Chapter 6

38 4 24
                                    

Enjoy reading!!

Pasensya na sa typo. Hihe.

****

Third's POV

Ewan ko ba. Basta bigla nalang akong nilagnat, dahil siguro na ambunan ako. Ininom ko na yung gamot ko matapos kong kumain ng lugaw na luto ni manang. Napatingin ako sa bintana at nakita ko na umuulan. Sinabihan ako nila ate Lin, Ate Prin at  Ate Lei na wag na pumasok kung hindi kaya. Pero...

Pumasok parin ako ng school, malapit lang naman yung dorm eh. Pagpasok ko ay pakiramdam ko ay parang lumilindol dahil medyo nahihilo ako at medyo nasusuka. Napahawak ako sa isang tarangka ng stairs at nag-ipon muna ng lakas.

Nagpatuloy na ako sa paglakad paakyat hanggang sa maabot ko yung locker ko. Naglocker ako kaagad para wala na akong kukunin mamaya.

Pag-abot ko ng Classroom namin ay nakita ko kaagad si Cess na natutulog. Nakayuko siya sa desk niya at nakaHoodie. Naupo na ako sa tabi niya at inilapag ang mga gamit ko.

Nakalimutan ko magjacket! Piste!

Tumatalab na ang gamot na ininom ko at medyo umayos na ang pakiramdam ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Napayuko nalang din ako sa desk ko at napatingin sa natutulog na si Cess. Umayos na ng upo si Cess at matamlay na tumingin saakin. Parang may lagnat rin siya. Nakita kong gumalaw ang kamay niya at nilagay ang likod nun sa leeg ko na parang chinicheck yung temperatura ko. Naramdaman ko yung init ng kanyang kamay.

"May sinat ka?" mahina niyang tanong.

"Di ba obvious?" kunwaring mataray na sagot ko sakanya. Sumama naman ang mukha niya at napatingin nalang sa labas ng bintana.

Pareho pa talaga kaming may sakit ngayon ah?

****

Bumilis ang oras, puro pagdedesign lang ang ginawa namin sa room ngayon hindi na ako nagrecess dahil tinatamad akong pumunta sa canteen—cafeteria nalang para sosyal.

Bigla akong nakaisip ng kalokohan... Naisipan kong lagyan ng glue ang desk ni Cess. Porket may sakit ako, titino na ako.

'Muwahahahaha!!" sabi ko yan sa isip ko habang nilalagyan ng glue ang desk ni Cess wahahaha. Kinalat ko siya gamit ng kamay ko, ang dugyot ko tuloy tignan. Matapos ko gawin yung kalokohang iyon ay pumunta na ako ng Cr, nakasarado ang pinto ng CR.

Pagbukas ko ay parang binuhusan ako ng napakalamig at nakakadiring tubig. Nahulog pa yung balde sa ulo ko. Nabuhusan pala ako. Ramdam kong galing sa taas yung nagbuhos nun. Narinig kong may tumawa, ang pangit tumawa.

Alam niyo yung malanding tawa? Ganun yun.

' pero.. Shit! At sinong tanga ang bumuhos nun saakin'

Hindi ako makagalaw ng maayos, nakadiri. Akala ko yung pagpapansin ko lang sa crush ko nung elementary yung pinaka nakakadiring pangyayari, mas malala pa pala to at mas nakakadiri.

Putik yan!

Ang baho!

Nakita kong tumulo-tulo pa yung tubig na kulay red... Na mabaho. 

Agad kong tinignan kung sino yung taong nandito at nahagip ng mata ko ang isang babae na simula ngayon ay kakainisan ko na.

"Oops! Sorry?" sabi nito na may halong panunuyo. Napatingin naman ako sakanya, sinamaan ko siya ng tingin. Palihim ko na siyang tinotorture gamit lang ng tingin ast satingin ko ay naramdaman niya iyon. Napataas ang peke niyang kilay habang nakatingin saakin, inirapan niya rin ako. Tinaasan ko rin siya ng kilay, mas maganda parin yung kilay ko dzuh!

Highschool: Prank WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon