A Thriller : Run

35 27 0
                                    


"T-Tulong!" Sigaw ko sa aking isipan.

Sinusubukan kong ibuka ang aking bibig ngunit bigo akong makapagsalita dahil sa kapansanan na meron ako.

Hingal na hingal akong tumakbo at naghahanap ng lugar na mahihingian ng tulong.

"Please tulungan niyo ako..." Hindi ko napigilan ang sarili na umiyak sa takot.

"Jannah. Tatakas ka rin ba? hahahaㅡ"

Napahinto ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

"ㅡSige tumakbo kalang. Tumakbo kalang ng tumakbo at siguraduhin mong di kita maaabutan dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko pag naabutan kita."

Tila'y nanlamig ang buo kong katawan at ramdam ko ang namumuong pawis sa aking nuo at likuran.

H-Hindi. Hindi niya dapat ako maabutan. Hindi ako papayag. Hinding Hindi.

Nagsimula akong tumakbo at mas binilisan ko pa upang hindi ako maabutan ng taong pumatay sa

pamilya ko.

"T-Tulong! Tulungan niyo ako pakiusap!" sigaw ko muli sa aking isipan ngunit walang tao sa paligid kaya imposibleng may makakita saakin.

Napahinto ako sa isang malaking puno dahil sa sobrang kapaguran.

"Hi jannah. Ano? Pagod kana ba?"

Kitang kita ko kung ang kanyang pagngisi na tila'y handa na akong saktan.

"..w-wag"

unti unti na akong nawawalan ng lakas ngunit pinagpatuloy ang pagtakbo kahit na ang paa ko ay sugat sugat na.

"Matibay ka jannah. Matibay ka. Hanga ako sayo. Sige takbo pa. HAHAHAH." tawa niyang nakakakilabot.

Maya maya ay napalingon ako sa aking likuran at napansing wala na siya roon.

Salamat naman.

Muli akong nagpatuloy sa pagtakbo ngunit pagkaharap koㅡ

"AAAAHH!"

Sa gulat ko ay napaupo ako sa sahig na siyang dahilan ng pagkasakit ng pwetan ko dahil sa pagkabigla at napakalakas ang aking pagbagsak.

"Hi jannah. Paano ba yan? naabutan kita?" Sabi niya habang nakangisi.

[Sign language]

"W-Wag mo akong p-papatayin please. M-Ma-Maawa ka. Hindi kita i-isusumbong." pagmamakaawa ko.

Ngunit pagkatapos ko sumenyas ay bigla niya na lamang hinatak ang buhok ko ng napakalakas kaya ako'y napa daing sa sakit.

"Maawa? MAAWA?! NAISIP NIYO BA YAN NOONG MGA ORAS NA MAMAMATAY NA ANG ANAK KO DAHIL SA SAKIT NIYA? NAGTRABAHO AKO SAINYO!ㅡ"

A-ARAY!

Bigla niya akong hinatak habang hawak hawak parin ang aking buhok na siyang dahilan ng pagkasakit sakit na nararamdaman ko ngayon.

"ㅡBINIGAY LAHAT NG ORAS!ㅡ"

Maya maya ay buong pwersa niya akong inihagis sa isang malaking puno.

A-AAAAAACK ANSAKIT!

"ㅡNGUNIT DAHIL SA KANILA NA HINDI AKO SINWELDUHAN SIMULA'T SIMULA AY WALA AKONG NAIBAYAD SA HOSPITAL SA ORAS NAㅡ"

Mabilis niyang sinuntok ang puno na nasa likod ko at tumingin sa mga mata ko. Kita ko sa mga mata niya ang pamamaga marahil sa kakaiyak.

H-Hindi namin sinasadya.. Patawad..

"ㅡOOPERAHAN ANG ANAK KO DAHIL KUNG HINDI AYㅡ"

Hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin ng humagulgol siya sa pag-iyak.

P-Patawad. Patawad

"ㅡmamamatay siya.ㅡ"

Bigla niya na lamang sinuntok ang puno ng ilang beses habang ang kanyang mga luha at patuloy na dumadaloy pababa sa kanyang pisnge.

[Sign language] "P-Patawad p-po ." paghingi ko ng tawad.

Hinawakan niya ang aking leeg at dahan dahang itinaas. Nagpupumiglas ako at ginagawa ang lahat ng makakaya para makahinga sapagkat hinding hindi ako makahinga.

"AAAAAH!" sigaw ko sa aking isipan

Napansin ko na mas lalo niya akong inaangat hanggang sa hindi ko na maabot ang sahig.

"Ganyan. Ganyan ang nararamdaman ng anak ko. Ipaparanas ko lang sayo jannah."

Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakasakal.

"...K...."

Pinipilit kong magsalita sa abot ng makakaya ko ngunit bigo akong sambitin.

"....A..."

"Wag kana magsalita. Mas gusto kong pinapanuod kang mamatay. Jannah."

Kita ko kung paano nandilim ang kanyang paningin na para siyang sinasaniban.

Mas humihigpit at humihigpit pa lalo ang kanyang pagkakasakal saakin.

"....k...uya.."

At naramdaman ko ang aking pagkabagsak sa sahig kasabay ang pagdilim ng aking paningin at tuluyan ng nawalan ng malay.

Kuya patawad.

♡♡♡

This is my first thriller work, i hope you like it!

UNBELOVEDLIVING

One Shot Stories: A Compilation.Where stories live. Discover now