CHAPTER 10

179 15 3
                                    

Ashley's POV

"Good Morning po Maam Yu." bati ko sa aking napakagandang adviser

"Good Morning di..ii..in.. ? Sino po sila?"

"Maam, Si Ashley Asentista po ito."

"Wheee?"

Kinuha ko 'yung shade ko.

"Si maam naman eyyyy."

"Ikaw ba talaga 'yan Ashley? Anlaki ng pinagbago mo ah? Ang ganda mo."

"Salamat po maam. Pero ganun ba talaga ako kapangit noon maam?"

"Hindi naman. I mean mas gumanda ka ngayon."

"Kayo talaga maam. Puro kayo biro."

"Hehe, Teka lang, ano pala pinunta mo dito? Atsaka bakit hindi ka naka uniporme?."

Inabot ko kay Maam ang isang papel at binasa niya ito.

"Wow. Congrats Ashley. Sana manalo ka dito. Goodluck!."

"Thanks po Maam."

"Tatlong araw na pala bago ang kompetisyon Ashley. Kaya mo 'yan!"

"Oo nga maam ey, kinakabahan na nga po ako."

"Huwag kang kabahan Ashley, kaya mo 'yan! Magtiwala ka lang sa sarili mo."

"Salamat po Maam. Gagawin ko po 'yun. So, pano maam? Alis na po ako.?"

"Sige Ashley, ako na ang bahala mag submit nito sa Principal. Mag-iingat ka."

"Thank you so much po talaga maam."


"Teka lang Ashley..Class , hindi niyo man lang igogoodluck si Ashley?"

"Ha? Para saan po maam? At nasan po si Ashley?"

"Etong magandang dilag na katabi ko."

'"Wheeee?"

"Classmates? Hindi niyo na ako kilala?"

"Si Ashley nga. Wow!Ang ganda mo naman ngayon Ashley."

"Thanks. Hehe ^_^"

"So pano guys? Alis na talaga ako ah? Babye."

"GOOD BYE SHESHE!!!! GOODLUCK DIN SHESHE!"

"Thanks classmates. Babye"

"GO GO GO SHESHE!!!"

Umalis na ako sa room namin.
Kahit kelan talaga ang iingay ng classmates ko.
Kaya mamimiss ko sila ng sobra ey. :-3


Lhouie's POV

Ang ingay ng room kung saan galing ang babae.
Ang narinig ko lang ay Goodluck Sheshe?
Sheshe?
Parang familiar 'yun ah?

Pumasok na sa loob ng sasakyan ang babae.

Sheshe
*ting*
Nickname 'yun ni Ashley ah?
Si Ashley ba talaga 'yun?
Kaya pala magkahawig sila.

Hinabol ko ang sasakyan pero hindi ko na naabutan sa sobrang bilis.
Huli na ang lahat.

Pinuntahan ko na lang ang room ni Ashley at tinanong ang Adviser nila.

At CONFIRM nga na si Ashley 'yun!

Ang tanga ko! TANGA!!!

Pero bakit hindi niya ako pinansin? Bakit?
Baka hindi niya lang ako nakita o napansin.
Pero bakit hindi man lang niya ako pinuntahan sa room ko?
Hindi man lang niya ba ako namimiss?
Ang gulo naman.
Nababaliw na ako sa kakaiisip sa kanya tapos siya nagpapakasasa sa kasiyahan?
TSK! It's so unfair!

"Brooo! Nakita mo 'yung chix na 'yun?"

"Huwag na huwag mo ngang matawag-tawag na chix ang girlfriend ko!"

"At sinong girlfriend pinagsasabi mo bro?"

"Ey sino pa ba gf ko bro ah?"

"Si Ashley? HAHAHAHA.. Nagpapatawa ka ba bro? Imposibleng si Ashley 'yun noh! Maganda, makinis, sexy at ang puti puti pa."

"Iniinsulto niyo ba gf ko?"

"Chill ka lang bro, malabo lang kasi sinasabi mo ey."

"Totoo sinasabi ko, si Ashley 'yun. Hindi ko din alam kung bakit ganun na lang kadali nagbago anyo niya ey. Tapos hindi niya din ako pinansin ni ningitian man lang."

"Pero bakit naman kaya bro?"

"Hindi ko alam. Hindi ko alam."

The Sweet Revenge (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon