Chapter 4

39 6 5
                                    

Plan D

Third's POV

"Sir kukunin lang po namin yung History Book namin sa locker" paalam nila Pat at Ange. "Ako rin Sir!" mabilis na paalam ko at sumunod sa kanila. Pero nauna na silang lumabas Saakin.

Nang makarating na ako sa locker ay kinuha ko na yung libro ko at yung iba pang notebook na kailangan ko ngayong araw. Matapos ko kunin ang kailangan ko ay sinarado ko na ang locker ko. Hindi ko na hinintay sila Pat. Naglakad na ako sa Corridor. Madami kasi akong bitbit. Habang naglalakad ako ay bigla nalang may tumulak sakin dahilan para mabitawan ko yung mga libro at iba pang notebook na dala ko! Tae! Sisipain ko talaga yung tumulak sakin! Dalawang lalaki ang nakatulak sakin siguro dahil naghahabulan sila. Eh kung ipahabol ko kayo sa multo?!

"Ano ba?! Wag nga kayong maglaro dito!" inis kong sigaw sakanila pero nagulat ako nung tiningnan ko kung sino yun... Takte!

Si... Arthur! Yung nakabangga sakin sa may hagdan!

"Oh ano?, matapos mo akong banggain ng pangalawang beses di mo nanaman ako tutulungan?!" inis kong tanong sakanya. Pero parang nagtataka lang ang reaksyon niya. Para akong mabangis na hayop nung isigaw ko yun sakanya.

Napakunot na lang siya ng noo, at naglakad papalayo!

'INIINIS MO BA AKONG HINAYUPAK KA!?!? ANAK NG--!'

Padabog na pinulot ko yung mga gamit na nahulog, dahil sa Arthur na yun!

Bumalik na ako sa Classroom at nagulat ako dahil nakita ko siya na kinakausap si Sir Caprio. Napatingin sila saakin nang pumasok ako sa classroom. Nakita kong napakunot ng noo yung Arthur.

'Tae mo men! Aahitin ko yang makapal mong kilay!'

Napaupo nalang ako sa upuan ko, "Ayieee, Crush mo na talaga si kuya Art!!" nakangiti at kinikilig na bulong ni Cess sa tabi ko. Napatingin naman akong sakanya ng masama. "Tsk!" singhal ko.

"Asan na yung USB?" mahinahon na tanong ni Sir kay Arthur. "Nandito.." at kinapa niya bulsa niya. "Teka, nawawala ser!, baka nahulog yun!" sagot nung Tae. "Putragis!, hanapin mo yun! Nandun ang exam niyo! Anak ng--" parang Hinahighblood na sigaw ni Ser. Naku naku!! Trouble maker kang hinayupak ka ah?

"Ikaw!? Wala ka bang nakita? Na nahulog?" rinig kong tanong niya, gulat akong napatingin sakanya. At tinuro sarili ko. "Oo ikaw, kanino pa ba ako nakatingin?!" sarkastikong tanong nito sakin.

'Abaa!! Ikaw 'tong bumangga sakin, hanapin mo yun mag-isa mo!, hindi ka pa sakin nagsosorry, di mo pa ako tinulungan, bahala ka dyan!--'

"Ano?, tinatanong kita?!" sabi niya pa. Asungit tsk! Kalalaking tao, akala mo may dalaw. Tsk.

"Wala, nabangga mo lang naman ako nun at mga gamit ko lang ang nakita kong nahulog" prangkang sagot ko. At napa "Oohh!" naman yung iba-- yung iba lang naman.

'Take that! Baka mareal talk kita ng wala sa oras-- char, di ko yun gagawin baka magkagiyera dito'

"Tss," rinig ko, alam ko galing sakanya yun. Masyado bang marami yung trip mo?

"Hanapin ko lang Ser!" paalam ni Arthur. At lumabas "talagang dapat mo yun mahanap!," inis na tugon sakanya ni Sir Caprio. Maya-maya pa ay bumalik na si Arthur. At inabot kay Sir ang USB, "oh? Asan mo nahanap?" tanong sakanya ni Sir. "Andun, nahulog sa tabi-tabi"sagot niya at bago pa siya umalis ng room ay napatingin pa siya saakin kaso agad rin umiwas ng tingin.

'Miss mo ko?— char'

'ARTHUR?, ang tanda ng pangalan, pero nahiya naman ako kay Albert my labs? Pero may nickname naman siya eh... Bebert ehee ang cuteee!!'

Highschool: Prank WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon