Reunion

21 1 0
                                    

(Michael's POV)

"M-michael" naalimpungatan si Reian sa pagtunog ng phone niya.

"Oh?" Hawi ko sa buhok niya na nakatabing sa mukha niya.

"Sinong tumawag?"

"Si anna. May itatanong yata sa assignment." Sagot ko. Sana di niya mahalata na nagsisinungaling ako.

"Ulul Michael. Si anna. Tatanungin ako sa assignment. Bullshit" umupo na siya sa tabi ko. Sabay kuha ng phone niya

"Wag muna. Naglalaro ako." Palusot ko.

"Akin na kasi." Naiirita na niyang sabi.

"Wag na kasi."

"Akin na sabi eh." Tinutuhuran niya na hita ko kasi inaabot niya pa rin phone niya.

"Ayoko nga sabi eh."

(Reian's POV)

ABA. DINAGANAN AKO NI MICHAEL.

"MABIGAT MICHAEL!!"

"HUG LEVEL 1" hinug niya ko at tumingin siya sa mata ko.

"Level 2 coming right up." Ngisi niya sa akin.

ANG BIGAT NI MICHAEL. PAHIGPIT NG PAHIGPIT YAKAP NIYA.

"CHANSING KA MICHAEL!"

"WAG KASI! NAKIKILITI AKO. ANO BA. HAHAHA. TIGIL- HAHAHA. TAMA NA KASI NAPAPAGOD NA K- MICHAEL BELLOSO."

hingal na hingal tuloy ako. Nagising pa diwa ko ng di oras. 11 na ng gabi. Aba. Abusado na nga katawan ko sa puyat binwisit pa ko.

"Sorry na." Naka-hug lang siya sa akin. Nakapatong yung ulo niya sa balikat ko.

"Ewan ko sayo." Tumayo na ako. Maghahanap ako ng pagkain. Nagugutom ako.

"Galit ka pa rin?" Nakatalikod lang ako sa kanya. Di ko siya papansinin aba.

"Bigyan mo kong pagkain matutuwa pa ako sayo." Sabi ko

"Padeliver tayo or gusto mo punta na lang tayo ng mcdo or kfc." Taas niya ng kilay sa akin.

Taray ha. Ako nga hindi nagtataas ng kilay tapos siya? Sayang effort mag-rant sa kilay niya. Nagutom pa tuloy ako lalo.

"Punta na lang tayo sa kfc."

"Balak mo bang pumunta dun ng naka-boxers ka?" Ngisi niya sa akin.

"Eh wala akong damit." Belat ko sa kanya.

"Suotin mo na lang to." Hinagisan niya ako ng shorts ng men's volleyball team. Ikli naman nito para sa lalaki. Wow legs na ba ito kapag sinuot ni Michael.

"Eto pa." Hinagisan niya ako ng shirt.

Isang finn shirt. Si finn ng adventure time. Si finn the human. Kulay blue siya over all pero mukha lang ni finn meron sa shirt ko

Sinilip ko si Michael. Wow pare. Pink ang shirt hahaha.

"Couple shirt." Kindat niya sa akin.

He has the princess bubblegum shirt and i have the finn shirt. Couple nga. Though nililink lang si PB kay finn.

Seryoso talaga siya sa mga effort niya eh no, natatawa na lang ako. Though naaappreciate ko, pero kasi hindi talaga siya yung nakikita ko eh. Kakaibang michael to. Iiwan din ako nito ni Michael. I'm sure of it.

"Tara na." Nilock niya yung pinto nila. Syempre. Di naman ganun katanga tong si Michael.

Sumakay na kami ng tricycle papuntang kfc. Sobrang paborito ko ang chicken sa kfc. Kahit siguro ipakain mo sa akin yun sa isabg taon di ako magsasawa.

Pagdating namin sa kfc. Umaakyat na ako sa 2nd floor. Tapos siya nag-order. Wala masyadong tao. May tatlong occupied na table. Si kuyang mukhang galing trabahi, su ate at kuyang naglalamupungab sa tabi hindi na yata nanawa sa isa't-isa. At isang babae at lalaking naka-uniform?

Uniform ba namin yun?

Wait. Oo nga.

"Reian!" Narinig kong tawag sa akin ni Michael.

"Sa baba tayo."

Lilingon na sana ako ng...

"Reian! Sinabing bumaba na eh."

"ANO BANG PROBLEMA MO?" inis kong sabi sa kanya. Bumaba na ako ng hagdan. Aba. Ayos siya. Inaano ko ba siya, bakit kailangan akong pagalitan.

Tahimik lang kaming kumakain. Bahala siya. Di ko siya papansinin.

"Sorry." Tingin niya sa akin.

Inirapan ko lang siya. Bahala siya. Masama pa rin  loob ko na  sinigawan niya ako eh hindi ko naman siya inaano

"Reian. Sorry na." Nakatingin lang siya sakin habang kumakain ako.


"Tigilan mo ko belloso."


"Sila stephen kasi yung nasa taas." Umiwas na siya ng tingin sa akin.


"Okay fine. Tara uwi na tayo." Tumayo na ako.

Lumabas na kami. Tahimik lang kami parehas pero hawak niya kamay ko.


"Wait. Naiwan ko panyo k-"

"Reian."


Shit. Not again.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RuinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon