Pangatlo - Lizang Kontrabida

54 2 2
                                    

"Yaya. Pakikuha ng sunglasses ko sa rooftop" utos ko sa yaya na naglilinis ng pool.

"Okay po mam." sabi niya at umalis na.

Pumasok muna ako sa loob ng bahay dahil biglang uminit sa labas. Gosh. Wala ba akong pwedeng paglagyan sa bahay na 'to?

"Ahhh! Chelsie!" sigaw ng kapatid ko mula sa kung saan man.

"Tayaaaa!" Ugh!

"Taya si Angie!" sigaw ng isa pa. Mga haliparot talaga. Ang kikiri ng boses.

Pumunta ako sa lugar kung san nanggaling ang boses nila at nakita ang mga hitad na bata.

"Hoy. Manahimik kayong tatlo." 

"Ate naman! Naglalaro pa kami!" sumbat sakin ni Angie.

"Hindi ko tinatanong. Doon kayo sa kwarto mo maglaro."

"Ayaw!" tinaasan ko siya ng kilay at tinadyakan sa mukha. Charot.

Ngumiti siya sakin na parang nang-aasar.

"Ayaw nga namin!!" at sabay sabay silang tumakbo palayo sakin habang natawa. Mga hitad talaga. Sisilaban ko ang kwarto nila mamayang gabi habang natutulog sila. Aalis ako ng bahay kaya wag kayong ano diyan.

Nauuhaw ako. So syempre pupunta ako dapat sa kusina para kumuha ng maiinom diba? Nakasalubong ko si yaya Celi papunta sa kusina at iyon ang ikinasira ng araw ko. Chos. Binati niya ako at umalis na. K.

Kumuha ako ng baso at itinapat sa water dispenser. Tinitingnan ko kung mapupuno ba ito ng kusa. Gaga, syempre hindi. Pinuno ko ang kalahati ng baso at ininom 'yon lahat. Pinatong ko nalang ang baso sa lamesa at nag bending palabas ng bahay. Ang presko sa tiyan. Enjoy.

Maya-maya'y dumating na si yaya dala dala ang aking sunglasses.

"Ito na po mam." iniabot niya sa'kin 'yon.

"Ang tagal mo. Nakapag mall na ako."

"Talaga mam? Bakit hindi ko kayo nakita?"

"Gaga!" tinulak ko siya sa pool.

"HINDI AKO NAG MALL!"

----------------------------------------

Hey xD

Nakakatawa ba?

Hindi ako masyadong makapag-isip. Inaantok kasi ako kaya sorry kung hindi masyadong okay.

Sana nag enjoy kayo! :D

Liza's PersonalitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon