Chapter 1 Switch

2 0 0
                                    

THIRD PERSON'S POV:

"Maraming salamat po Don Flavio. Hindi po namin alam kung paano namin masusuklian ang kabutihan niyo sa amin." pagpapasalamat ni Mang Ramon at ni Martha, ang kanyang asawa sa isang matandang kukupkop sa kanilang panganay na anak.

Kilala si Don Flavio sa kanilang lugar bilang isang pilantropo. Marami siyang natutulungan sa kanilang lugar. Kada taon nagpupunta ito doon sa maliit na baryo upang kumuha ng iskolar. Upang kapag makatapos ang kanyang iskolar sa pag aaral, kasama niya na itong tutulong sa iba pa nilang ka baryo.

Napaka swerte nina Ramon at Martha sapagkat ang anak nilang si Julia ang napili upang makapag aral sa isang unibersidad sa Maynila.

Marami nang napagtapos si Don Flavio kaya naman walang mapaglagyan ang ligaya ng mag asawa dahil napili ang kanilang pangnay na anak.

"O paano ba yan, Ramon, Martha, mauuna na kami ni Julia para hindi kami gabihin sa daan." pagpapalam niya sa mag asawa.

Niyakap naman nila ng mahigpit si Julia.

"Anak, magpapakabait ka doon. Mag aaral ka nang mabuti. Huwag mong papabayaan ang sarili mo ha." bilin ni Martha kay Julia habang mangiyak ngiyak siya.

"Itay, aalis na po kami." pagpapaalam nito sabay mano sa kanyang ama't ina.

Sumakay na sila sa sasakyan ni Don Flavio.

Kinawayan ito nang mag asawa hanggang sa mawala ang sasakyan sa kanilang paningin.

Sa kabila ng luha sa kanyang mga mata, natutuwa siya dahil nabigyan siya ng pagkakataon na mairaos ang kanyang pamilya sa kahirapan.

Nangako siya sa kanyang sarili na gagawin ang lahat upang hindi masayang ang pagkakataong ipinagkaloob sa kanya ni Don Flavio.

Taon taon, nakikita nilang magkaptid si Luis, isa nang ganap na pulis sa Maynila. Isa rin siyang iskolar ni Don Flavio. Madalas silang magkwentuhan pakag nakakapasyal ito sa kanilang baryo. Kaya naman noong nalaman niya na siya ang napili ni Don Flavio na maging iskolar halos walang mapaglagyan ang kanyang kasiyahan.

*****

Earlier this day.....

"Ate, darating na si Don Flavio mamaya. Susunduin ka na niya." malungkot ang boses ni Jodie habang siya ay nagsasalita.

"Jodie, halika." sabi ni Julia sabay hawak sa kamay ng kanyang kambal.
"Kagabi ko pa kasi iniisip ito. Ikaw na lang ang sumama kay Don Flavio. Mas magaling ka sa akin e. Baka hindi kayanin ng utak ko yung pag aaralan namin dun sa unibersidad doon. Baka nga hindi ko maipasa ang entrance exam. Wag ka mag alala walang makaka alam dito. Pangako Jodie. Baka mabigo ko lang kayong lahat pag ako punta doon." sabi nito habang nakatitig sa mga mata ng kanyang kambal.

Kambal sina Julia at Jodie. Nauna lang ng ilang minutong lumabas si Julia. Magkamukhang magkamukha sila. Pati boses pareho. Pati nga mga magulang nila, madalas magkamali kung sino si Julia at kung sino si Jodie.

Mas matalino si Jodie sa kanilang dalawa. Parati niyang nababanggit kay Julia na gusto niyang makapagtapos ng pag aaral. Pero si Julia, may kahinaan ito, kaya naman kuntento na kung makapagtapos siya ng high school.

Kaya naman nung malaman ni Julia na siya ang napili na gagawing iskolar ni Don Flavio, nabuo ang planong ito sa kanyang isipan.

"Ate, sigurado ka ba?" nag aalalang tanong ni Jodie.

