Meet My Boyfriend.

35 31 0
                                    


Kanina ko pa napapansing palakad lakad si mama na parang natataranta. Hmm did something happened?

"Ma."

"AYYYY BUTIKI!" sigaw niya sa pagkagulat ng siya'y tawagin ko.

"May gusto kabang sabihin?" pagtatanong ko.

"Ahmm.. Wala naman babyㅡ"

Bigla akong tumayo at hinatak si mama papunta sa kusina. Pinaupo ko sa upuang nasa kaliwang bahagi ng lamesa at ako naman ay umupo sa kanang bahagi kaya kami'y magkaharap ngayon.

"Just say it ma. Kailangan mong ilabas yan. Makikinig ako." Pag-aalala ko.

"Nak. Kilala mo si Kurt diba yung anak ng boss ko?"

"Opo." Tugon ko sa kanyang tanong.

"N-Nanㅡ"

"Wala namang masama kung manliligaw sayo ma." I smiled.

"N-Nak? O-Okay lang sayo?" pagulat niyang tanong.

"Yes ma. I know na masaya ka sakanya at alam mo naman na kung saan ka masaya ay masaya na rin ako diba?"

Nilapitan ko siya ng magsimula siyang umiyak.

"A-Akala ko *sob* magagalit ka sakin eh. Mahal ko naman *sob* papa mo, Mahal na mahal *sob* kaso alam mo yun nak? *sob* Need ko ng love ng isang asawa ngayon lalo na't wala na ang *sob* papa mo." Paliwanag niya habang umiiyak.

"Shhh ma. Ano kaba? Oo naman mama naiintindihan kita. Kaya wag mo na siyang itatago sakin ah? Alam kong nag dedate na kayo." pagsisinungaling ko.

"P-Panong.."

Biro ko lang. Hindi ko pa talaga sila nakitang nagdate at kahit kailan ay hindi ko pa nakita ang mukha ng nanliligaw sakanya.

"Secret hahahaha. Basta Ma, dahil may manliligaw kana dapat Dito sa bahay lang magkikita ah? Bawal ang gutumin ka. Bawal din gabihin umuwi at Kung matatagalan man is magtext ka sakin kaagad okay?" ngumiti ako para mabawasan ang kaba niya at lungkot.

Hindi namin napigilang matawa pareho sa huli kong sinabi.

"Ang swerte ko na ikaw ang anak ko." Agad niya akong niyakap.

"Basta pag niloko ka niyan magsasampa na agad ako ng kaso." pagbabanta ko.

"Hahaha ang cute mo nak." Sabi niya.

"Ma naman."

"Cute nga wala namang jowa." Panunukso niya.

Aba aba binawian ako ah hahahaha

"Ma naman eh."

"Yung sayo nak. Halatang mabait naman siya, Maka Diyos at isa pa matagal na diba siyang nanliligaw sayo? simula Junior high ka hanggang ngayong magtatapos kana ng college. Kailan mo siya balak sagutin?" tanong niya.

"Ma. Sinabi ko na naman din po sakanya na Hindi ko siya sasagutin agad kasi nagfofocus muna ako sa Church at sa pag-aaral." tugon ko.

"Atsaka hindi ko pa siya nakikita. Ipakita mo siya sakin bago mo sagutin ah! Hihihihi" kilig niyang sabi.

"Ma wag mo muna isipin yan hahaha." tawa ko.

"Halatang siya rin naman nak. Focus sa school at church pero ang galing lang kasi naglalaan pa siya ng oras para sayoㅡ"

Putol niyang sabi ng may biglang nagdoorbell.

"Ako na nak. Maghanda kana ng pagkain natin dyan, kakain na tayo."

At tuluyan na siyang dumeretcho palabas ng pinto.

Hmmm~

Hmmm~

Habang may ginagawa ay likas na sakin ang mag hmm o kumanta para hindi ako mabored sa mga ginagawa ko.

Maya maya ay dumating na si mama na kasama si..

Kurt?!

"A-Aika."

Kita kong pangalan ko ang binigkas ng mga labi niya.

Hindi ako nagkakamali.

2 Syllables lang naman name ko eh.

Pareho kaming napatigil at hindi makapagsalita sa mga oras na iyon habang si mama ay malaki ang ngiti.

Alam niya ba na siya yung nanliligaw saakin? Akala ko hindi!

"M-Ma bat napadali ang pagkikitaㅡ"

Naudlot ang aking pagsasalita dahil siya'y nagsimulang magsalita. Maya maya ay lumaki ang mata ko, nanlamig ang katawan at hindi makapagsalita dahil sa sinabi ng mama ko kung sino ang lalaking itoㅡ

"Nak. Meet Kurt. Ang matagal ko ng manliligaw."

ㅡSa buhay niya.

♡♡♡

Thank you, again! Thank you so much for reading! I hope you like it. Lovelots!

One Shot Stories: A Compilation.Where stories live. Discover now