwede ba wag mong ipagtanggol yung baklang yon -.-" ano daw?! "Bat naman siya nanging bakla?" tanong ko "Tingnan mo naman yung kutis niya ang puti puti daig pa babae kung magayos at atska ahm at basta bakla yon" -.- "Psh! Insecure ka lang! Hahahaha!" asar ko sakanya.
Riiiiinnnnnnnnnggggg!!!
Bago pa man siya makasagot nag ring na ang bell. Aba? Hindi pa naman lunch ah? "Uy Mikaela! Bakit nagring yung bell? May one hour pa bago mag lunch ah?" tanong ko sakanya "Ayt! Dika nanaman nakinig kanina no? May mass daw tayo ngayon" sagot niya.
Inannounce pala kanina tch! Nagpadaldal pa kasi ako sa katabi ko e :3 Aasarin ko pa sana siya pero pina baba kami para pumunta sa Lobby dun kasi ginaganap ang mga events.
Tapos ng maghomily si Among tapos na rin ang Mass. Bali Lunch na namin pero diko mahanap mga kaibigan ko pano ang daming students nagka letche letche ayan tuloy napahiwalay ako sakanila. No choice aakyat nalang ako at magpapasama nalang maglunch kung sinong nasa room.
Habang naglalakad ako may kumalbit sakin, nilingon ko agad si Karlos pala. Pansin ko ah? Basta nasa labas ako ng room hindi pwedeng hindi magpakita sakin to. Stalker ko ba siya? Hahaha asa naman ako :3 "Hi Faye! Ikaw lang ata? Tara sabay nalang tayo" ^.^ "Ahm sure. Napahiwalay kasi ako sa mga kaibigan ko :3" sagot ko agad. Naglakad na kami papuntang canteen
"Faye! Andito ka lang pala!" napatingin ako kung sino yun si Kent pala "Tara na?" bigla niya aya "Ah brad sorry pero sabay na kami ni Faye e. Right Faye? :)" biglang sabat ni Karlos "Alam mo pare wag kang sumasabat. Kailan ka pa naging si Faye huh? Hindi ikaw ang kinakausap ko." madiin na sabi ni Kent.
I smell something away -.- "Ahm Kent sinabay kasi ako ni Karlos ngayon sa lunch pinagbigyan ko na ngayon lang naman e :3" sabi ko kay Kent "No Faye tara na" at bigla nalang niya ako hinila pero kinuha agad ni Karlos ang isang kamay ko
"Brad nakakabastos kana ah? Ako na nga daw ang sasamahan ni Faye. Bakit mo ba siya laging hinihila sakin palayo? Ang pagkakaalam ko di ka naman niya boyfriend!" at pwersa niya akong hinugot kay Kent. My ghaaad ano ba to! Yung aura ni Kent nag iba na
"Aba ang tigas mo ata brad!" tinulak niya si Karlos kaya napaupo ito sa damuhan. Pero tumayo naman siya at agad na nasuntok si Kent susuntok na sana si Kent pero agad akong pumagitna sakanila "F*ck ano ba! Di na kayo bata ok! Napaka immature niyo! Para wala ng away! Wala! Wala nakong sasamahan ni isa sainyo ngayon sa lunch!" sigaw ko sakanila.
Nakakahiya center of attraction kami ngayon pero mas nakakahiya kung di ko sila aawatin sa pagsusuntukan nila "Karlos sorry sa inasal nitong kaibigan ko ah? Sige na bye sa susunod nalang siguro." sabi ko at agad nakong naglakad papuntang room.
"Talagang pinagtanggol mo siya kaysa sa akin Faye?! Sh*t lang!" sumbat ni Kent sa akin tumigil ako sa paglalakad nasa harap kami ng isang bodega "For pete's sake Kent! Di ka naman sinaktan nung tao pero kung umasal ka ng ganon sakanya akala mo mayroon siyang kasalanan sayo! Inaano kaba niya huh?!" bulyaw ko sakanya for sure wala namang makakarinig samin wala namang masyadong dumadaan dito
"Di mo ba nakikita?! Inaagaw ka niya sa akin! And Im afraid na mangyari yon! Kaya inilalayo kita sakanya Faye!" saad niya "Nakikipag kaibigan lang yung tao Kent anong masama don! Sige nga ano bang problema mo sakanya?!" damn naiinis nako sa inaasal niya kay Karlos "Sh*t Faye! Im f*cking jealous!" nagulat ako sa narinig ko
"Ano? Nagseselos ka? Bakit?" tanong ko "Kasi mahal kita Faye! Mahal kita! Pero diko alam kung sadyang manhid ka lang kasi di mo naramdaman! At yung lalakeng yon! Natatakot ako na baka mapunta ka sakanya! Napapasaya ka niya Faye nakikita ko yon! At kaya kita nilalayo sakanya kase gusto ko ako yung dahilan ng pag ngiti mo at hindi siya!" natameme ako sa mga binitawang salita ni Kent
"Alam ko nagulat kita, pero diko na kasi kaya itago to Faye e. Kaya ngayon diko na sasayangin tong pagkakataon. Faye? Can I court you?" at yun ang lalong ikinagulat ko feeling ko sasabog na ang dibdib ko dahil sa mga narinig ko kay Kent "Faye? Oo o Hindi lang naman ang hinihingi kong sagot" sabi niya.
~tobecontinued~
AN; Hehe bitin no? Iuupdate ko rin bukas. PLEAAAASSSEE COMMENT VOTE SHARE :*
BINABASA MO ANG
Faith Can Revenge
Teen FictionSiya ay isang tipikal na highschool student pero nagbago ang lahat sakanya simula ng pumasok sa buhay niya si Kent. Ano kaya ang nangyari? Bakit nagbago ang buhay niya dahil lang sa isang lalake? Halina't tuklasin natin :) Why does Faith revenge?