Kwatro (10/2/15)

78 8 1
                                    

Third Person POV

"Dyos ko bat wala kang damit na bata ka?" tanong ng isang matandang babae kay Yumi at agad na linapitan at binalot ng telang malinis. "Na rape ka ba?" tanong uli nito. Hindi makasagot si Yumi dahil hindi niya naman alam kung ano ang rape at isa pa hindi din niya alam kung ano ang nangyare sa kanya at bat hubad siya.

"Crizeth!" sigaw ng matanda. Maylumapit naman na isang dalaga at bakas sa mukha nito ang gulat pagkakita kay Yumi. "Crizeth tulungan mo kong iuwi siya mukhang pinaglaruan ito ng mga engkanto at kinuha ang mga gamit."

Di makaimik si Yumi dahil wala siyang maintindihan sa mga pinagsasabi nila. Engkanto? Ano yun? Tanong niya sa sarili niya.

Dinala siya ng dalawang babae sa bahay nito. Nagsisigaw na karangyaan ang bahay nito at ang mga kagamitan nito ang nagpapatunay na angat sila sa buhay. Ipinasok nila si Yumi sa isang kwarto sa ikalawang palapag.

"Naku kang bata ka! Ano bang pangalan mo?" tanong nito kay Yumi. Nagdadalawang isip pa si Yumi kung sasaot ba siya o hindi pero mukhang mabait naman ang matanda kaya ngumiti siya ng matipid.

"Yumi Samantha Pontana po" sagot niya. Tumango naman ang matanda at ngumiti ng malawak.

"Sige maiwan muna kita ah? Maligo ka muna. Yung CR dun sa katabi ng walk in closet." Pagkasabi nun ng matanda ay iniwan na siya nito sa loob ng kwarto.

Hindi ni Yumi alam kung ano ang CR at walk in closet na sinasabi ng matanda kaya pinuntahan niya ito at binuksan ang CR kuno sabi ng matanda. Pagkabukas niya nito ay namangha siya dahil sa ganda nito. Binuksana niya naman ng sunod ang walk in closet at nakita ang sandamakmak na damit.

Naalala niya bigla ang bag. Oo yung bag na dala-dala niya kung san niya inilagay ang mga libro at ang sagradong bola. Dali-dali si yumi na bumalik sa kama at nakita niya doon ang bag. Binukasan niya ito at sinuguradong nandon ang mga gamit niya. Ngumiti naman siya ng nasigurado niyang nandon nga nag mga dala-dala niya.

Kinuha niya ito at ilinagay sa ilalim ng kama. Sinigurado niya muna na walang makakakita nito. Pumasok na siya sa loob ng CR kuno. Binuksan niya ang gripo at bumuhos doon ang malamig na tubig. Ngumiti siya dahil doon at unti-unti siyang pumasok sa loob ng bathtub.

Nakaramdam siya ng ginhawa ng nakapasok na siya doon. Nakita niya ang isang garapon at nakalagay doon malapit sa bathtub. Kinuha niya iyon at inamoy.

"Scent of roses?" tanong niya sa sarili niya. Kahit di niya lama kung ano iyon ay linagyan niya ang tubig dahil sa mango iyon. Nakita niya na bumula iyon kaya dinamihan niya.

Nang natapos na siya sa pagligo ay tumayo siya at pinuluoppt sa katawan niya ang towel. Palabas na sana siya sa CR ng nakita niya ang repleksyon niya sa isang salamin.

"what the f*ck" gulat na sabi niya ng nakita niya na nagbago ang kanyang itsura. Ang mahaba niyang tenga ay lumiit. Ang dating dilaw na mata ay mistulang naging isang itim. Kumunot ang noo niya at tiningnan ang braso niya. Nandoon pa sin ang sugat na natamo niya pero unti-unti na iyon humihilom.

Pumasok agad si Yumi sa walk in closet at nagsuot ng damit. Pinili niya ang puti na mahabang damit at lumabas uli sa loob ng walk in closet. Naabutan niya ang babaeng tumulong sa kanya habang nakupo sa kama. Ngumiti ito ng malawak sa kanya at saka ito niyakap ng mahigpit.

Hindi umimik si Yumi pero nakaramdam siya ng tunay na pagmamahal, pagmamahal at aruga ng isang Ina. Alam niya na mali ito pero iyon ang nararamdaman niya. Niyakap na lamang niya ito pabalik.

"Yumi san ka nakatira?" tanong ng matanda pagkahiwalay nila sa yakap. Ngumiti lamang si Yumi at umiling. Di niya pwedeng sabihin na nakatira siya sa mundo kung saan ang mga nilalang ay di pangkaraniwang.

MY DEMON PETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon