Chapter 11

11 3 18
                                    

skl. Kinilabutan ako sa chapter 10, wahahaha! Basta yon!

Enjoy reading!!

----

Arthur's POV!

Mabilis akong naglakad parasundan si Aubrie, kahit nakatalikod siya saakin ay nakikita kong umiiyak siya.

"Brie!, sandali lang, pakinggan mo naman yung side ko!" nakikiusap ang tinig ko sakaniya, patuloy parin ng paglakad niya at tila walang narinig.

Binilisan ko pa lalo ang paglalakad papalapit sakaniya pero parang naramdaman niya iyon kaya tumakbo siya papalayo saakin. Wala na akong nagawa kundi ang panoorin nalang ang paglayo niya.

'Antanga mo Arthur! Bobo! Bobo!'

'Kailangan kong iexplain lahat sakaniya at baka mag-isip siya ng kung ano!, ang bobo dapat sinundan mo nalang!'

Dumiretso ako sa pagtakbo kung saan rin huling tumakbo si Brie. Ngayon ay hindi ko na alam kung saan siya pumunta. Tanga-tanga ka kase Arthur! Asik ko sa sarile ko.

Dumiretso ako sa classroom nila at nagbabaka sakaling nadoon siya pero wala siya doon. Nagtanong-tanong ako sa mga kaklase niyang nasa loob ng room, pero hindi naman daw nila alam. Nakasalubong ko pa ang mga kaklase niya babae kaya nagtanong rin ako sakanila.

"Ewan, baka nasa Cr. Nakita ko kasi sila ni Ryza papunta doon eh parang umiiyak si Aubrie non, diba?" kalabit niya sa kasama niya na sumasang-ayon din sakaniya.

"Ah!, salamat" atsaka tumakbo papuntang girl's CR. Nakasarado ang pinto, kakatok na sana ako kaso ay biglang may lumabas na babae at doon ako nakarinig ng pag-iyak sa loob ng CR kaya walang pag-aalinlangan akong pumasok sa loob. Wala akong nakitang tao pero may naririnig akong umiiyak, nasisiguro kong isa iyon sa room dito. Napatigil ako sa isang room na malaki, meron din ganon sa boy's CR at alam kong paliguan yon.

'Ba't..'

Nagdadalawang isip pa akong kumatok sa screen na pinto, kulay silver ang pinto dito. Na siyang naiiba sa lahat ng pinto.

"Brie.." mahina kong usal.

"Go away Arthur!, I don't wana see your face!" she said. Putik napa english tuloy ako!

"Brie, I'm going to explain" mahina kong sabi, parang bulong nalang iyon. Rinig ko mg pagsinghot niya, at alam kong umiiyak parin siya.

"Please not now!, umalis ka na kung ayaw mong sumigaw ako dito! Gagawa ako ng eksena kung di ka pa aalis!" matigas niyang singhal.

"But please talk to me lat—" naputol iyon nang muli siyang sumigaw at pinagpipilit na umalis muna ako.

"Okay... Okay.. Chill, I'm going" paalam ko tsaka lumabas na ng Girl's CR.

Hay!, mga babae!

'What now Arthur? Wala pang kayo tapos-'

Paano ko ba iyon maexplain sakaniya kung inuna niya yung pagiyak niya?

Napabuntonghinga ako sa naisip, bwiset talaga na Dwarf yon! Tsk!

Third's POV

Kinilabutan ako sa aking mga naiisip, ano ba itong mga sinasabe ko kanina lang? Aish!  Hinde 'to pwede! Bwiset siya!

Halos mabaliw ako sa mga inisip ko kanina, at paulit-ulit na nagfaflashback sa utak ko ang pangyayaring iyon. Hinde toh pwedeee!!

Nandito ako sa classroom namin nakaupo sa teacher's table at kumakain ng puto seko. Tulala lang ako habang kumakain, mabagal kong nginuya ang tinapay habang nakatingin sa kung saan.

Highschool: Prank WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon