Chapter 16

8 3 1
                                    

Enjoy readinggg

Third's POV

"Ano ba Aubrie!" sigaw niya sa babae at tinulak ito palayo sakaniya.

Nakatulala lang akong nakatingin sakanila. Hindi ko maabsorb, nakakita ako ng spg sa harap ko! Nagsitaasan pa ang mga balahibo ko. Naiihi pa naman ako kaso kailangan kong pigilan, baka hinihintay na ako nila Cess at Ange.

Umalis na ako sa harap nila at dumiretso papunta sa labas, nakita ko na doon sila Cess At Ange.

"Tara na! Bilis!" sabi ko sakanila nang makalapit ako. Agad kaming umalis.

"Teka ba, Third? Problema mo? Bat ka nagmamadali?" napatigil si Cess sa paglalakad ganun rin si Ange. Syempre napatigil rin ako dahil sa tanong niya.

"Ha? Ah eh, kase naiihi na ako, ayoko umihi don may malaking higad— este oo! Higad tama, kaya bilis naa, naiihi na akoo!!" pagmamaka awa ko sakanila. Di ako nagsinungaling ah. Totoong may higad don tsaka naiihi na ako.

Nakarating na kame sa bahay ni Ange at umihi na ako agad. Phew.

Pagkalabas ko nakita kong nagsimula na silang kumain. Ang kalat nila kumain. Parang mga bata.

Hayy.

Naghugas muna ako ng kamay bago kumagat sa burger. Hmm. Ang sarap. Kaso bigla kong naalala yung spg kanina lang kaya muntik ko na maduwal ang burger na nginunguya ko pero napigilan ko at sapilitang nilunok nalang.

"Oh? Bat parang nasusuka ka? Pangit ba lasa?" napansin ata ni Cess iyon.

"May naalala lang" sagot ko.

"Hala baka buntis ka?" sabat ni Ange.

"Oo nga baka buntis ako, ng ama ay si Hyunjin—" binatukan ako ni Cess.

"Bad ka!" tsaka tumawa ng tumawa, tumalsik tuloy ng kinakain! Sabay kaming napahiyaw ni Ange dahil tumalsik sa lapag yung bruger niya. Eww hahaha!

Nagtawanan kami non dahil sobrang laptrip. Kaya ayon nagsitalsikan mga kinakain namin.

"Hoy porket idol niyo ko gagayahin niyo na ako!" pinalo kami ni Cess. Idol daw? Kapal HAHAHA.

"Waw naman!" si Ange na pumapalakpak.

"Bilib na ako sayo! Idol talaga kita!" tinapik tapik pa ni Ange ang balikat ni Cess, napatango-tango namn si Cess at tinapik rin ang kamay nito na nakapatong sa balikat niya.

"Salamat, salamat!" tss, kala mo ano eh..

Matapos nun ay pinagpatuloy na namin ang project namin. Kaso di ako makafocus naalala ko yung spg na nakita ko kanina! Nagsitaasan mga balahibo ko non. May mga oras na hindi ko maintindihan mga sinasabe ni Ange at Cess. Nakakatrauma naman yon!

"Aray!" napasigaw ako nang hampasin ako ni Cess ng libro ng filipino! Ang kapal non! Tapos mabigat! Malamang masakit yon! Hampas ko yon senyo eh!- chour.

"Hoy! Ayos ka lang? Kanina ka pa tulala? Daydream nanaman?!" tanong niya saakin.

"Luh? May iniisip lang.." sagot ko pero ngumiti siya ng nakakaloko. Nagkatinginan naman sila ni Ange na parang isa ang iniisip.

"Iniisip mo yung tatay ng bata noh?!" asar na tanong sakin ni Cess kaya inagaw ko sakaniya yung makapal na libro at hinampas sa makapal niyang mukha! Este sa braso lang pala. Pero dapat sa mukha para masaya!

"Saket ah! Mahina nga lang yung ginawa ko sayo kanina eh sumbong kita sa kuya ko!" kunwaring naiiyak niyang sabi.

"Sige! Sumbong mo! Isumbong kita sa MGA kuya ko eh!" napatigil naman si Cess sa pagdadrama.

Highschool: Prank WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon