Ashley's POV
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.
Akalain mo 'yun?
Ang lalaking pinapangarap ko lang noon ay boyfriend ko na ngayon.
At sino namang magtatangkang manligaw sa isang tulad ko na simpleng babae lang diba?
Pero si Lhouie ang nagtupad ng mga pangarap ko na inakala kong hinding-hindi matutupad.
Binuhay niya ang mga imahinasyon ko sa buhay at mga pinapanaginip ko lang.
Pinaniwala niya akong pwedeng maging posible ang mga imposible.
At masasabi ko na talaga ngayon na I love Lhouie so much more than my life.
Nag bell na ang ring para uwian na.
Hindi nag flag ceremony kanina kaya walang flag retreat.
Magkasama kami ngayon ni Lhouie.
Magkahawak kami ng kamay.
Holding hands while walking.
Anak ng pupu. Kilig mats talaga ako dito.
Walang umiimik sa amin.
Ewan ko ba, ayaw magsalita nitong bibig ko.
Nirerewind lang ng isipan ko ang mga nangyari kanina.
Tsk! Tahimik lang kaming dalawa.
Nabibingi na ako sa sobrang tahimik.
"Ahm.. Ash? Okay lang ba sayo ang endearment natin?"
Haaaay. At nagsalita din sa wakas.
"Oo naman Lhou.Okay na okay sa akin."
"Ayaw mo ba ng Hon? Babe? Mylove? Bhe?"
"Common na kasi masyado mga 'yan Lhou ey. Atsaka unique naman ang Ash at Lhou ey..Sheshe kasi halos ang tawag sa akin ng nakakakilala sa akin ey at ikaw lang ang tumawag sa akin ng Ash. At kapag pinagsama mo, magiging AshLhou! Oh diba? Ancute lang? :)"
"Ah okay, akala ko kasi gusto mo ng ibang endearment ey."
"Okay na 'yun Lhou."
"Okay Ash."
Ngumiti lang ako sa kanya at tahimik na naman.
Ampupu -_-
Nasa sakayan na kami, nagpaalam na kami sa isa't isa gaya ng dati.
"Bye Lhou."
"Bye Ash, ingat ka ah?"
"Ikaw din Lhou, ingat ka. I love you."
"I love you too Ash."
Sumakay na ako sa vehicle hanggang sa nakarating na ako sa bahay.
"She! Halika! May ipapakita ako sayo! Bilis!"
"Ano po 'yun ma?"
"Eto oh, buksan mo she."
Binuksan ko ang kahon at hindi ako makapaniwala sa nakita ko.
May..
CELLPHONE na ako!!!!!
WAAAHHH..
Sobra-sobra namang biyaya na binigay sa akin ng Panginoon ngayong araw na ito.
Niyakap ko sila mama at papa.
"Salamat ma, pa!"
"Walang anuman nak, belated gift namin ng papa mo 'yan nung umabot ka sa Top 7 nong 1st year."
"Salamat talaga ma, atsaka may sim card pa talaga ah?"
"Oo naman nak, at ano namang silbi ng cellphone na 'yan pag walang sim card diba?"
"Oo nga naman nay noh? Antalino mo talaga."
"Siyempre she, ako pa! "
"Sige ma , pa, bihis muna ako ah?"
"Sige nak."
Pumunta ako sa kwarto ko para magbihis.
Agad ko namang nilagay ang sim card sa cp ko.
Nang bigla kong naalala na wala pa pala akong cp # ni Lhouie.
Kainis naman!
Excited pa naman akong itext siya! TSK!
Pero di bale, bukas na lang.
Matutulog na muna ako.
Ansaya lang talaga ng araw na ito! *^_^*
Sama routine lang naman ako ey.
Ligo,bihis, kain.
HAHA .. As always! :)
Dito na ako sa labas ng bahay namin naghihintay ng masasakyan.
At may sasakyan na nga at sumakay na ako.
Hanggang sa nakarating na ako sa school.
Nakita ko na si Lhouie sa gate.
As usual. Kilig mats naman talaga.
Ansaya lang sa pakiramdam na may naghihintay sayo sa gate sa umaga noh?
Tapos, may dala-dala pang bulaklak?
Answeet naman diba?
BINABASA MO ANG
The Sweet Revenge (SHORT STORY)
Short StorySi Ashley ay isang simpleng babae lamang na matagal ng nagkagusto sa isang lalaki na hindi man lang siya kilala. Hanggang sa dumating 'yung panahon na nagpakilala sa kanya si Lhouie sa hindi inaasahan pero hindi ito kagustuhan ng lalaki. Nagpakila...