"Oo naman. Basta ha Jodie, mag iingat ka doon ha. Wala na ako sa tabi mo para ipagtanggol ka pag may nang aapi sa'yo" nakangiting sabi ni Julia sabay yakap aa kanyang kapatid.

"Ate salamat." sambit niya sabay higpit ng yakap sa kanyang kambal.

*****

"Iha, narito na tayo. Orlan paki baba lahat ng pabaon sa kain." utos nito sa kanyang driver.

Bilang pasasalamat ng mga taga baryo Villa Luna, pinababaunan nila si Don Flavio ng kanilang mga ani. Mga sariwang gulay at prutas.

"Makakain na naman tayo ng mga sariwang gulay at prutas!" masaya ang boses ni Don Flavio habang papasok sa kanyang bahay. Napakalaki nito.

Sinalubong naman siya ng iba pa niyang iskolar para makapagmano sa kanya.

"Maligayang pagdating Don Flavio." bati ng mga ito.

"Siya nga pala, siya si Julia ang bago nating makakasama dito sa bahay." pagpapakilala nito sa iba pa niyang mga iskolar.

"Siya si Luna" ang makakasama mo sa kwarto.

"Siya naman si Oliver, ito si Melinda, si Juan at si Rosana." pagpapakilala niya sa iba pa niyang iskolar

"Ikinagagalak ko na makilala kayong lahat." nakangiting sabi ni Julia.

"Halika na Julia, sasamahan na kita sa kwarto para makapag pahinga ka na." alok ni Luna. "Kayo rin ho Don Flavio, magpahinga na. Mukhang napagod kayo sa biyahe." dagdag pa nito sabay tango sa akin. Tila ba sinenyasan ako na tara na.

"Ate Luna na lang ang itawag mo sa akin ha. Wag kang mahihiya." nakangiting sabi nito.

"Opo ate Luna." mahinahong sagot ni Julia.

" Julia dito ang kama mo. Teka ikukuha kita ng kumot at unan." nakangiting sabi nito sabay labas.

Nilibot niya ang kanyang paningin sa kwarto. May kalakihan ito. Parang mas malaki pa ito sa bahay nila sa baryo.

Naisip tuloy niya ang kanyang mga magulang at kapatid bahang nakaupo sa kanyang malambot na kama.

"Salamat ate Julia, maraming salamat." mahinang sambit nito sabay tulo ng luha sa kanyang mga mata.

"Nako, mukhang na hohome sick ka na agad, Julia. Wag kang mag alala. Sa simula lang iyan. Ganyan din ako dati. Iyak ako ng iyak. Masasanay ka rin. Isipin mo na lang para ito sa magandang kinabukasan mo at sa magandang buhay para sa pamilya mo." sabi naman ni Luna sa kanya sabay abot ng kumot at unan.

"Halika na, kain na muna tayo." yaya nito sabay hawak sa kamay ni Julia.

Nagtungo sila sa may kusina kung saan nakahanda na ang hapag.

"Mauna na raw tayong kumain sabi ni Don Flavio. Mukhang napagod siya sa biyahe." sabi ni Oliver.

Naupo sila sa hapag ag nagsimulang kumain at magkwentuhan.

"Si Mang Ramon pala at si Nana Martha pala ang mga magulang mo." sabi sa kanya ni Juan.

Tumango naman ito.

"Wag kang mahihiya sa amin ha. Pamilya tayo dito." sabi naman ni Luna.

Parang anak ang turing ni Don Flavio sa kanila. May tatlong anak si Don Flavio pero ang mga ito ay nasa ibang bansa at may kanya kanya ng buhay. Matagal nang namatay ang kanyang asawa. Maliliit pa lamang ang kanilang mga anak pumanaw ito dahil sa isang di pangkaraniwang sakit.

Magisa nitong tinaguyod ang kanilang tatlong anak. Pero sa kabika noon, nakuha pa rin niyang tumulong sa kanyang mga ka baryo. Hinding hindi niya nalilimutan ang kanyang pinanggalingan.

Don't forget to vote, comment and share😊😊😊

Jodie's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon