Chapter 46

291 15 6
                                    

One Person






"Bakit ko naman gagawin 'yun?" agap ko kay Monique.



Hindi ko alam kung saan nagmula ang suhestiyon ni Monique. Paano ang ganoong bagay? Para sa akin, hindi ko kailanman isasama ang isang 'yun sa mga pagpipilian ko.



Ayoko ang anuman. Ayokong sinuman. Totoo 'yun, pero ayoko pa rin ang ganoong paraan.



"Kailangan nating gamitin ang pabor sa fansite mo para mag-iba ang tingin sa'yo," katwiran ni Monique.


"Bakit ko naman gagamitin si MM?" lito kong tanong.


"Kailangan natin iyon para magpatuloy ang relasyon ni Laud na alam na ngayon ng lahat. Kung hindi nila matatanggap si Levity, baka sakaling si MM ay tanggapin nila..."



Hindi ko lubos maisip na aabot ako sa ganito, pati na rin ang sitwasyon, at ang mga tao sa paligid ko. Hindi naman ako magsisinungaling, pero hindi ko pa rin magustuhan ang ideya na 'yun. Ayokong ipagsiksikan ang sarili ko para matanggap nila.



"What will they say about Lau-"


"They won't say anything against him. Ipagtatanggol ng karamihan si Laud, samantalang ikaw ay kailangang ipagtanggol sa lahat," tuloy-tuloy na salita ni Monique.



Umiwas ako ng tingin. I don't know what to say. I do not want to make wrong decisions once more. I do not want to be impulsive. I should think this through so that I won't change my mind once I am already halfway there at the end of my decision.



"Huwag lang si Laud ang isipin mo. Think about yourself, too," ani Monique.



Ganito naman tayo kapag nasa isang relasyon, hindi ba? You'll worry more about your partner than worrying about yourself. Because I know Laud and I are like this. We won't fail...



Bumalik ako sa hospital. Pinadiretso ko sa basement parking ang binook kong kotse para hindi ako makita. Nahirapan man kami sa pagpasok, sa huli ay nakarating pa rin kami. 'Yun nga lang ay mahihirapan ulit si kuya sa paglabas, dinagdagan ko na lamang ang bayad ko sa kaniya para na rin makabawi ako sa kaniya.



Madilim na ang langit. Ang puting mga ilaw, pader, at sahig ay nagiging daan para tumagos ang liwanag sa labas ng gusali. Dumiretso ako sa elevator, lumabas din agad nang makarating sa floor ni Mama. Dire-diretso ang pabukas ko ng pinto hanggang sa pag-anunsyo ng pagdating ko.

Fansite Master (Praise Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon