CHAPTER 2

277 19 7
                                    

Kinabukasan...

"Yow Bro! Oh ano? Handa ka na ba?"

"Anong handa?"

"Sa panliligaw mo!?"

"Anong sa panliligaw sinasabi niyo diyan? At kanino naman? Kay Cheska? Tsk! Diba pinag-usapan na natin toh kahapon?"

"Andali mo namang makalimot bro. Hindi kay Cheska! Eto!" sabay pakita sa picture ng isang babae

"Ay! Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan. Seryoso kayo bro.?"

Nagnod lang silang apat. -_-

"Ready bro?"

"Okay.. I'm ready!"

"May bulaklak lang ba kayo? Para naman hindi niya mahalata na biro lang ito.

May kinuha si James sa kanyang bag.
At isa itong bulaklak.

"Oh eto bro oh!"

"Whoo. Bilib na talaga ako sa inyo mga bro. Boy Scout masyado ah. Laging Handa."

"Ganyan dapat bro noh! Kami pa. .. Oh! Andiyan na pala 'yung babae. Nice timing ah! Siya lang mag-isa. Talagang pinagkasundo talaga kayo ng tadhana."

"Kinakabahan ako bro ey."

"Huwag kang kabahan bro, kaya mo 'yan atsaka hindi mo naman 1st time manligaw diba?"

"Oo nga naman. Kaya ko 'to! Hoh! "

"Ah miss, para sayo!."

Pinagmasdan lang niya ang bulaklak pero hindi siya tumingin sa akin.
Pero ilang sandali ay tumingin na siya sa akin ng dahan dahan.
Na para bang tinignan niya ako simula paa hanggang ulo.
Nanlaki mga mata niya ng makita niya mukha ko.

Ashley's POV

Nasa isang maliit na peace park ako habang tumitingin tingin ako ng brochures ng mga produktong damit,sapatos,accesories at iba pa.
Nang biglang may naglagay ng bulaklak sa mesa.
Tinititigan ko lang 'yung bulaklak hindi kasi ako makapaniwala na may bulaklak sa mesa ko.
Gustong-gusto kong  malaman kung sino naglagay ng bulaklak sa mesa ko kaya dahan dahan ko siyang tinignan simula paa hanggang mukha.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
Halos nanlaki mata ko ng makita ko si Lhouie na nakatingin sa akin.
Nagkatitigan kami.
Nananaginip lang ata ako ey.
Diyos ko, kung panaginip nga eto, wag mo na akong gisingin.

"Ah-eh-ah ka..ka..ni..nong bu..lak..lak 'yan?"

"Para sayo talaga 'yan. Sana magustuhan mo."

"Ha .. ah.. ah? Pa..pa..para sa akin?"

"Oo naman. Hindi ba pwedeng alayan ang isang magandang dilag ng bulaklak?"

Totoo ba naririnig ko Diyos ko?
Sinabihan niya akong magandang dilag.??????????
WAAAAAAAAAAAAAH!!! Para akong nanalo ng lotto sa sobrang saya ko ngayon.
Mamarkahan ko talaga kalendaryo namin pag-uwi ko at lalagyan ko ng hugis puso bilang tanda ng unang pag-uusap namin ni Lhouie. *^___^*  (#^_^#)


"A..a..ako?Ma..gan..dang dilag?"

"Oo naman. Ikaw nga ata ang pinakamagandang babae na nakita ko sa school na eto ey. At sa totoo lang ay noon pa kita napapansin ngunit ngayon lang ako nagkalakas-loob na ipahayag ang nararamdaman ko para sayo. Nahihiya kasi ako noon ey atsaka akala ko mag bf ka na"

Totoo ba mga naririnig ko.?
Kung pwede lang na irecord ko pinagsasabi niya kanina ko pa ginawa pero parang ayaw gumalaw buong katawan ko.
Kainis!!!  Atsaka wala akong recorder! =_____=

"Ha? Ako? May bf? Malabong mangyari 'yun noh! Ikaw pa nga ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng bulaklak."

"Talaga? Answerte ko naman talaga oh!"

Masuwerte daw siya oh?
HAHAHA. Kanina pa ako nilalanggam dito.
Save meeeeeeee from temptations Lord!!!

"Ahh.."

"Hm, ano nga pala pangalan mo miss ganda?"

"I'm Ashley, and you are?"

HAHA.. An adik ko talaga. Huwag din kasi pahalata paminsan-minsan.

"I'm Lhouie." sabay abot ng kamay

"Oh! Lhouie, nice to meet you." inabot ko ang kamay ko sa kanya para mag shake hands kami

Magkahawak  kami ng kamay ng ngayon.
Shete.. Mamamatay na ako ngayon.
Kung nakakamatay lang talaga ang sobrang kilig, kanina pa ako tigok dito.

Bumitaw na ako, baka kasi mahila ko pa siya papunta dito sa puso ko.
HAHA Corny ko. =_=


"Ahm.. Ashley? "

"Ba..bakit?"

"Pwede bang hingin # mo?"

"Ah-eh. Sorry ah...."

"Okay lang, naiintindihan ko,bago pa lang kasi tayong magkakilala kaya ayaw mong ibigay # mo. Pero wag kang mag-alala, makikilala mo din ako."

"Ay hindi. Hindi 'yan ang ibig kong sabihin Lhouie."

"Ey ano?"

"Wa..wala pa kasi akong cellphone ey. Sorry."

"Ah. Ganun ba. Ey pero bakit? Halos lahat naman ng estudyante dito may cellphone ah. Ikaw na nga lang siguro ang wala. Pero wag kang mag-alala, may isang cp ako sa bahay sayo na lang 'yun. Tutal, wala namang gumagamit nun ey."

"Naku! Huwag na! Nakakahiya. Atsaka magkakacp naman daw ako. Bibilhan ako ng papa ko."

"Talaga? Ey, kailan naman?"

"Hindi ko pa alam ey."

"Sige ganito na lang, hangga't wala ka pang cp, ipapahiram ko na lang 'yung isa kong cp ko sayo at kapag nabilhan ka na, isusuli mo lang 'yun sa akin.Okay ba?"

"Nakuuu.Huwag na talaga. Baka ano pa isipin ng mga magulang ko kapag nakita nila na may cp ako."

"Edi, sabihin mo ang totoo."

"Nakuu.. Huwag na talaga Lhouie. Salamat na lang ng marami sa alok mo."

"Okay, ikaw bahala. Ey paano tayo magkakacommunicate nito?'

"Ewan ko." :-3

"Hmm.. Ganito na lang, magkita na lang tayo dito bukas sa ganitong oras. Okay lang ba?"

"Oh. Okay?!"

"Good! Hm, diyan ba room mo?" sabay turo sa room ko

"Yep!"

"So see you tomorrow?"

"See yah!"

"Ay, teka lang, bakit hindi na lang tayo sumabay mamaya papunta sa sakayan pagkatapos ng flag retreat natin?"

Waah.. Sabay daw kami mamaya?
Oh No!

"Hmm.. Pwede rin."

"Good.. So see you later? May gagawin pa kasi kaming project ey"

"Okay..See you later!"

Nagwave ako sa kanya at nagwave din siya sa akin.
Kinilig talaga ako dun ng sobra. *^_^*

The Sweet Revenge (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon