Chapter 40

331 17 3
                                    

Girl







Nahugot ko ang hininga ko nang walang ano-anong hinigit ako ni Laud para sa isang mahigpit na yakap. Muntik ko nang mabitiwan ang mga dala-dala ko dahil sa bilis ng kilos niya. Halos matumba pa nga ako dahil sa pagkabigla.



Ang isang kamay niya ay nasa balikat ko, ang isa naman ay sa likod ng ulo. Nakahilig ako sa dibdib niya at rinig na rinig ko ang tibok ng kaniyang puso. Napangiti na lang ako, siguro naman ay nagustuhan niya ang surprise ko kahit na hindi ko masyadong napaghandaan.



Sinubukan ko nang kumawala sa yakap niya pero hindi niya ako hinayaan. Nagpaubaya na lamang ako dahil deserve niya naman. Sinuyod ko na lamang ang buong paligid kahit na isang gilid lang ang nakikita ko. Nakakahiya naman kasi kung may makakita sa amin.



Pero gusto ko rin naman ang yakap na ito. Ito ang ipinunta ko rito dahil kasalukuyang wala sa Pilipinas ang yakap na ganito. Sa isang  tao ko lang kasi nararamdaman at gusong maramdaman ang ganito kapayapang yakap. Kay Laud ko lang nararamdaman na dalisay ang lahat habang yakap mo ang kahati na ng sarili mo.



Sa ikalawang pagkakataon ay tinangka kong kumawala sa yakap niya pero hindi niya na naman ako pinahintulutan, napatawa na ako sa inasal niya. Pilit kong inilayo ang sarili ko pero mas hinigpitan niya ang bigkis sa akin. Sinubukan ko pang lumiyad pero hindi rin ang nagtagumpay dahil ibinalik niya rin ako.



"Laud..." suway kong hindi naman nakakakumbinsi ang tono.


"No," he firmly said.



I can't help but to chuckle in amusement. Ibinalik ko na lang ang yakap ko sa kaniya dahil alam kong wala naman akong magagawa. Makalipas ang ilan pang sandali ay siya na ang kumalas sa pagkakayakap sa akin.



His bloodshot eyes greeted me. Nanlaki ang mga mata ko. I didn't expect that. Akala ko ay matutuwa siyang nandito ako



"Why? Aren't you happy to see me?" I asked.



Agad niyang iniiwas sa akin ang paningin niya. Pero hindi sapat iyon dahil nakikita ko pa rin naman ang mga mata niya. Ilang sandali pa ay may luha nang nagbabadyang bumuhos sa mga mata niya.



"You don't like my surprise?" I added.



Agad siyang umiling bilang tugon sa sagot ko. Pero hindi ako kumbinsido dahil iba ang ipinapakita niya. Sa halip na tanungin siya ay wala akong nagawa kundi panoorin na lamang ang bawat galaw niya.



Baka nagsisinungaling lang siya at ayaw niya talaga sa surprise ko. Siguro ayaw niyang nandito ako dahil parte ito ng trabaho. Hindi ko maiwasang isipin na ganoon nga. Pero naiinis ako na ganito na agad ang iniisip ko, nandito na ako, e, wala na ako- kaming magagawa.

Fansite Master (Praise Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon