Mag- iisang oras na akong naghihintay dito sa loob ng restaurant na 'to. Nasan na ba yung babaeng yon? Juice ko, juice ko, orange juice. Pag nakarating na yung babaeng yun dito, masasampal ko siya ng 32°. Pinapainit ang ulo ko. Isa pa 'tong babaeng to sa harap ng table ng inuupuan ko. Kanina pa ako iniirapan. Mukha naman sahig na halos mag camouflage na siya sa tiles ng restaurant na 'to. Taasan ko din kaya to ng kilay? Try lang.
Tinaasan ko nga sya ng kilay at saktong napatingin naman siya sa'kin. Mabilis niyang naitaas ang noo niya. Wow, siguro walang laman ang loob nito kaya ganon. Tinaasan niya rin ako ng kilay, pero sorry siya dahil mas mataas kilay ko sa kilay niyang gawa sa oil pastle at crayola. Ano kayang feeling maging coloring book? Sorry, curiosity kills the beautiful lady inside KFC.
Nginitian ko siya pero hindi ko pa din pinabababa ang natural kong magandang kilay. Ngumiti din siya sakin kaso mukha na siyang si Annabell doll. Grabe, 'di man lang ako na inform na may meet and greet pala si Annabelle sa kaniyang mga Pilipino fans. Anyways, binaba ko ang tingin ko sa kaniyang kasuotan. Wow, ang ganda naman ng plain color niyang bib ng baby. Charot! Naka tank top si ate! So sexy. Ang ganda din naman ng boxer breif na suot niya, color blue. I like her fashion taste and I like color blue.
Nakalimutan ko tawag sa short na to eh. Yung maikli lang. Sabi, p*kp*k short daw yun. Yung nga ba? ;) Hindi ko talaga alam eh. Binalik ko nalang ulit ang tingin ko sa mata niya. Nakakunot na ang noo niya habang nakataas pa din ang kanyang kilay. Mukha na siyang naiinis. Kala ko ba walang laman ang utak niya? Eh ba't may bilbil ang ulo niya? Psh!
Mukha talaga siyang si Annabelle doll, yung nalusaw na yung mukha. ;D
Mas lumapad pa ang ngiti ko sa kanya habang nagsusukatan kami ng titig. Gusto naming patunayang may forever, Okay? Pero siguro nga ay wala talagang forever kasi napatingin kami sa tumawag ng maganda kong pangalan.
"Liza!" nakita ko ang bwisit na kanina ko pa iniintay.
"Ang aga mo ata?!" sarcastic kong sabi.
"Sorry nemen. Anyways, nandito na daw pala yung magtuturo sayo ng sayaw." dinedma lang niya yung sinabi ko .-.- Kung hindi ko lang mahal tong babaysot na to. Tsk
"Nasaan na daw?" tanong ko. Lumingon lingon siya sa paligid at tumigil ang ingin niya sa babaeng nasa harap ng inuupuan ko.
"May! Liza, siya yung magtuturo sa'yo ng sayaw!" sabi sakin ni Jane.
WHAAAAAAT???!!!!
.
--------------------------------
Sorry kung panget yung kwento at bitin.
Kung napatawa ko man kayo sa story na 'to. :D Mas papatawanin ko pa kayo sa next chapters ^_^
Sana nag enjoy kayo!
Wala akong issue sa mga may fashion taste kagaya ng kay May ha! Baka akala niyo meron, pero wala. Si Liza ewan ko lang, pero ako wala. :D
Gusto ko lang kayong mapatawa at mapasaya. Yun lang talaga
BINABASA MO ANG
Liza's Personalities
Short StoryAng Istoryang ito ay hindi tungkol sa Supernatural something o Magical eklabam. Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babae na sa bawat chapter ay ipapakita ang iba't ibang mga personalidad. Kung may iba pang mga personalities na nag-occur sa isang c...