Welcome

3K 8 1
                                    

"Ija,gusto ko lang sanang iwelcome ka dito sa village namin." masayang sabi ng ginang na kapitbahay ko. Sya ang unang nagwelcome dito saakin at masaya ako doon.

"Thank you po Ma'am" nakangiti kong sagot dito.

Napabaling ang aking tingin sa katabi nito. Asawa nya siguro. Hinagod ko ito ng tingin at parang may mainit na palad ang humahaplos sa akin habang tinitingnan sya.

"Ah,ako nga pala si Gerdianne at ito ang asawa ko,si Harold" pakilala nito at  nakibeso saakin.

Bineso ko rin sya. Napangiti ako dahil masyado syang mabait.

"Pumasok po muna kayo at doon tayo ay magkwentuhan" sabi ko at tinuro ang loob ng bahay." Hello tito Harold "malakas na sabi ko at kunwari nagbebeso ako. Imbis na sa pisngi ay malapit sa kanyang labi ako humalik. Gayundin sa kabila. Kinagat ko ang aking ibabang labi ng lumayo ako sa kanya. Mapang akit na kinindatan ko sya tsaka tumalikod.

Nakita kong busy sa pag aayos si Gng. Gerdianne. Matanda na ito parang nasa mid 50 na. Kulubot na din ang mga balat pero maputi sya. Samantalang ang asawa nyang si Harold ay mas bata dito. Siguro nasa 40 up ang edad. Katamtaman ang laki ng katawan at medyo maumbok ang tiyan. Lumalabas pa rin ang angking kagwapuhan kahit may edad na.

Isa talaga sa ugali ko ay yung makipag landi sa mas matatanda saakin. I have hots for older men. At tinatago yun ng inosente kong paningin. Marami na ang nabiktima ng itsurang ito at nagpapasalamat ako dahil dito.

Nagkwentuhan kami at maya maya ay napansin ng ginang na magulo pa ang sala ko kaya tinulungan nila akong mag ayos. Saktong malapit na ang tanghalian ng matapos kami sa ginagawa.

"Tita,pasensya na po at hindi ako marunong magluto,oorder nalang po ako ha" totoong hindi ako marunong magluto. Kukunin ko na sana ang cellphone ko ng pigilan nya ako.

"Huwag na ija, ayokong kumain ng hindi ko niluto,magluluto nalang ako saamin at dito natin kakainin" sabi nito at tumayo na.

"Ah ganun po ba tita,ahm cge aayusin ko po yung sa veranda dahil maganda ang view doon" suggest ko..

"Aww,maganda nga sigurong doon tayo kumain tsaka magkwentuhan" sabi nito at lumabas na.

Sinundan ko sila palabas ng bahay. At dahil nasa huli si tito Harold pasimple kong pinalo ang kanyang pwetan. Napalingon sya saakin na nakanganga. Kinagat ko ang labi ko at sineseduce sya. Naputol lamang iyon ng lumingon ang ginang.

"Ahm dito ka nalang siguro muna Honey, tulungan mo si Drezel" nakaturo ito saakin.

Napangiti nalang ako dahil sa sinabi nya. "Oo nga naman tito,tulungan mo ako" sabi ko at hinawakan ang braso nya. Kung sa iba ay parang wala lang ang paghawak ko. Saakin iba yun. May ipinapahiwatig.

Nakangiti pa ako habang kumakaway kunyari sa kanya. Hindi pa sya nakakalabas ng gate ay pumasok na ako sa loob. At napangisi nalang dahil sa naisip. Nakasunod sa akin si tito Harold. At yun ang simula ng aking gagawin.

Hots For DOM (ON- HOLD)Where stories live. Discover now