Starting..

30 2 0
                                    

"Reian!"

"Oh?" Sagot ko.

"Hinahanap ka ni EIC jusko. Kakagaling mo lang ng ospital nawalan ng pag-asa yung Sci-tech page ng dyaryo."

"Sorry. Alam mo namang napakahina ng katawan ko." Sabay tawa ko.

"Nga pala, nasaan si EIC?"

"Nasa library kasama yung assoc. and managing editors, may idadagdag yata sa dyaryo."

"Sana maganda yung dagdag. Thanks!" Tumango na ako sa kanya at naglakad papunta sa library na nasa right wing ng 2nd floor ng school, katabi ng Speech laboratory.

Pagdating ko sa library.

"Reian! Anong nangyari sayo?" Taning ni EIC

"Daming sakit eh,too many too mention"

"Ano bang diagnosis sayo?" Tanong ni Sandra, managing director namin.

"Lahat? Una may stage 1 primary complex, di siya nakakahawa don't worry. Tapos may polycystic ovaries, sinusitis, astigmatism. Yun lang"

"Grabe one week confinement, apat na sakit kaagad? Hina ng katawan mo." Sabi ni Gab, ang assoc. editor namin.

Ako yung scitech editor ng dyaryo namin. Kasi isa ako sa mga pinang-contest nung Division Schools Press Conference, yung ibang kasama ko sa scitech, sila Gab at yung EIC yun, si Mae. So ako na lang ang naiwan.

Sinabi nila sa akin na magkakaroon ng editor's choice na page. Which is already approved ng newspaper adviser namin. Last year na namin to. Time to make a legacy through our newspaper. Plus, kami ang last batch na hindi inabutan ng K to 12. Kailangan naming maging yung batch na hindi nila maikukumpara sa iba. So, hindi lang kami yung club na gumagawa para sa batch.

Bumalik muna ako sa classroom, kailangan kong uminom ng mga gamot at maglagay ng nasal spray. Baka kasi lagnatin ako mamayang gabi pag nalate ako ng inom.

"Reian you're back!! Omg bebe." Bati ni Mic. Isa rin sa mga editors, literary editor though. Di ko rin siya kaklase, nakikikapitbahay lang.

"Ako pa. Pupuntang bangko sentral tomo eh. Sayang ang mini educational trip." Sabi ko sa kanya. Hinug niya ko ng mahigpit.

"I have kwento bebe." Bulong niya sakin.

"About jay?"

"Yeah. Kami na ulit."

"May label?" Gulat kong tanong.

"Baliw. M.U. lang. Asa ka sakin. Alam mong di ako ready sa ganun." Sabay tawa niya sakin at kalas sa pagkakayakap.

"Eh ikaw? Musta?" Tanong niya.

"Wala."

"Akala ko ba may Michael?" Sabi niya

"Baliw. Nag-away na nga kami ni Steph dahil dun eh. Kaya umayaw na rin ako eh. After nung umalis kami nun at pumunta sa bahay nila.--"

"May nangyari ba?" Sabi niya

"Gago. Wala."

"Ano ba yan Reian. Niloloko mo lang sarili mo. "

Kung idedescribe nila ako siguro, ako yung tipo ng babaeng kahit may love life eh yung iniiwan pa rin. Ang love, pag nagpasira ka, di ka na makakabalik lalo na kung ilang beses ka nang niloko at iniwan ng sunod-sunod.

"Reian! Tara baba tayo sa canteen" aya sa akin ni Steph.

Habang bumababa kami sa hagdan.

"Naka-move on ka na ba?"

RuinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon