Phone Call.

52 36 0
                                    

"Akin na nga yan!" pilit kong inaabot ang bag ko na nasa kamay ngayon ng isa sa mga siga dito sa aming paaralan.

"Drake naman!" Maiyak iyak kong sabi kay drake.

"Pandak ka kasi kaya di mo maabot. Patangkad kana,"

Halos magtawanan lahat ng mga estudyante habang pinapanuod akong pilit na inaabot ang aking bag.

"P-Please ibalik mo na..." Pagmamakaawa ko.

Bzzzt~

Bzzzt~

"Ano yon? Cellphone mo ba yon?" Tiningnan ako ni drake ng may halong ngiting nakakaloko.

"D-DRAKE! S-SI P-PAPA Yㅡ"

Hindi ko naituloy ang aking pagsasalita ng bigla niya na lamang akong tinulak papalayo at sa masamang palad ay napaupo ako sa sahig.

"Hmm what do we have hereㅡ. Oh! My Papa is calling! Hahahaha,"

N-No Hindi pwede.

"DRAKE WAG MONG PATAYIN! KAHIT SAGUTIN MO NALANG YUNG TAWAG AT IPARINIG SAAKIN KAHIT GANITO KALAYO PLEASE?!" Maiyakiyak kong pagmamakaawa.

"Hahaha. Who cares about this call? He doesn't even know how to speak." He laughs.

"P-Please.."

Hindi, Hindi tama to. Hindi tatawag si papa ng walang dahilan. Yes, hindi siya nakakapagsalita kasi Pipe ang papa ko. Ayaw niya ng binababaan ko siya ng tawag dahil aakalain niya na galit ako sakanya. Last time na tumawag siya, pinatay si mama. At ngayon....

"DRAKE! WAG!" sigaw ko ng biglaang hinagis ni drake ang cellphone ko sa labas ng bintana.

Bigla na lamang bumuhos ang aking mga luha at natagpuan ko na lamang ang sarili kong tumatakbo pababa ng hagdan hanggang palabas ng paaralang ito.

"H-Hoy! Ms. Perez! Tigil!"

Hindi ko pinakinggan ang sigaw ng gwardiya ng aming paaralan at nagpatuloy sa pagtakbo pauwi sa aming bahay.

Sa Hindi kalayuan ay natanaw ko na ang aming bahay...

Bigla akong napatigil.

"P-Pa....HINDI! "

Agad akong tumakbo ng mas mabilis pa.

"No, No, No. Hindi pwede. PAPAAA!"

bigla na lamang akong hinarangan ng isang bumbero na nasa labas ng aming bahay.

"PARAANIN NIYO AKO! ANG PAPA KO AY NASA LOOB!"

"Maging kalmado ka missㅡ"

"PAANO AKO MAGIGING KALMADO NA NASA GITNA NG APOY NA IYAN ANG AKING AMA!" sigaw ko habang pumipiglas sa higpit ng pagkakahawak saakin ng bumbero.

"Miss walang tao sa loob at nasisigurado namin iyㅡ"

"HINDI! WALA KAYONG ALAM!"

Inapakan ko ang paa niya sa lakas ng aking makakaya at Biglang tumakbo papasok sa loob ng nasusunog naming bahay

"aikaaa... lumabas ka diyan!"

"aikaaa wag ka pumasok!"

"tulongan niyo ang kaibigan ko please!"

Sigaw ng mga kapitbahay ko pero wala akong pakealam.

*Cough*

"P-Papa? A-Asan *Cough* Ka?!"

Bigla na lamang may humila saaking...

BUMBERO.

"Miss ang kulit mo mapapahamak ka diyan sa loob."

"WAG MOKONG HAWAKAN! ANG PAPA KO NASA LOOB!"

"Wala siya sa loobㅡ"

"AT PANO MO NASABI HA? BITAWAN MOKO!"

"aika..."

"ANO BA!"

"Patay na ang Papa mo."

A-Ano? Tama ba yung narinig ko?

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko.

No hahaha Hindi. Hindi siya patay!

"HAHA NILOLOKO MO BA AKO? SABI KONG BITAWAN MOKOㅡ"

Marahas niya akong binuhat palabas ng nasusunog naming bahay at pinaupo sa kanilang sasakyan.

"Aika...Patay na ang papa mo."

"Hindi. HINDI YAN TOTOO! MASAMANG MAGBIRO,"

"Namatay siya hindi dahil sa sunog.."

Bigla akong napatingin sa bumberong nasa harapan ko.

"A-Anong..."

"Namatay siya kakahintay ng pagsagot mo sa tawag niya, nung mga oras na magpapakamatay na siya dulot ng kalungkutan at depression." tuloy niya.

N-no..

"Patay na siya aika, Payat na ang papa mo."

♡♡♡

Hope you like it. Thank you so much for reading my works❤

One Shot Stories: A Compilation.Where stories live. Discover now