CHAPTER 3

231 19 4
                                    

Nang nakalayo na sila, may lumapit na 3 babae sa akin.

"Hey you! Masyado ka namang siniswerte para bigyan ni Lhouie ng bulaklak."

"Ey ano naman ngayon?"

"Kahit gustong-gusto namin si Lhouie,sinasabi ko sayo, I don't think na may gusto si Lhouie sa isang tulad mo!.Kasi...----."

"Araaay.! Ansakit naman ng pinagsasabi niyo! May gusto sa akin si Lhouie noh! Binigyan niya pa nga ako ng bulaklak ey."

"It's up to you if maniniwala ka sa amin o hindi, hindi ka namin pipilitin basta sinabihan ka na namin ah? Masasaktan ka lang ng sobra sa huli. Ikaw rin. Bahala ka."

"Bahala din kayo! Umalis na nga kayo! Alis! Panira ng moment naman talaga oh-oh! Mga walang magawa sa buhay kundi makialam sa buhay ng may buhay."

"Byebye girl. Take care girl!"

"As always, kahit hindi niyo pa sabihin.Che!"

Grabe talagang mga babaeng 'yun! Mga napakajudgemental masyado!
Kainis! >.<

Ilang minuto ang nakalipas ay tumunog na ang bell para sa flag retreat.
Kaya nasa linya na ako.
Excited na ako. *^_^*

Natapos na ang flag retreat.
Uwian na.
Nakita ko siya sa tabi nga gate.
Ampogi niya talaga kahit saang view.
Nakakainlove.. *^_^*

Malapit na ako sa gate.
Magkakasama na kamiiiiiii.
YIEEEEEE!!!!!!!!!! *^_^*

Naglakad siya papunta sa akin at may bulaklak na naman.
Nakuuu.. 2 bulaklak. ;-)

"Ash, para sayo oh."

Ooy, Ash daw oh?
Siya lang tumawag sa akin ng Ash sa buong buhay ko.
Sheshe kasi palayaw ko ey. Hihi

"Ah-eh. Thank you Lhou."

Gaya-gaya lang ang peg? HAHA
AshLhou?
Bagay ba?
HAHAHAHA..
VOTE US GUYS!!! :)

"Hmm, Ash, pwede bang magtanong?"

"OO naman, ano 'yun?"

"Wag ka sanang magagalit."

"Hindi. Ano ba 'yun Lhou?"

"Hmm.. Pwede ba kitang ligawan?"

Tumigil ang mundo ko.
Kung kanina hindi ako makapaniwala na sinabihan niya ako ng magandang dilag at binigyan pa ng bulaklak.
Mas tumindi ngayon kasi manliligaw siya sa akin?
Si Lhouie? Manliligaw kay Ashley?
Imposible.
Pero tama ba talaga dinig ko?

"Ash?.. Ash? .. Ashley?"

"Oh? Lhou? Bakit?"

"Hm,Anong sagot mo dun sa tanong ko?"

"Ano nga ulit 'yung tanong mo?"

"Kung pwede ba akong manligaw sayo?"

Tama nga dinig ko nong una.
WAAAAAAAAAAH!!!!!

"Hmm.. Pwede?"

"Talaga?? YES! Thank you! Thank you Ash!"

"Psssh.. Wag kang maingay baka may makarinig sayo."

"Hayaan mo sila Ash. Basta ang importante pumayag ka."

"Ikaw talaga. So we're exclusively dating na? Huwag ka ng tumanggap ng ibang manliligaw Ash ah?"

"Ha? Okaay.."

"Yes!.. Broo! It's time!."

"May biglang tumugtog ng gitara at kumanta si Lhouie."

Nasa'yo na ang lahat
Minamahal kita pagkat
Nasa'yo na ang lahat
Pati ang puso ko
Oh oh oh oh

Nasa'yo na ang lahat
Minamahal kitang tapat
Nasa'yo na ang lahat
Pati ang puso ko.....____

Nagpatuloy lang siya sa pagkanta habang ako'y nakangiting nakikinig sa kanya.
Sintunado siya masyado pero ampogi pa rin niya!
Kahit maraming tao ang nakatingin sa amin ay hindi pa rin tumigil si Lhouie sa pagkanta kahit nagkabuhol-buhol na boses niya!. HAHAHA
Ansaya saya lang ng araw na ito.
Thank you so much Lord!
Hindi ko inexpect na ganito mangyayari sa buhay ko.

Hanggang sa matapos na ang kanta at nakarating na kami sa sakayan.
Pinasakay niya ako sa pampasaherong vehicle at nagpaalam na siya sa akin.
Lalakarin lang niya kasi papunta sa kanilang bahay, medyo malapit din kasi.

Nakauwi na din ako sa bahay namin.
Haii. Eto na ata ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. *^_^*

The Sweet Revenge (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon