"13,14,15." Omg! Ang daming gwapong dumadaan. Grabe naman tong subdivision na 'to. Tambakan ng mga gwapo. Emegherd....
Napatingin ako sa relo ko at nakitang 11:30 na. Isang oras na pala akong nasa terrace nitong environmental friendly na bahay na 'to. Plastic na bahay. May basura nga sa may gate ng terrace!
Anyway. Dahil nagugutom na rin ako, kailangan ko muna lisanin ang paraiso at kumuha ng pagkain sa loob ng plastic na bahay. Dumeretso ako sa kusina at nakita ko ang rice cooker kaya nag split ako sa ibabaw ng lamesa. Charot. Kumuha ako ng plato at nagsandok ng kanin. Iniangat ko ang food cover sa lamesa at nakita ko ang Hotdogs. Malalaking Hotdogs. Hmmmmmm
Dahil favorite ko ang malaking hotdog ay kumuha ako ng tatlo. Bumalik na ulit ako sa terrace at nagsimulang kumain.
Ang sarap naman ng malaking hotdog. Yummy. Cheese hotdog nga pala ito.
For the 16th time, may dadaan nanaman na gwapo sa harap ng bahay. May daladala siyang plastic, at dahil transparent ito ay nakita ko ang nasa loob. Hotdogs. Jumbo Hotdogs ang nakasulat. Ang sarap naman ng hotdog niya. Ang laki. Napakagat tuloy ako sa hotdog na nakatusok sa tinidor na hawak ko.
Nagitla ako ng napatingin siya sa'kin. Nakataas pa din ang tinidor ko kaya napatngin siya dito. Kinagatan ko ulit ang hotdog sa tinidor. Ang sarap talaga! Pero alam kong mas masarap yung sa kanya. Nakatikim na kasi ako ng hotdog na ganon eh. ;)
Napangiwi nalang siya sa nakikita niya. Nginitian ko siya at parang nagaalinlangan ba siya kung ngingiti siya o hindi kaya nagtumbling siya patalikod. Chos! Wala siyang ngiting ibinalik sa akin kaya humarap nalang ulit siya sa kalsada, pero nagulat ako nang may kotseng bumunggo sa kanya.
"Ahhhhhh!!!!!"
SAYANG YUNG GWAPONG MAY MASARAP NA HOTDOG!!!
-------------------------------
Heyyyyyyyy. Tagal ko nag-update. Sorry.
Napatawa ko ba kayo? xD
Dinededicate ko itong chapter sa bestfriend ko, dahil siya ang nagsabing mag ud ako. asdfghjklat name niya dito.
Hohohoho
Sana nag-enjoy kayo.
BINABASA MO ANG
Liza's Personalities
Short StoryAng Istoryang ito ay hindi tungkol sa Supernatural something o Magical eklabam. Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babae na sa bawat chapter ay ipapakita ang iba't ibang mga personalidad. Kung may iba pang mga personalities na nag-occur sa isang c...