Chapter 33

289 13 1
                                    

Tickets






"Pupunta po siya?" hindi makapaniwalang paninigurado ko.



Nang mapagtanto ang masyadong bumabalot sa aking excitement, idagdag pa ang mga nanunudyong tingin nila ay nakagat ko ang ibaba kong labi. Subalit, dahil sa ginawa ko ay nagtawanan pa sila. Ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko. Siguradong namumula na ang mga ito ngayon.


Nag-iwas ako nang tingin ngunit dinala ako ng mga mata ko kay Mama. Ngiting-ngiti siya sa akin, nanliit pa ang mga mata na ikinatawa ko naman.



"Pupunta nga, hija. Hindi niya tatapusin pero huli kasi sila. Pero hindi niya pa rin tatapusin kasi may countdown pa raw at iba pang bagay," paglilinaw ni Tita.



Napatango-tango ako sa tinuran niya. Umupo ako sa tabi ni Mama at niyakap siya. Natatawa siya nang isiksik ko ang sarili ko sa kaniya.



"Akala mo hindi ko malalaman 'no?"



Sumilay ang ngiti sa akin. Nanliliit pa rin ang mga mata ni Mama, nanunukso.



"Unang punta niya rito ay noong unang beses mo'ng itinanggi na ikaw 'yung MM niya..." Malambot ang boses ni Mama.



Umayos ako nang upo. Nais kong marinig ang sasabihin ni Mama. Paanong hindi ko ito napansin noon?



"Kinuwento niya sa'kin kung anong nangyari. Sinabi niya kung paano mo siya hinindian. Syempre sinabi niya rin sa'kin na kung sakali mang bigyan ka niya ng pagkakataon, hinding-hindi ka niya sasaktan..."



Ngumiti sa akin si Mama na para bang panatag na siya. Pinahihiwatig niya sa akin na wala akong dapat problemahin at kasama ko siya. Lagi ko siyang kasama...



"Gusto ko siya para sa'yo. Hindi dahil sikat siya o gwapo kung 'di..." Hinagod niya nang tingin ang mukha ko na may pagmamahal. "Bihira na ang lalaking maski ang ina ay hihingian ng tawad sa kasalanang hindi niya naman ginawa. Wala siyang kinalaman, pero pinapasok niya ang sarili niya dahil naapektuhan ka. Mahal ka niya, 'nak..."



Tumulo ang mga luha ko kahit hindi ko pinahihintulutan. Nabalot kami nang katahimikan. Ang mga hikbi ko at ang ingay ng telebisyon lamang ang umaalingawngaw sa buong kwarto.


Nilingon ko sila Tito at Tita. Naabutan ko silang nakangiti sa akin. Kahit pa nababalot na ng mainit kong mga luha ang pisngi ko ay binalik ko ang ngiti sa kanila. Tumango-tango sa akin si Tito, si tita naman ay kasalukuyang pinupunasan ang gilid ng kaniyang mga mata. Siguro'y naluha rin siya para sa kaniyang anak.

Fansite Master (Praise Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon