Pang-apat - Lizang Isip bata

40 1 0
                                    

"Wahahaha!" Ang sarap talaga yakapin ni Jiggle. Ang sarap icuddle. Okay lang na mabaho na 'to,  basta nasa akin.

"Hoy Chelsie! Akin lang si Jiggle!" Kaharap ko so Chelsie na iyak nang iyak dahil inagaw ko sa kanya so Jiggle.

"Akin na kaseee!!" Pag-iinarte niya.

"Ayokooo! Bumabaho lang si Jiggle 'pag nasayo!"

"Ang sama mo talaga! Pupunitin ko lahat ng damit mo!"

"Subukan mo! Gagawin kong basahan yung sa'yo" at mas lumakas pa ang pag-iyak niya.

"Hmp! Iyakin!" Iniwan ko siya at pumunta sa kwarto. Dumeretso ako sa kama at pinaupo si Jiggle.

"Dito ka lang ha. Mag-wawashroom lang ako." Pumunta ako sa cr ng kwarto namin ni Chelsie at uminom ng tubig sa gripo. Charot. Umihi ako and everythoing. Nagwiggle wiggle pa ako sa loob kaya medyo natagalan ako. Lumabas na ako sa cr at pumunta sa tabi ng kama. Hindi ko nakita si Jiggle sa kama. Hinanap ko si Jiggle sa ilalim ng kama pero wala siya don. Napatingin ako sa may pinto.

"Chelsie!!!" Wala si Chelsie sa pinto. Pero nakita ko ang patak ng uhog niya sa sahig malapit sa pinto. Bakas iyon nang pag-iyak niya. Masasampal ko siya.

Tumakbo ako pababa sa living room at nakita ko agad kung nasaan siya. Nagtatago siya sa likod ng pinto. Nakita ko ang paa ni Jiggle na nakalitaw. Wala talagang utak tong Chelsie na 'to, iipitin ko 'to eh.

"Nasaan ka Chelsie?" Maang-maangan ko. Nakarinig ako ng mahinang tili. Pipilitin ko nalang unawain na ganito talaga siya : (

Hinigit ko bigla si Jiggle at nakuha ko naman ito. Tumakbo ako paakyat sa hagdan.

"Wahahaha! Akin lang si Jiggle!!" Sigaw ko na parang may diperensya ako sa pag-iisip.

"Ahhh!!" Sigaw niya at nagwala na parang ewan. Pag may mga tumalabsik na uhog niya sa sahig,  ipangpupunas ko talaga ang mga damit niya.

"Walang forever!!!!" Bumalik na ako sa kwarto at isinara ang pinto. Umupo ako sa kama at pinaupo ko din si Jiggle.

"Jiggle, wag kang sasama don sa lukalukang yon ha?" Sabi ko kay Jiggle. Alam kong um-oo siya kaya humiga na kami. Nakatulog ako dahil ito ang dapat mangyari sabi ni author.

Napadilat ang mga maganda kong mata dahil sa narinig kong tunog nang nagsaradong pinto. Agad kong kinapa si Jiggle sa tabi ko pero wala akong nakapa. Tumingin ako sa kanan ko at nakita si Jiggle na nakahiga.

"Jiggle!" Hinila ko siya at niyakap. "Ano yon?" Hindi siya sumagot. Snob siya. Tsk.

Bumaba ako sa kama at binuksan ang pinto. Yakap yakap ko si Jiggle. Lumabas ako ng kwarto at nagulat ako nang makita ang mga damit kong nakakalat sa sahig.

"Chelsie!!!"

---------------------

Hi ^_______^

Ito na po ang ud ko. Nagustuhan niyo ba?

Sana napatawa ko kayo :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Liza's PersonalitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon